Chapter 37- Airport

2.5K 85 12
                                    

Sasha's POV

"Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang katabi ko mula sa pagtulog hangang sa pag dilat ng mga mata ko. Ang pakiramdam ko ay di ako mapapahamak habang nasa loob ako ng mga bisig mo. Ang sarap gumising sa isang umaga na alam ko sa sarili ko may naghihintay na magising ako." sinasabi ng isip at puso ko habang nakatingin sa kanya.

Tila naramdaman naman niya na gising na ako at itinigil niya ang ginagawa niya sa hawak hawak niyang cellphone.

"Good morning beautiful," nakangiting bati niya sabay dampi ng labi niya sa aking noo.

Nakangiti lang din ako sa ginawa niya at ginantihan ko ng pagbati rin. "Good morning handsome," sabi ko at sabay ikinawit ang dalawa kong kamay sa leeg niya. "I love you," malambing kong bigkas.

"I love you too...more than you'll ever know." halos pabulong niyang sabi na dinig na dinig ko naman.

"Kanta ba 'yon?" Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.

"Hahahaha...ikaw ha, inaalaska mo ako, kaaga-aga. Sige ka baka gusto mong—" sabi niya na may pilosopong ngiti.

"Ano?" natatawa kong tugon sa kanya.

Tatawa tawa siya na nakatingin sa akin. "Aba...sinusubukan mo ako, ha?" Pabulong niyang sabi kaso narinig ko yun kaya kinurot ko siya sa tagiliran hanggang sa kiniliti niya ako at ganun din ang ginawa ko sakanya.

"Ay!! Hahahha..ano ba yan! Hahaha. Stop! Hahaha." sabi ko

Tumigil naman si Drix sa pagkiliti sa akin at hinampas ko siya ng marahan sa may braso niya. "Bumangon na nga tayo," aya ko sa kanya.

Pero bago pa ako makabangun hinalikan na niya ako sa labi. "Mahal na mahal kita, Cassie...I will never get tired of saying you this over and over...just, promise me you'll wait for me?" seryoso niyang sabi.

"I promise..." sagot ko naman habang nakakawit parin ang mga braso sa leeg niya. "Know why? Kasi alam ko na sayo lang ako masaya. Di bale ng mahirapan ngayon, magtiis ngayon, kung mamaya or bukas naman magiging maayos ulit, e yayakapin ko yang hirap na yan ng buong puso. Sabi nga nila, kung sino daw yung reason kung bakit ka malungkot, umiiyak ngayon, sya lang din yung kaisa-isang reason na makakapagpatawa sayo na parang walang nangyari until everything bounce back to normal." pagpapatuloy ko pa.

"Talaga? Pero hindi naman kita pinaiiyak ngayon, ah? Maybe, mamaya pag flight ko na," pagbibiro niya't sabay kaming  napatawa sa sinabi niya.

Tumango-tango ako at muling sumeryoso ang mukha kong muli. "Seriously...I'd rather be with you on a rough road now than be with someone on a smooth way. No one makes me feel this happy the way you did and I don't know where the heavens it'll head us up, but I'm brave enough to say that right now you are my everything.  Ikaw lang ang taong pinaka-importante sakin ngayon at nagpapasaya sakin ngayon. How could I want anything else when you are the best I could have?" garalgal na boses kong sabi.

Tila napansin naman ni Drix ang namumuong mga luha mula sa mga mata ko. "Boo..." mahina niyang sambit.

Inalis ko ang pagkakawit ng mga braso ko sa leeg niya at hinawakan ang kanyang pisngi. "You just opened my heart so much more than I knew existed. I'm here not because I am supposed to be here or, because I'm trapped, but because I chose to be with you than anywhere else and anyone else in the world. Sayo lang ako masaya at magiging masaya. Kaya lahat gagawin ko para lang sayo, para mag-stay ka lang sakin. Lahat gagawin ko makasama lang kita, makasama hindi lang ngayon o bukas o sa mga susunod pa na mga araw, kundi makasama ka habambuhay." At tuluyan na bumigay ang mga mata ko sa pag iyak.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon