Continuation....Gabayan ang Sarili.... 🙊😉✌️
************
Drixler's POV
Ang sarap gumising sa umaga na katabi ang taong mahal ko at malalaman ko na lang na yakap yakap niya ako. Kasabay ng pagsikat ng araw ay pagdilat ng mata ko at ang maganda niyang muka ang masisilayan ko. Bago kame uminom ng kape, labi ko muna ang matitikman niya. Hay, kay ganda ng umaga ko kapag araw araw ganito. Ang mag hapon ko ay tila masigla dahil siya ang unang babati sakin.
Habang naghihintay ako ng paggising ni Cassie, naiisip ko na naman lahat ng kung anong meron kami. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga pagkakataong magkasama kami, at mga pagkakataong masaya kami. Palaging yun ang nasa isip ko, at alam ko na darating ang panahon na matutupad ko na ang mga pangarap naming dalawa.
Siya ang nagbibigay ng rason sa akin para mabuhay. Si Cassie ang nagbibigay ng ngiti sa mga labi ko, kahit sa simpleng bagay na sa akin niya lang nilalaan. Habang tumatagal, lalo kong nararamdaman na ayaw ko na talagang mawala pa ang ganitong pakiramdam. Ayoko ng mawawala pa siya sa akin kahit na kailan.
Kapag naririnig ko ang boses niya, sobrang saya ng puso ko. Ang mga tawa niya ang pinakapaborito kong tunog sa mundo. Yan ang mga bagay na hindi ko kayang mawala. Kahit maghapon magdamag, hindi ako magsasawang makinig sa kanya.
Sa kabilang banda, biglang pumasok sa isip ko si Justin, wala siyang alam sa aming nakaraan dahil never akong nagkuwento sa kahit sino ng buhay pag-ibig ko maliban nalang sa bestfriend kong si Louie. Pero may isang tao na nakakaalam rin ng tungkol sa amin ni Cassie, si Derrick ang naging first boyfriend ni Cassie. Napapaisip ako ngayon dahil hindi ko alam ang nasa isip ni Derrick if ever na magkausap sila ni Justin, pero sa isang bahagi ng utak ko may nagsasabing kaibigan si Derrick at di niya gagawin ang makialam sa buhay ng iba. "Sana nga...sana nga..." bulong ko sa isip.
Isa pang pumasok sa isip ko ngayon ang mga sinabi ni Cassie kagabi bago nangyari ang matatamis na sandali sa amin. Napapikit ako para alalahanin ang sinabi niya. "Hindi ito tama...This is wrong...". Sa pagmulat ko uli tiningnan ko ang katabi kong mahimbing pa ang pagkakatulog, na napakaamo ng mukha.
"Kailan ba nagiging mali ang pag-ibig?" bulong ko habang nakatitig lang sa kanya. Napabugtong hininga ako. "WALA. Kasi para sa akin ang pag-ibig na ito... ay kusang dumarating. Walang may gusto, lalo pa't alam nating mali. Kapag naramdaman ko kasi ito, mali man sa mata ng tao morally, itutuloy at itutuloy ko. Kasi mahal ko e. Ano bang magagawa ko? Basta hangga't masaya ako, gagawin ko. Ang mahalaga naman ang nararamdaman natin para sa isa't isa. Maling sitwasyon man o tamang sitwasyon... hindi namimili basta't umiibig tayo." Sinasabi ko sa isip, inalis ko ang mga buhok na nalaglag sa mukha ni Cassie. Dinampian siya ng isang halik sa noo. "I love you..." bulong kong sabi.
Tila naramdaman naman niya ang ginawa ko't kaya napaibo, maya-maya pa'y unti-unti na niyang iminulat ang mga mata niya at ako agad ang nakita niya.
"Good morning..." nakangiti kong bati sa kanya.
"Good morning..." paos na boses niyang tono. "Kanina ka pa ba gising? Anong oras na?"tanong niya agad.
"Hindi naman, six o'clock in the morning, sleep again. Mamaya pa naman tayo uuwi."
Ngumiti siya at isiniksik pa ng husay ang ulo niya sa may leeg ko, hinalikan niya ang leeg ko na nagdala naman sa aking ng kakaibang pakiramdam. Hinawakan ko siya sa baba saka iniangat ang kanyang mukha, napatingin siya sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan
