Chapter 18- Silent

2.6K 104 14
                                    

Sasha's POV

Eksaktong alas-siyete ng gabi ng sunduin ako ni Justin sa coffee shop at didiretso na sa airport para sa kanyang flight papuntang Vancouver Canada. Magkakahiwalay kami for a month ni Justin, nakakalungkot man pero mas ok na rin ito para makapag-isip ako ng maayos. Kung ano man ang magiging desisyon ko sa pagbabalik niya, sisikapin ko na maipaliwanag sa kanya ang lahat, sabihin sa kanya ang lahat.

Sumakay na ako sa may driver seat, napatingin ako sa backseat na parang may hinahanap. Pagkasakay ni Justin sa tabihan ko para magmaneho agad akong nagtanong sa kanya.

"Babe, akala ko ba kasama natin si Drix?" napatingin sa akin si Justin bago niya simulang paandarin ang sasakyan.

"Yes babe, may binibili lang daw siya, puntahan nalang natin d'yan sa may kabilang kanto." sabi niya at hinawakan pa ang isang kamay ko.

"Ganon ba, ok." tipid kong sagot na may tipid na ngiti

Sinimulan ng paandarin ni Justin ang sasakyan, tahimik lang ang ilang minuto naming naging pagtakbo ng sinasakyan hanggang sa tumigil siya sa isang tabi, napatingin ako sa isang lalaki na nakatayo at tila may hinihintay di ko siya mamukhaan dahil sa cap na suot nito at nakayuko dahil sa celfone na hawak hawak. Nang maibaba ni Justin ang window sa may side ko.

"Bro, sakay na!" pasigaw niyang sabi at biglang napatingin  sa amin ang lalaking di ko namukhaan na si Drixler pala. Ngumiti ito at mabilis na sumakay sa backseat.

"Hi Cas–,Sasha," sabi niya ng makaupo na sa likudan.

Tumingin ako sa may rearview mirror at nakatingin din siya duon nagtama ang paningin namin. "Hello." sabi ko at sabay kindat siya sa akin na medyo ikinabigla ko dahil katabi ko lang si Justin. Inalis ko ang paningin ko at ibinaling sa labas ng bintana.

Napatingin ako kay Justin ng bigla nitong kunin ang kamay ko at ipatong sa may lap niya habang hawak hawak.

"By the way babe, si Gwapo muna ang bahala sa'yo habang wala ako, nagkausap na kami kanina. Bawi ako pagbalik ko, ok?" mahinahon niyang sabi

"Babe, ok lang naman ako kahit hindi mo na ibilin kay Drix, makaka-istorbo pa ako sa kanya." pangangatwiran ko naman

Pasimple kong sinulyapan muli si Drix sa rearview mirror, hindi siya nakatingin doon.

"Hindi ka naman istorbo sa akin," sabi niya at mabilis akong napalingon sa kanya. "ah..ang ibig ko sabihin hindi mo ako maiistorbo kasi pumayag naman ako sa favor ni Justin, di ba pre?" sabi ni Drix na patamad na nakaupo sa likod habang ang paningin ay nasa mga kamay kong nakapatong sa lap at hawak ni Justin.

"Don't worry babe, you will not get bored when he is with you, masaya yang kasama si Gwapo," nakangiting sabi pa ni Justin at tumingin din sa likudan namin.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Kahit medyo nag-aalinlangan ako wala naman akong nagawa kundi sundin nalang ang gustong mangyari ni Justin. Dahil para sa akin hindi ganong kadali ang makasama ko uli si Drix, wala pa kaming napapag-usapan sa mga nakaraan namin hindi pa nagiging klaro ang lahat sa amin. Hindi ko alam na baka hanggang ngayon may galit pa rin na nakatago sa puso niya sa akin, lalo na ngayon sa sitwasyon namin. Nalilito pa rin ako at naguguluhan, kaya siguro tama siya kelangan namin mag usap na kami lang dalawa yung walang iistorbo para malinaw na ang lahat.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon