Chapter 49-The First Step

1.5K 67 11
                                    

Drixler POV

Bago kami umuwi, naisipan ko na pumunta kami ni Cassie sa Cloud 9. Pagdating namin dun, sobrang dami ng tao. Ang haba ng pila paakyat pero worth it naman nung nakarating kami sa pinakataas. Ang ganda ng city lights at sobrang lakas ng hangin. Totoo nga yung sabi nila na mas magandang pumunta dito kapag gabi.

"Wow

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Wow..." namamanghang sabi niya habang tinatanaw ang kagandahan ng city lights

"Ang ganda di ba?" sabi ko na inilibot din ang paningin.

"Sobra, ngayon ko lang nakita ito." nakangiti pa niyang tugon

Tiningnan ko siya, sandaling pinagmasdan ang masaya at namamangha niyang mukha. "Accomplished" bulong ko sa isip ko.

Paborito ko talgang pagmasdan yung mga bituin sa langit. Ewan ko ba, nakakarelax kasi sila minsan para sa akin eh. Tapos nakakatuwa ding panoorin kasi andami dami nila. Yung kung paano sila magningning sa madilim na gabi. And well, di rin mawawala yung pa wish wish ko sa mga bituin kahit alam kong nasa akin na lahat, nasa akin na muli si Cassie eh. Seryoso yung tipong kasama ko siya  habang pinapanood sila, nakakakilig yun eh.

"Tingnan mo yun boo, oh!" biglang turo ko sa isang bituin na kumikislap. "Close your eyes and make a wish," sabi ko pa sa kanya.

"Wish?"

Hinawakan ko ang isang kamay niya.
"Oo, sabay tayong magwish..pikit mo na mata mo at magwiwish na tayo." sabi ko't ipinikit ang mga mata ko at gayon din siya.

Pagkalipas ng ilang minuto, sabay kaming nagdilat ng aming mga mata at nagkatinginan.

"Anong hiniling mo, boo?" tanong ko agad sa kanya

Napangiti siya. "Secret.." mahinang sagot niya saken.

"Hmmm.."

"Bakit ikaw, ano ba winish mo?"

"Isa lang naman ang laging hinihiling ko, yung makasama ka hanggang sa pagtanda ko." may ngiti sa labi kong sabi

"Talaga?" nakangiti rin niyang sabi

"Oo..bakit iyon din ba hiniling mo ang makasama ako...habangbuhay...?" sabi ko pa na naghihintay ng sagot

"Feeler.." natatawa niyang sabi pa. "Di joke lang..." sabay bawi naman agad niya at haplos sa
mukha ko.

Napatawa ako dun dahil mas lalo ko napatunayan na masaya at maayos ang pagsasama namin habang tumatagal, muli ko hinawakan ang dalawa kamay niya at humarap sa kanya.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon