Chapter 41- Song

2K 76 8
                                    

Sasha's POV

Naalimpungatan ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng aking kwarto,dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko. Kinapa ko agad ang celfone na nakapatong sa cabinet na nasa gilid ng kinahihigaan kong kama para matingnan kung anong oras na. "alas-otso na ng umaga" sa isip ko ng makita ko ang oras sa celfone. Napapikit ako muli may dalawang oras pa ako bago magising si Drix. Dalawang oras kasi ang pagitan namin, kung 8am na dito ibig sabihin 6am palang doon sa Alberta.

Isang tawag sa pangalan ko mula sa pinto ang nakapag-pamulat muli ng aking mga mata. Si Jayme..patamad akong bumangon upang pagbuksan ang tumatawag sa pangalan ko at kumakatok na rin sa pintuan. Pagbukas ko...

"Sa wakas! Anong oras na bakit burlog ka pa bessy?" paninita niya sa akin ng mabuksan ko ang pinto.

Hindi ako nagsalita bagkus tinalikuran ko lang siya at muling bumalik sa higaan, sumunod naman ito sa akin.

"At bakit nahiga ka pa?Bumangon ka na nga bessy," pamimilit niya sa akin, na kinukuha pa ang hawak hawak kong unan.

"Inaantok pa ako, e." sabi ko

"Bakit, anong oras ka na ba natulog? Nag-usap pa ba kayo ni paps? tanong nito

"Hindi na..busy daw siya sa work!" sabi ko sabay talikod sa kanya

Otomatik na tumaas ang isang kilay ng bakla dahil sa ginawa ko. "Ah...inumaga ka ng pagtulog kasi hinintay mo na baka tawagan ka, ganun ba?" sabi pa niya

Hindi ako sumagot, ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Ewan ko ba ke aga aga tinutupak na naman ako, naninibago lang siguro ako kasi naman never niya pinalalampas na di kami magkachat pag monthsary namin. Yung limang buwan na lumipas pagmonthsary namin maaga palang online na siya, siya na nga ang gumigising minsan sa akin e. Pero kahapon nag-expect ako na ganun ang mangyayari pero waley pala, masaya naman ako sa surprise niya at sa pagtawag niya kaya lang parang kulang parin dahil hindi ko man lang siya nakita maghapon kahit saglit lang. Nakakalungkot yun para sa akin.

"Hoy! magmumukmok ka nalang ba, bessy?" inalog alog pa ni Jayme ang isa ko balikat.

Wala parin ako reaksiyon sa ginawa ng kaibigan ko nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"Ganito nalang, titingnan ko kung online na si paps tapos papagalitan ko kung bakit busy siya sa work kagabi. Ok ba yun, bessy?"sabi niya at ramdam ko na tumayo na siya't lumapit sa kinaroroonan ng laptop ko.

"Tulog pa yun..." mahina kong sagot sa kanya ng nakapikit parin.

"E di gisingin natin, problema ba yun." sabi niya.

Tila napaisip naman ako sa sinabi ni Jayme na gigisingin niya, kasi schedule namin talaga ang 8am pag wala kami work. "Wag!...baka kasi pagod sa work kagabi, hayaan mong makapagpahinga siya ng maayos. Mamaya ko nalang tawagan." kontra ko sa kanya

"Nakonsensya bigla?" panunudyo naman niya

"Ewan ko sayo!" sabi ko naman.

Hinayaan ko nalang si Jayme at di nalang nagsalita, nanatiling nakapikit ang mata ko at niyakap pa ang isang unan para ipagpatuloy ang pagtulog ko ng muling magsalita si Jayme.

"Bessy, may reply si paps sa email mo, open ko ba?" sabi niya na nahingi ng permiso ang tono.

"Sige, basahin mo para sa akin." sagot ko naman

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon