Drixler's POV
🎶🎶🎶
I'd rather know if you had turned the page
If you go faster than I do
Suddenly it's not so clear just what I am to you
Am I friend, am I lover, do we still need each other
When you touch me, when you touch me baby I can tellSinasabayan ko ang kanta habang nagmamaneho ako papuntang coffee shop. Sa bawat lyrics ng kantang ito tila bumabagay siya sa sitwasyon namin ngayon ni Cassie. Ewan, pero damang-dama ko naman at napapatanong nalang ako sa sarili."What do we mean to each other, Cassie?"
Masasabi ko naman na masaya ako sa nangyari kahapon, kahit di sabihin ni Cassie nararamdaman ko parin ang pagmamahal niya, na ako parin ang nilalaman ng puso niya. At dahil dun mas lalong lumalakas ang loob ko na maibalik ang dating meron kami, at sisimulan ko na mamayang gabi. Kakausapin ko siya ng maayos sasabihin ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya.
Nakangiti akong bumaba ng sasakyan at dumiretso na sa loob ng coffee shop. Pagpasok ko.
"Good morning, good morning, good morning!" bati ko mula sa guard na nasa may entrance at sa mga katrabaho ko na nandun na rin.
"You look so happy, Drix," sabi ng isang kana na katrabaho ko.
Nginitian ko lang siya at diretso pasok na sa locker room para magpalit ng uniform. Nadatnan ko doon na nakaheadset ang walang kwenta kong kapartner sa counter na si Alex nakatingin ito sa akin, pero dahil good ang vibes ko today, nakangiti akong tumingin sa kanya at inalis niya ang headset sa tenga niya na may pagtatakang reaksiyon sa mukha niya.
"Naimbag na bigat," bati ko sa kanya sa salitang Ilocano dahil isa siyang Ilocana,
Binuksan ko ang locker ko at nilagay ang bag ko saka kinuha ang uniform ko na nandun.
"Masaya ka, ha? Anong nakain mo? kahapon lang kulang nalang walang kitain shop sayo, dahil sa pagsusukli mo ng sobra tapos ngayon parang buhay na buhay, ah?" sabi niya at tumayo na't lumapit sa locker niya.
Pagtingin ko sa katabing locker ko nakita ko ang name na nakasulat doon na nagpangiti lalo sa akin. Na tila napansin naman ng nakatingin sa aking si Alex.
Tiningnan din niya ang tinititigan kong pangalan at tumingin muli sa akin. Sabay snap ng daliri niya
"Ayon! inlove ka dun sa bago dito, noh? Kaya siguro ganyan ka makangiti nagkita siguro kayo kahapon?"
Hindi maalis ang ngiti ko sa labi.
"Alam mo ba yung pakiramdam ng nagnining-ning lahat ng bituin sa langit kapag nakikita't nahahawakan mo ang taong mahal na mahal mo." makata kong sabi
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan