Chapter 51- The Trip

1.5K 58 1
                                    

Sasha's POV

Habang naghahanda ako ng mga gamit na gagamitin namin papuntang batangas naisipan kong magtext kay Jayme.

To:Jayme

Andiyan na ba kayo?Bakit di mo sinabi sa akin na mauuna kayo pumunta diyan?Ano ba gagawin niyo?

Sent!

Ibinaba ko ang phone at nagpatuloy ako sa pag-aayos, nang matapos ko sarili ko naman ang aayusin ko nasa labas si Drix at kausap na naman sina Louie sa celfone, hindi ko alam, wala akong ideya sa sinasabi niya na may aayusin daw sina Pat doon kaya nauna na bumayahe. Mabilis lang akong naligo kasi beach din naman ang pupuntahan namin dun, nagsuot ako ng isang white off shoulder blouse at white maxi skirt, at white gladiator sandals.Tinuyo ko ng mabilis din ang aking buhok gamit ang blower, at nang okay na ako saka ako lumabas ng kwarto para puntahan ang naghihintay na si Drix, dahil pauwe parin muna kami sa bahay nila bago kami bumayahe patungong batangas.

"I'm ready!" pasigaw kong sabi ng humarap na sa kanya dala dala ang isang bag na medyo malaki laman ang aking mga gamit.

Napatingin naman agad siya sa akin at parang natulala pa, sinipat niya ako ng tingin mula baba hanggang taas at medyo napakunot naman ang noo ko sa ginawa niyang iyon. "He doesn't like my dress?" tanong ko sa isip.

"Pangit ba love?"

"No...you look so wonderful." sabi niya na ikinasaya ko naman.

"Really?"

"Wala nang iba pa ang mas gaganda sayo, nag-iisa ka lang sa paningin ko." paninigurado niya sa akin

"Nambola ka pa,halika na nga umalis na tayo para makapaghanda ka ng mga gamit mo." sagot ko naman habang papalapit sa kinatatayuan niya

"Hindi kita binobola boo, tunay yun sinabi ko," ngingiti ngiti niyang sabi

"Hmmmm...oo na, sige na." sabay hawak sa kamay niya

Hinila ko na siya papalabas ng gate kung saan naiparada na niya duon ang sasakyan niya. Inilagay muna niya sa compartment ang dala kong bag, nauna na akong sumakay sa driver seat at sumunod narin siya. At pinaandar narin niya ang sasakyan patungo sa bahay nila.

*********

Drixler's POV

Pagkadating namin sa bahay umakyat narin agad ako sa kwarto para maligo at mag-ayos ng gamit, naiwan si Cassie sa living room kasama ni Mama. Naglabas lang ako ng ilang piraso ng damit sa bag, nagsuot lang ako ng denim short at polo shirt,bago ako lumabas ng kwarto naalala ko ang pinaka-inportanteng bagay na di ko dapat makalimutan. Mabilis akong lumapit sa cabinet na nakatayo sa gilid ng aking kama, hinila ko ang isang drawer niyon at kinuha ang isang maliit na kahon. Napangiti ako ng makita ang kahon na iyon kaya binuksan ko ang kahon na iyon para makita muli ang laman. "This is the beginning of our lives together,boo." sabi ko sa isip ng makita muli ang singsing na ibibigay ko kay Cassie mamaya.

" sabi ko sa isip ng makita muli ang singsing na ibibigay ko kay Cassie mamaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon