Drixler's POV
Lumabas ako ng bahay pag katapos ng mga nangyari sa loob kanina, hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon matapos kong makita muli si Cassie. Pero isa lang ang pwede ko masabi ngayon nasasaktan ako!
Nagdala ako ng tatlong lata ng beer at dito ko mag-isa ininom sa tabi ng kotse ko na nakaparada, pero bago ko laklakin ang mga beer na ito naisipan kong tawagan si Mama sa pinas, kelangan ko ng kausap, kelangan ko ng mapapaglabasan ng sama ng loob ko at sakit na nararamdaman ko ngayon. Si Mama ang naisip ko dahil alam rin naman niya ang nangyari sa amin ni Cassie.
Me: Hi Ma,
Mama: O, anak, kumusta ka na,
Me: Ito, gwapo pa rin naman, yun nga lang masakit ang puso ngayon.
Mama: Ay naku anak palabiro ka talaga, bakit ka nga ba napatawag?sabi mo di ka makakatawag ngayon at birthday ni Louie.
Me: Ma, andito siya, nagkita na uli kami,
Mama: Sino?si Cassie ba?
Me: O-oo Ma, siya yung bago sa coffee shop, siya rin yung girlfriend ngayon ni Justin.
Mama: Si Cassie ang makakasama mo sa trabaho?Hindi ko nasagot ang tanong ni Mama sa kabilang linya, napasandal ang ulo ko at parang iniumpog umpog ito sa bahagi ng kotseng inuupuan ko.
Mama: Well, mag-tatatlong-taon na 'yon...at pareho na kayong nag... nag move...on
Me: I still want her in my life, Ma. (naluluha kong sabi kay Mama sa kabilang linya)
Mama: Pero, anak—
Me: Ma, tawag nalang uli ako bukas, sige Ma bye...Nagpaalam na ako at ibinaba na ang celfone, inumpisahan kong inumin ang beer na nasa lata na dala dala ko kanina paglabas. Naubos ko na ang isa, sumunod ang padalawa at habang nangangalahati na ako sa patatlo napatingin ako sa may direksiyon ng gate ng bahay namin, napansin ko lumabas doon ang isang babae at naglakad lakad papalapit sa isa ding sasakyan, hindi niya ako mapapansin dahil nakaupo ako at medyo tago. Patuloy lang ako sa pag-inom hanggang maaninag ko na ang hitsura ng babae na nakalapit na ngayon sa isang kotse "Cassie?" muli ako napamaang ng makita na si Cassie pala yung babae na lumabas ng gate.
Tuluyan kong ininom ang natitirang laman, hanggang sa malagok ko ito. Tumayo ako, inayos ang sarili at lumapit sa kanya na nakatalikod sa akin, napahinga ako ng malalim, bahagya ko nakita na nakapikit ito habang nakasandal sa kotse. Maingat akong naglakad papalapit pa sa kanya hanggang sa tuluyan akong nakalapit at tumayo sa harapan niya. Gusto ko siyang hawakan, haplusin ang kanyang mga mukha at ikulong sa aking mga bisig nang malapitan ko na siya.
Pinagmasdan ko siya habang nakapikit, napakalakas ng tibok ng dibdib ko. Kaba, takot, at pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan siya. 'Nung una kita nakita, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.' sinasabi ng isip ko.
Tila naramdaman niya ang presensya ko at kita ko kung paano niya iminulat ng dahan-dahan ang kanyang mga mata. Ang mga mata niya na miss na miss ko ng titigan.
"D-drix!" gulat na gulat na sabi ni Cassie ng makita ako sa harapan niya na nakatitig sa kanya at halos maglapat na ang mga labi namin sa sobrang lapit ko.
"C-cassie..." bulong kong sabi sa kanya, at nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, ramdam ko ang pagkailang niya habang nakatingin lang ako.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan