Sasha's POV
Sa maraming araw na lumipas, maraming bagay ang nangyari sa amin ni Drix. Pakiramdam ko bumalik na ang dating ako at katulad ng dati, napapagaan niya agad yung pakiramdam ko. May mga oras na nakakalimutan ko ang reyalidad sa sitwasyon namin, Pero mali , alam kong mali dahil may boyfriend ako at may masasaktan ako sa pagiging masaya ko t'wing magkasama kami ni Drix, pero hindi ko na kayang itago pa ang tunay kong nararamdaman kaya naisip ko at desidido na ako na kausapin si Justin pagbalik na pagbalik niya dito, sisimulan ko ng itama ang lahat.
Sigurado na ako sa lahat, handa akong harapin kung ano yung pagdadaanan namin dalawa ni Drix, oo mahal ko parin talaga siya. At sigurado na ako sa mga bagay, hindi na ako nag tatanong sa likod ng isip ko. Maybe their will be ups and downs pero lalaban ako kasama siya, lalaban ako sa kung anong meron sa aming dalawa. I'm ready to accept all the good and the bad, wala ng tanong, wala ng duda. Tiwala ko buong buo.
Andito kami ngayon sa The Bruce Peninsula National Park, patatlong linggo na naming magkasama ni Drix every off namin kahit araw araw kami nagkikita sa trabaho iba pa rin sa pakiramdam pag kami nalang dalawa ang magkasama. Napagkasunduan namin na mag overnight dito kaya naman maaga kami nagbyahe kanina hanggang sa makarating dito, kumpleto ang gamit na dala namin nagtayo narin ng tent si Drix para sa matutulugan namin mamayang gabi. Pinili niyang magtayo malapit sa river, napakaganda ng lugar, tapos ang ganda ng ambiance yung parang ang gaan sa pakiramdam. Pagdating palang namin kanina napapawow na ako sa ganda at parang ang comfortable ng buong lugar. At syempre masaya ako dahil siya ang kasama ko sa lugar na ito.
"Hey, you ok?"agad na tanong ni Drix ng makalapit sa akin at naupo sa tabihan ko.
Ngumiti ako at tiningnan siya. "I'm ok, masyado lang siguro ako nagagandahan sa lugar."
"Talaga? Happy ka?" nakatawa niyang sabi
Medyo inilapit ko ang katawan ko sa kanya, humawak sa braso niya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "Lagi naman akong masaya...pag ikaw ang kasama ko e,"tugon ko.
"Totoo?" at yumuko siya para matingnan ako, iniangat ko ang aking paningin sa kanya ng may ngiti sa labi.
"Oo naman, bakit, ikaw ba hindi ka masaya?" may pagtatakang tono ko
"Kung wala ka hindi ako sasaya ng ganito.Kung wala ka parang di kumpleto buhay ko. Kung wala ka wala akong inspiration. INSPIRED ako lage e." sabi pa niya't sabay pisil sa ilong ko at napangiti lang ako.
Natahimik ang paligid namin sandali, inabot niya ang gitarang dala-dala niya at sinimulan niya itong tugtugin, habang ako naman ay makikinig lang.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan