Drixler's POV
Umalis ako sa lugar nina Cassie ng may kunting pag-aalala, dahil na rin siguro sa mga pwedeng kaharapin naming dalawa sa pagbalik ni Justin. Habang nagmamaneho ako kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Mga tanong na di ko alam ang kasagutan. Sa dami ng mga bagay, tanong at emosyon na nasa isip ko na sabay sabay umiikot, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Para silang mga damdaming nag uunahang mabigyan ng pansin, ng atensyon ko para matahimik.
Pero sa dami ng gumugulo sa isip ko isa lang ang alam kong sagot at yun ay ang, Mahal ko siya. Dahil mahal niya ako at hanggat alam ko, nararamdaman ko na mahal niya din ako di ako magsasawang mahalin siya ng sobra. At kung mayroon mang kwentong tama, sa aming dalawa iyon, sa amin ni Cassie.
Nakarating na ako sa bahay, kinuha ko ang mga gamit ko sa compartment at dumiretso na papasok sa loob. Pagbukas ko palang ng pinto sinalubong na agad ako ng yakap ni Celine at nabigla ako't di na nakaiwas dahil sa higpit ng yapos sa akin.
"Where have you been? I was looking for you from yesterday, babe. Why you don't answer all my calls? I'm so worried...na baka may nangyari na sayong di maganda." mahinahon niyang sabi.
Pinilit kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin, blangkong reaksiyon ko siyang tiningnan.
"I'm ok...Pagod ako, gusto ko ng magpahinga." sabi ko at iniwan siya para umakyat na sa kwarto ko.
Napatigil ako at muling napalingon sa kanya ng magsalita siya.
"Hindi mo man lang ba sasagutin ang mga tanong ko? Nag-alala ako sa'yo kahapon pa, dahil hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta tapos ngayon ganito lang, ganyan lang sasabihin mo? Pagod ka? Saan ka napagod? Sino ba kasama mo? Yung ex mo na naman ba, ha?" pagalit na tono niyang sabi.
Ayaw ko siyang patulan kaya binabalewala ko nalang ang mga sinasabi niya.
"Celine pwede, wag ngayon? wala akong oras para makipagtalo sa'yo." mahinahon kong sabi
"Nagtatanong ako Drix, hindi ako nakikipagtalo."
"Ok sige...galing akong Peninsula...nasagot ko na ba ang tanong mo?"
"Kasama mo ba siya?" tanong niya
"Mahalaga pa bang malaman mo 'yon?"
"Bakit hindi? Cool-off lang tayo Drix, and we're not done yet."
"Ganun ba? E, di tapusin na natin..." blangkong reaksiyon kong sabi
"What! Hindi mo gagawin yan sa akin Drix, alam mo kung gaano kita kagusto kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita.!" garalgal na boses na niyang sabi, aktong lalapit siya sa akin pero umatras ako.
"Thank you sa pagmamahal mo Celine, pero h-hindi kita kayang mahalin Celine...I'm sorry...Hindi ko sinasadyang saktan ka. Gusto ko lang maging fair sa 'yo. You dont deserve to be treated like this." diretsahan kong sabi sa kanya
Nakita ko kung paano mabilis namuo ang mga luha sa gilid ng mata niya.
"Sorry? Fair? Bakit? Bakit hindi mo ako kayang mahalin, Drix? May nagbago ba sa akin na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko para mahalin mo ko, lahat gagawin ko maging akin ka lang Drix."

BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan