Chapter 44- The Hope

1.7K 63 2
                                    

Five months later....

Sasha's POV

"Bye Ms. Cassie!" may pagkaway ng nakangiting kasamahan ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

"Bye! thank you!" nakatawang sabi ko sabay saludo sa kanya.

Naglakad lakad ako at tinanaw ang mga building sa paligid na nadadaanan ko. Ngayon ko lang napansin kong gaano kalalaki at kaganda ang mga iyon, palibhasa kasi ngayon ko lang din ginawa ang maglakad kadalasan kasi pagkakalabas ko ng work deritso sakay na ako ng taxi pauwe. Pero ngayon na wala parin naman tao sa bahay dahil nasa trabaho parin si Jayme at di ko rin naman makakausap si Drix, naisipan ko na maglakad papunta sa isang mall na malapit dito sa coffee shop.

Yes! wala ako makakachat ngayon kagabi palang nagpaalam na siya na hindi makakapag-online buong maghapon kasi busy pa daw siya sa work nag oovertime daw siya para makarating siya sa date ng pag uwe niya. And yes! tama kayo sa nabasa niyo babalik na dito si Drix sa Toronto next week, hindi ba exciting? Hindi pa naman dapat talaga next week ang balik niya dito, nagrequest lang talaga ako sa kanya, kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa napapayag ko. Siyempre hindi lang siya ang kinulit ko pati narin si Louie, humingi ako ng tulong para kulitin din si Ms.H, ang may ari ng coffee shop. Di ba ang saya saya!

Almost one year rin naman ang hinintay ko para makasama siya uli, para mayakap at makita uli ang matatamis niyang ngiti. Almost one year para makakwentuhan siya. At masabi sa kanya lahat ng bagay na napagdaanan ko nung mga panahong wala siya sa tabi ko.Yung halos isang taon na kahit kelan hindi naging madali sakin. Dahil kahit kelan hindi magiging madali sakin na malayo siya.

Masaya akong pumasok sa loob ng mall ng makarating ako mula sa paglalakad ko, tumingin tingin ako ng kung ano-ano sa bawat madaanan kong stores. Hindi rin naman pala boring mag window shopping ng mag-isa, ngayon ko narin lang uli nagawa ang ganito, simula kasi nung malipat si Drix sa Alberta si Jayme ang lagi ko kasama magmall may time na nakakasama rin namin si Louie at Brea. Pero ngayon literal na mag-isa ako, pero ok lang mukhang maeenjoy ko naman.

Sa paglalakad ko napatigil ako sa isang jewelry shop pumasok ako roon at tumingin tingin hanggang sa may makita akong couple bracelets. Engraved love bracelets ang tawag nila ng itanong ko iyon sa saleslady. "Miss, can I see?" nakangiti kong sabi.

"Ofcourse," sabi niya at kinuha iyon tsaka iniabot sa akin.

"Ofcourse," sabi niya at kinuha iyon tsaka iniabot sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I was born to love you." basa ko sa nakasulat sa bracelets na hawak ko. Tumingin muli ako sa saleslady at di na nagdalawa isip na bilhin ang couple bracelets na hawak ko. "I'll buy it." nakangiti kong sabi sa babae.

Kinuha muli niya iyon sa kamay ko at lumapit sa cashier, pagkapunch niya, "$249" sabi niya at sabay abot ko naman ng bayad. Inilagay niya sa isang box ang bracelets na binili ko pagkaabot niya sa akin ng sukli, at saka iniabot ang maliit na paper bag sa akin.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon