Sasha's POV
"Justin...maniwala ka, hindi ko sinasadyang...hindi ko sinasadyang saktan ka, pero ito ang tama." muli kong sabi ng hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. "Hindi ko naman gugustuhin masaktan ka,e. May mga bagay bagay lang talaga kasi na hindi ko kayang ipilit sa sarili ko." Pagpapatuloy ko.
Umiling-iling siya na nakatingin lang sa akin,
"Minahal mo ba talaga ako o ginawa mo lang akong panakip-butas?!" mahinahon niyang sabi.Naiiyak na ako sa pwede pang sabihin sa akin ni Justin sa mga sandaling iyon, pero kelangan kong magpakatatag sa harapan niya. "Kung akala mo ginamit lang kita at ginawang panakip-butas, hindi...nagkakamali ka. Sa mga sandaling pagsasama natin, minahal din kita, Justin." depensa ko sa kanya.
"Bakit hindi ko maramdaman, Kasi alam mo, handa akong mahalin ka, kahit hindi mo pa ko kayang mahalin." maluha-luhang niyang sabi niya
"Justin, gusto kong manatili pero..."
"Pero hindi mo kaya, dahil hanggang ngayon si Gwapo parin ang mahal mo at hindi ako, diba?"
Napayuko ako."Justin..." mahina kong sabi.
"Tama ako diba, you choose him? napaangat ang mukha ko para tingnan siya. "Sasha, May pagkukulang ba ako? hindi pa ba sapat? hindi pa ba okay lahat ng effort ko para malaman at mapatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal? Hindi ba ako deserving mahalin, para mahalin mo rin ako?" naluluha niyang sabi
"Walang kulang sa'yo, hindi ko lang kayang patuloy kang saktan sa kasinungalingang ikaw ang mahal ko." nakita ko ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. "But one day...you will find someone, yung taong hindi ka sasaktan, yung taong hindi ka iiwan, yung taong mananatili sa tabi mo,yung taong hindi ka ipagpapalit. Kasi Justin, hindi ako yon. Hindi ako nararapat sayo." Umiiyak kong sabi sa kanya.
Tumalikod siya sa akin at akmang lalayo na. "I'm so sorry Justin....sorry." garalgal na boses kong sambit.
Napatigil siya't humarap muli sa akin. "You're sorry?...Sorry for what, exactly?...Sorry for making me feel like nothing? Sorry for making me wonder every day what I did wrong? Sorry for just waking up and deciding to walk out of my life? Sorry for getting bored and just leaving? Sorry for pretending to care? Sorry for making me think I actually had a chance? Your "Sorry" can do nothing, Sasha! Too late for your sorry, I'm already broken."malakas na boses niyang sabi't tumalikod na siya at tuluyan ng humakbang palayo sa akin.
****
Patamad kong ibinagsak sa sofa ang katawan ko ng makapasok ako sa loob ng bahay, umuwe na rin ako matapos akong iwanan ni Justin sa lugar kung saan kami nagkita at nag-usap. Tahimik lang akong nakaupo na tila napansin naman ng kasama ko sa bahay na si Jayme.
"Anyare bessy, bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura mo?" usisa niyang nakatingin sa akin.
Napatingin ako sa kanya. "Ang O.A ng tanong mo." sabay irap ko kay Jayme.
Agad naman itong umupo sa tabi ko at inusisa ang mga nangyari sa amin ni Justin. "So ano naging reaksiyon ni papa Justin?" seryoso tono niya.
"Ano ba sa palagay mo?" kaswal na tono ko.
"N-n-nagalit ba?" pautal niyang sabi

BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan