Chapter 7- True Feelings

2.7K 88 7
                                    

Drixler's POV

"Welcome back, Gwapo, kumusta ang flight!" si Louie na lumapit agad yumakap at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Ayos naman," tipid kong sagot

"Hey bro, kumusta?" si Justin na di ko naman agad napansin.

Yumakap din siya sa akin gaya ng ginawa ni Louie, umapir pa ako at saka siya sinimulang biruin.

"Langya pare, balita ko may babe ka na, ah? Makikilala ba namin siya?" biro ko agad kay Justin

"She's a good friend of Louie and Brea," sabi ni Justin

Napatingin ako kay Louie boy, naghihintay ako ng reaksiyon niya o sasabihin niya pero wala akong narinig dito. Sumakay na kami sa sasakyan, si Louie ang driver ako ang umupo sa tabi ni Louie boy at nasa back seat naman si Justin.

"Bro, kumusta work mo dun sa Alberta? Ok ba dun?" tanong ni Justin

Napatingin ako sa kanya sa rearview mirror at napatingin rin kay Louie na nasa daan ang atensyon.

"Ok naman kung trabaho lang din pag-uusapan, nakakabagot lang dahil wala ako masyado kakilala. Bakit, malilipat ka ba?"
sabi ko

"I see...not yet confirm, hinihintay ko pa ang sasabihin ni boss." sagot niya at napasandal siya sa upuan.

Tumingin ako kay Louie na seryoso sa pagmamaneho.

"Louie boy, daan ka sa malapit na pizza hauz take-out tayo tumgots na ako." sabi ko

"Nag-prepare ng dinner si Brea at Celine for us, pa welcome narin namin sayo." sabi ni Louie

"Ah ganon ba? sige bilisan mo na para makarating na tayo sa bahay." nakatawa kong sabi

Pagkaparada ng sasakyan, mabilis akong bumaba at kinuha sa compartment ang maleta ko. Napatingin naman ako sa ilaw ng kotseng dumating at pumarada din. Si Derrick ang bumaba sa sasakyan na iyon.

"Gwapo!" pasigaw niyang sabi tsaka lumapit sa akin at kinamayan ako. "Musta pre, tagal mo din sa Alberta ah," pagpapatuloy pa niya.

"Ayos lang nanatiling gwapo," sabi ko at sabay kami napatawa. "Saan ka galing?" tanong ko.

"Trabaho pre," sagot niya

"Sipag ah, pasok na tayo," tugon ko muli at inaya na siya paloob ng bahay.

Kinuha niya sa akin ang maleta at siya ang humila nito papasok ng bahay. Naunang pumasok ang dalawa ni Louie at Justin, magkasabay naman kami ni Derrick.

Papasok palang kami ng pintuan ng salubungin na kami ni Brea at Celine.

"Welcome back Gwapo!" sigaw ni Brea na lumapit sa akin at niyapos ako

"Thank you, thank you sa inyo," sabi ko at kumalas siya sa yakap niya at tumalikod papalayo sa amin ni Celine.

Napatingin naman ako kay Celine na nakangiti sa akin. Lumapit ito sa akin at bigla nalang akong niyakap.

"Welcome babe... I miss you..." malambing niyang sabi.

Kinalas ko ang yakap niya sa akin at tsaka ko siya tiningnan.

"Thank you, namiss ko din kayo, halika na sa loob nagugutom na ako," sabi ko, nauna na ako dumiretso sa loob at naiwan ko si Celine na nakatayo sa may pinto.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon