Chapter 39-Monthsary

2.1K 77 7
                                    

6 months later...

Sasha's POV

Lumipas ang araw at buwan, halos anim na buwan na kaming magkalayo ni Drix. At sa totoo lang hindi ko padin matanggap na eto na kami. Totoo na tong hinaharap naming challenge ng relasyon namin. Kung dati, papasok ako sa trabaho ng makikita ko siya at makakausap siya. Ngayon, ibang iba na talaga. Sabi niya one year daw kami magiging ganito. Isang taon kami mawawalay sa isa't isa. Kahit sabihin namin sa sarili namin na kaya namin 'to. Ang hirap pa din sa puso. Yung tipong makakakita ako ng mga couples tapos magkalayo kami, na hindi niyo alam kung magkikita kaya kayo pagkalipas ng isang taon? Kung dati, kahit kelan namin naisin mag kita, nagkikita kami. Madami kaming sakripisyo at pagtitiis na gagawin. Hindi biro 'tong hinaharap namin. Pero wala kaming magagawa kasi, eto ang nakatakda. Kailangan na lang mag paka tatag. Naalala ko tuloy ang laging sinasabi sa akin ni Drix bago matapos ang usapan namin thru video call.

"Ayokong malungkot ka. Hindi ko na nga naibibigay sayo yung mga gusto mo tapos ginagawa pa kitang malungkot." lagi niyang ipinaaalala sa akin ang salitang 'yan. Lalo ko tuloy siyang namimiss. Pero tiis tiis din. May inilaan talaga siguro si Lord na panahon para magkaroon kami ng time sa isa't isa, hindi man siguro ngayon o bukas, basta sa tamang panahon. God's will kumbaga. We'll wait for that.

*******

Nakaonline na ako now at hinihintay ko nalang ang tawag ni Drix. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng maiinom, mag-isa ako now sa bahay nasa trabaho pa ang kasama kong si Jayme. Nang makarating ako sa kitchen agad akong nagsalin ng tubig sa isang baso at bumalik din sa kwarto. Pagkaupo ko sa harap ng laptop ko tumunog iyon.

"Mama is calling..."

Sinagot ko ang tawag ni mama sa akin sa skype, kakausapin ko muna siya habang naghihintay sa tawag o message ni Drix.

"Hi Ma," bati ko agad na may kasamang pagkaway ng isa ko kamay ng mag-appear ang mukha niya sa screen.

"Hello anak, kumusta ka na?" nakatawang bungad ni Mama

"Ok naman ako Ma, kayo po musta na kayo ni Papa." paninigurado kong sagot naman

"Ito ok din lang din naman anak, miss na miss ka na namin ng Papa mo." nakangiting sabi niya na ramdam ko ang pagkamiss sa akin.

Para namang may kumirot sa dibdib ko sa sinabing iyon ng aking ina. "Aww...miss ko na rin kayo ni Papa, don't worry Ma, ilang months nalang makakauwe na ako ng Pinas,"

"Hindi na kami makapaghintay hija, siyanga pala kasama mo ba si Drix pag uwe?"

"I hope so Ma, sana hindi na maextend ang pag stay niya dun, para maka-attend din siya sa wedding ng bestfriend niya."

"Ganon ba? Anyway, musta naman ang relasyon niyo? Musta naman ang pakiramdam na malayo si Drix sayo, hija?"

Napahinga ako ng malalim sa tanong ni Mama.
"Ang hirap pala talaga ng LDR, Ma. Pero kahit anong hirap kakayanin ko, kasi mahal ko sya, mahal namin ang isa't isa." may paninindigan kong sagot kay Mama.

Kita ko ang pagngiti ni Mama sa screen ng laptop ko. "Ganyan talaga anak ang LDR, kakaiba, puro tiis at hirap. Puro overthinking na hindi maiiwasan lalo kapag pagod ka sa trabaho." tumango-tango ako sa sinabi ni Mama, dahil ganon yung nararanasan ko sa loob ng anim na buwan na hindi ko kasama si Drix. "Pero alam mo anak, napakasarap isiping may nagmamahal sayo sa malayo. Napakasarap isipin na kahit di kayo nagkakaroon ng physical contact, mahal nyo pa rin ang isat isa. Napakasarap isipin na lagi kang may hinihintay-Ang Makasama sya. Napakasarap isipin na nagmamahal ka ng iba, at nagkakaoras ka sa sarili mo. At higit sa lahat napakasarap isipin na alam mong hindi ka nagiisa." pagpapatuloy ni Mama

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon