Sasha's POV
Inihatid ako nina Louie sa bahay matapos kaming maggrocery at daanan si Drix na nasiraan ng sasakyan. Naging awkward man ang ganap kanina sa loob ng sasakyan hinayaan ko nalang iyon at di nalang inisip. Nakadating na kami sa bahay at tinigil na ni Louie ang sasakyan sa harap ng gate. Naunang lumabas si Louie at si Brea, akmang lalabas narin ako at nakahawak na sa pinto ng backseat ng bigla nalang lumapit ang katawan't humarang ang braso ni Drix sa pinto ng babaan ko.
Gulat akong napatingin sa kanya at napatingin sa kamay naming magkapatong, napalunok ako sa kakaibang pakiramdam na gumapang sa buong katauhan ko ng mga sandaling iyon, daig ko pa ang nakuryente ng mga oras na iyon. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.
"Sasha, pasok na namin pinamili natin, ha?" rinig kong sabi ni Brea sa labas
Nakahinga ako ng malalim ng marinig iyon, kaya naman pilit kong iginalaw ang katawan ko para bumaba na ng sasakyan, binawi ko ang kamay kong napapailaliman ng kamay ni Drix at saka niya binuksan ang pinto.
"T-thank y-you," nautal kong sabi sabay baba ng sasakyan.
Pagbaba ko nakita kong bumaba rin si Drix na lumapit sa compartment at kinuha ang ibang mga pinamili ko kanina. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Sa kitchen ko na ba lahat dadalhin?" tanong niya na bitbit ang mga plastik na may laman. Medyo nakangiti na siya.
"A-ah o-ou," nauutal kong sabi na napangiti na rin ako
"Pwede mo ba ituro sa akin kung nasaan ang kitchen niyo?" sabi pa niya dahil ngayon nga lang pala siya makakapasok sa bahay.
Agad naman ako tumalima sa kinatatayuan ko at medyo lumapit sa kanya.
"O-oo naman, lika," nakangiti kong aya sa kanya.
Naglakad kami ng magkasabay papasok ng bahay para dalhin ang iba pang pinamili, pagkapasok namin medyo nagulat ako't napatigil ng makita ko ang dalawa ni Louie at Brea na nakaupo na sa sofa na may ginagawa, they are kissing. Napatingin din si Drix sa kanila na iiling-iling saka niya ako tiningnan.
"Masanay ka na sa kanila," natatawang sabi ni Drix dahil sa reaksiyon ng mukha ko."Asan na kitchen niyo, medyo mabigat rin itong dala ko, e," sabi pa niya.
"Ay! oo nga pala, sorry, andoon." turo ko at saka pinagpatuloy ang lakad.
Tinulungan ko si Drix na ilagay ang mga bitbit niya sa may sink, nang maipatong na namin lahat akmang tatalikod na siya sa akin ng alukin ko naman siya ng maiinom.
"Thank you, you want to drink something?" sabi ko at napatingin siya sa akin
"Water only," tipid na sagot niya
"Ah ok, wait." agad akong kumuha ng baso at lumapit sa ref para kunin ang isang pitsel na may laman na tubig. Sinalinan ko ang baso at marahang iniabot sa kanya.
"Here."
"Thanks" nakangiting sabi niya saka uminom ng tubig.
Iniabot niya muli sa akin ang baso at nagsimula ng magpaalam.
"Pano, alis na ako." sabi niya
"Ah ok, salamat uli sa pagbuhat ng mga ito," sabi ko na napatingin sa mga plastik.
"Walang kaso," nakangiti niyang sabi

BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan