Babala: Sariling Patnubay ng Sarili ang Kelangan sa chapter na ito.😜✌🏼 ENJOY GUYS!💙
************************************************Drixler's POV
Sa bahay nina Cassie kami tumuloy pagkatapos namin maayos lahat ng gamit na dadalhin ko bukas papuntang Alberta. Hatinggabi narin kaming nakauwe at hindi na rin namin nadatnan si Jayme na gising kaya dumiretso na kami sa kwarto niya pagkadating namin.
Nag-ayos lang kami ng kanya kanyang sarili't at nahiga narin sa kama, hindi ito ang unang beses na makakatabi ko siya sa pagtulog pero para sa akin ang makasama siya ng ganito ay parang laging bago sa akin. Isinandal ko muna ang likod ko sa headboard ng kama habang siya naman ay humiga na't nakayakap sa akin.
"Boo..." mahinang boses kong sabi, habang hinahaplos ang buhok niya.
"Hmmm.." tugon naman niya habang nakayakap sakin at nakasiksik ang mukha niya sa may dibdib ko.
Yumuko ako at sinilip ko kung mulat pa ba siya o nakakatulog na. "Can I ask you something?" sabi ko na tila narinig pa naman niya.
"Oo naman, ano ba yun?" iniangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin.
"Sigurado ka ba na okay na sayo ngayon na magkalayo tayo, pansamantala?" inalis niya ang pagkakayakap sa akin at sumandal na rin sa headboard ng kama na kinahihigaan namin.
"Di ba sabi mo hindi naman magtatagal na magkalayo tayo, at isa pa malapit ka lang naman e, andito ka parin sa Canada, diba?" nakangiting sabi niya na kaysarap pagmasdan ng kanyang mga ngiti sa mukha na mamula mula ang pisngi.
'My God! She's a phenomenon' bulong ko sa sarili habang nakatitig lang sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Oo boo...siguro katagalan na ang isang taon. Alam mo bang ang saya saya ko ngayon? Kasi ito na 'yon e, makakapagsimula na muli tayong dalawa."masayang tono kong tugon.
Hinaplos haplos niya ang kamay ko. "I'm sorry again, love." seryoso niyang sabi.
Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. "Sorry? Para saan?" pagtataka kong tanong sa kanya.
Tipid muna siyang ngumiti bago magsalita. "Sa pagiging duwag ko noon, dahil sa takot kong masaktan muli. Noong nagkahiwalay tayo at iniwan mo ko sa Taiwan, pinilit kong kalimutan ka kahit alam kong mahal na mahal kita. Pero ngayon narealize ko na hindi pala ako dapat natakot, ang dapat pala ay nagtiwala ako...nagtiwala sa pagmamahal mo." sabi niya.
Umiling-iling ako dahil sa sinabi niya.
"Boo, tapos na iyon...ang importante yung ngayon. Kasama na kitang muli." patuloy ko.Napahinga siya ng malalim. "Akala ko kasi noon kinalimutan mo na ako at ipinagpalit kay Celine...kaya naligaw ako." mahina niyang sabi
"Naligaw ka dahil hindi mo alam na andito lang ako lagi naghihintay at maghihintay sa'yo." nakangiti kong tugon sa kanya
"Kaya nga, I'm so sorry..." paghingi niya uli ng tawad.
Inalakbayan ko siya't niyakap. "Sshhh...,0k lang, basta simula ngayon lagi mong tatandaan na walang araw na hindi kita mahal, palagi kitang mahal, Cassie." sabi ko't hinalikan siya sa noo.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan