At Toronto AirportSasha's POV
"Welcome Sasha..!" Nakangiting sabi ni Brea at sabay yapos sa akin.
Masaya ko siyang niyakap pabalik.
"Thank you!" tugon habang nakayakap ako sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap.
"Oh, you're so beautiful Sasha, I'm very happy to see you in person," nakangiting sabi niya
"Me too, I'm so happy to meet you, finally.."
"So, magkukuwentuhan pa pala tayo dito, e, ba't di kaya tayo maupo para naman di nakakangalay, kaloka kayo!"pagmamaktol ni Jayme na pairap-irap sa tabihan ko
Sabay kami napatingin ni Brea sa kanya saka nagkatinginan at nagtawanan dahil sa inasal ni Jayme.
"Sorry...," mahinahon na sabi ni Brea na nag peace sign at natatawa pa rin
Muling umirap lang ang bakla.
"Sya, sya ok na, ano gorabels na tayo ng makapagpahinga kame ni bessy," paistriktang tugon pa niya kay Brea.
"Ok...let's go," aya na ni Brea
"Oh! Before I forgot where's Louie, bakit di ka niya sinamahan?" Naalala ko habang naglalakad na kami papuntang sasakyan
"Nasa work pa siya Sash, di kasi sya pinayagan na mag-off today. But...someone is waiting to you guys," masayang wika niya
Nagkatinginan kame ni Jayme na nagtataka ang reaksiyon, dahil sa sinabi niya na may naghihintay pa sa amin, wala akong iba maisip kong sino ang isa pa niya kasama.
"Sino si paps Drix ba?" agad na sabat ni Jayme
Umiling si Brea. "No..., Drix was not here in Toronto, na-duty siya for two months sa Alberta but he is coming back here after,"
"Ay!sayang naman di ko pa pala makikita siya," may lungkot sa tono ni Jayme at saka ako tiningnan.
Hindi ako umimik, wala rin akong naging reaksiyon sa usapan nila at lalo na sa mga tingin ni Jayme.
"Sinong naghihintay sa amin?" pag-iiba ko ng usapan
Tumigil si Brea ng paglalakad, napahinto na rin kami ni Jayme na nagtataka pa rin at napapaisip kong sino ang kasama niya pagsundo sa amin. Pagkaraan ng ilang segundo may pumarada ng isang van na puti sa harapan namin.
"Brea, ito na ba sasakyan natin?" Tanong ko
"Yup, mas ok ito kesa sa car di ba? baka kasi di magkasya ang mga luggage niyo if car yung ginamit ko." Paliwanag niya
"Ang bongga kaya bessy, and Brea is right baka masira ang compartment ng kotse niya dahil sa mga maleta natin." pagsang-ayon naman ni Jayme
"At kanino naman 'yan? Rent?" clueless ko paring tanong
"Nope..." sagot niya sabay tingin sa taong bumaba ng van na nasa harapan namin.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
Fiksi PenggemarAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan