Drixler's POV
I kissed her on her lips. Our lips are locked for more than a second. She placed her hands on my head, on my hair and slightly pulling it while she deepens our kiss.
"Do you still love me?" I murmur while we were still kissing. She did not answer me but I felt her twitch her lips. Few more seconds and....
"Anak ng palakang may mga manok na nagtutukaan sa kusina! Ay! ano ba yan! jusko!, pasensya sa mga mata kong virgin!" gulat na gulat na sabi ni Jayme ng madatnan kami ni Cassie dito sa kusina na, alam niyo na 'yon.
Pareho kaming gulat na napatingin kay Jayme, kumalas, nagkatinginan at lumayo sa isa't-isa dahil sa biglang sulpot ni Jayme.
"M-musta?" unang bati ko sa kanya
Nagpalitan lang ang tingin niya sa akin at Cassie na may nakakalokong ngiti.
"A-ah...m-musta y-yung a-ano," nauutal na sabi ni Cassie at hindi alam ang itatanong kay Jayme.
"Alin bessy, yung lasa ba ang kinukumusta mo?, hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?"nakatawang panunudyo ni Jayme,
Natatawa akong napatingin kay Cassie na ngayon ay pulang-pula ang mukha at pinandidilatan ng mata si Jayme. Tila napansin naman niya ang pagtitig ko at ang pagtawa ko.
"Anong nakakatawa?" pataray niyang sabi
Pinigilan ko ang pagtawa ko,"wala naman," inirapan niya ako at itinuon ang atensyon kay Jayme, pinanuod ko lang silang dalawa namiss ko ang bangayan ng mag bestfriend na ito.
"Anong lasa sinasabi mo d'yan? Yung naging lakad mo ang kinukumusta ko." medyo mataas na boses na sabi ni Cassie sa kaibigan
Lumakad si Jayme na parang modelo palapit sa ref at kumuha ng maiinom.
"Ah...un ba bessy, ok naman wala naman naging problema, ikaw ba wala kang naging problema dito sa kitchen natin...?" Muling pagbibiro ni Jayme sa kaibigan na inihahaba pa ang nguso.
"Wala naman, natapos ko naman ng masarap ang mga niluto ko," kaswal na sagot ni Cassie
"Ah talaga..., masarap nga siguro, mukhang nag-enjoy ka nga e," may laman na sabi pa ni Jayme
"What do you mean na nag-enjoy ako?" nakataas kilay na tanong ni Cassie
"Sa halik ay este sa pagluluto mo pala, sige maiwan ko na muna uli kayo, yang mga hitsura niyo kasi mukhang mga nabitin kayo, pasok na muna ako room, kayo ba ayaw niyo sa kwarto? Charot!" nakatawang sabi pa ni Jayme at nag-umpisa ng maglakad patungong kwarto niya
"Jaime!" sigaw naman ni Cassie na inis na inis sa pang-aalaska ng kaibigan. Lumingon si Jayme na maarteng naglalakad saka dinilaan laang si Cassie na pikon.
Iiling-iling ako na natatawa parin na tumingin kay Cassie.
"Ok lang 'yon, wag mo ng pansinin si Jayme, di ka pa nasanay sa bestfriend mo." sabi ko at napatingin naman siya sa akin.
"Hindi ako nababahala kay Jayme, alam kong mapapagkatiwalaan ko siya. Baka lang kasi..." sabi ni Cassie na may pangamba ang reaksiyon
"Malaman ni Justin?" blangko kong reaksiyon
Tumingin siya sa akin at dahan-dahang tumango. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan