Chapter 50- The Plan

1.5K 66 15
                                    

Sasha's POV

"Love, pasensya ka na kay Papa kanina, ha?" sabi ko habang inaayos ko ang damit na pinagpalitan niya.

"Bakit?" tanong niya habang nasa harap naman siya ng salamin at tinutuyo ng blower ang buhok.

Pinaligo ko kasi muna siya pagkatapos nila ni Papa na uminom kanina at ngayon andito na kami sa room ko para makapagpahinga na.

"Kung anu-ano ata ang sinabi niya sayo," sabi ko pa na patuloy sa pag-aayos sa may kama

Pinatay na niya ang blower saka tumingin sa ginagawa ko. "It's ok boo, nag-enjoy naman ako sa kwentuhan namin." nakangiti niyang sabi sakin at nagsimulang humakbang papalapit na sa akin

Humarap ako sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niya. "Talaga?" nakangiti kong tanong

"Oo naman!" at hinapit niya ang beywang ko palapit sa kanya, kaya naman napahawak ako sa magkabilang balikat niya.

"Ano ba napag-usapan niyo?" mahinahon kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus hinalikan na niya ang labi ko at wala akong nagawa kundi ang gantihan ang bawat pag-angkin niyang ginawa sa aking labi. Lumalim ang mga halik na iyon, nararamdaman  ko ang bawat haplos ng kamay niya sa aking likod pataas at pababa ang naging direksyon nito.Bumilis ang pintig ng puso ko at para akong nalalasing sa ginagawa niya. Bumaba ang halik niya mula sa labi ko patungo sa aking leeg, nag-aalab ang bawat halik niya na para bang apoy sa init. Napaigtad ako ng sapuhin ng isa niyang kamay ang kabilang dibdib ko, napaungol ako ng mahina sa ginawa niyang iyon. Ngunit bago pa kami tuluyang tangayin ng aming pagkasabik at bago pa tuluyang mangyari ang dapat mangyari ay isang katok mula sa pinto ang aming narinig.

"Love...wait..." bulong kong sabi sa kanya na hindi tumitigil sa ginagawa niya.

Napatigil lang siya ng muling kumatok ang nasa pintuan. Inayos ko ang sarili ko bago ako lumapit sa may pinto para buksan iyon at tingnan kung sino ang kumakatok. Pagbukas ko ng pintuan si mama ang bumungad sa akin.

"Anak naiwan ni Drix ito sa sofa kanina," sabi ni mama habang iniaabot sa akin ang celfone ni Drix.

"Ah ok po ma," at kinuha ang iniaabot niya

"Siyanga pala anak, maaga kami aalis ng papa mo bukas para magsimba, ikaw na ang bahalang magluto ng breakfast niyo ni Drix." paalala pa niya

"No problem ma, kaya ko na po iyon."

"Oh siya sige, matulog na kayo."

"Ok ma, goodnight, i love you." sabay yakap at halik sa kanya

"Goodnight hija, i love you too." nakangiting sabi niya na may kasamang halik din sa pisngi ko.

Inihatid ko muna ng tingin si mama hanggang sa makarating sa tapat ng kwarto nila ni papa. Nang masigurado ko na nakapasok na ito saka ko naman isinarado muli ang pintuan ng aking kwarto. Pagbaling ko ng paningin kay Drix nakita ko na nakahiga na ito sa kama napangiti nalang ako sa sarili ng maalala ang ginagawa namin kanina  bago kumatok si mama. Papalapit na ako sa nakahigang si Drix ng biglang tumunog naman ang celfone na ibinigay ni mama na hawak ng isa kong kamay, tiningnan ko iyon kung sino tumatawag at nakita ko "Louie boy is calling..." napatingin ako sa gawi ni Drix at gising pa pala ito sumenyas pa ito na sagutin ko ang tawag kaya naman pinindot ko ang button at sinagot iyon.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon