*******"I'm trying my hardest not to act how I feel." malungkot ang boses na sabi ni Cassie sa kaibigang si Jayme
"Bessy, wag mo hayaan na landiin ng babaeng yun si paps Drix, ha! nanggigil talaga ako kanina e, gusto ko sabunutan at kaladkarin palabas ng venue." nanggigil na reaksyon naman nito, habang nakatingin lang siya dito.
Nakita rin kasi ng kaibigan ang mga pangyayari kanina between Chloe and Drixler, kaya ganun nalang ang naging reaksiyon ni Jayme ng magkita muli sila ni Cassie.
"I want to go home now, I'm still not feeling well."pag iiba niya ng usapan dito.
"Bruha kasi yang Chloe na yan! Panira ng gabi. Ah ganun ba, asan na ba ang husband to be mo, bakit di mo siya kasama." tanong ni Jayme
"I don't know..." blangko reaksiyon niyang sagot sa kaibigan.
"Ay...i smell...LQ?Selos ka kay gurl?"pagbibiro sabi naman nito na nakangiti pa
"Jayme! ano ba? not now!" irap naman ni Cassie sa baklang kaibigan
"O cge na, di kita aasarin ngayon. Hintayin mo ko dito ako na susundo sa magiging asawa mo, para maihatid ka na."
"Pwede bang sayo nalang ako magpahatid?" pakiusap pa niya
"Ano?pero bakit, bessy?" nagtatakang tanong naman ni Jayme sa kanya
"I don't want to see him or to talk to him right now."alburuto agad niya dito
"Sure ka ba? Baka naman mamaya iiyak iyak ka."
"Hay naku, umuwe na nga lang tayo," pag aaya pa niya dito at inumpisahan na ang paglalakad patungong parking.
"Huy! sandali lang naman, bessy. Hindi na ba tayo magpapaalam sa ikinasal?" pahabol na sabi nito habang sinusundan ang kaibigang nagmamadali sa paglalakad.
"Maiintindihan na ni Louie yun, bukas ko na sila kokontakin, sasabihin ko nalang sumama bigla pakiramdam ko, nagsuka ako, nahilo..di ko kinaya..ganun, ang mahalaga nawitness ko ang ceremony ng kasal nila. Di ba yun naman ang mahalaga?" paliwanag nito habang tinatahak ang papunta sa nakaparking na sasakyan.
"Pakagaling din naman talaga. Explain kung explain, bessy?"
"Jayme naman e!hayaan mo na ako, ngayon lang." naiinis na tono pa niyang sabi.
Pagkabukas ni Jayme ng pinto ng sasakyan agad na sumakay si Cassie sa front seat at saka napahinga ng malalim. Medyo hiningal ata siya sa pagmamadaling maglakad para makalayo agad sa venue, ayaw niyang makikita pa sila ni Drixler na papaalis ang gusto niya lang ngayon ang makauwe ng bahay at di makita ang kasintahan. Alam niya at sigurado siya na hindi papayag ang minamahal na umalis siya ng hindi ito kasama, pero sa nakita niya kanina inis at selos ang namayani sa loob niya.
"Sabihin mo nga sa akin bessy, bakit ba tayo umalis duon ng wala paalam man lang sa jowa mo, o kahit sino sa kasamahan natin na anduon." pakli agad ni Jayme ng makaupo sa driver seat at saka isinuot ang seatbelt.
"Para naman kasing di mo kilala si Drix, alam mong di yun papayag sa gusto ko. Haist! hayaan na nga natin sila tutal natapos naman natin yung program."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. So it means...nagseselos ka dun sa bruhang Chloe, kaya ka nalang biglang nag aya pauwe, ganun ba yun, Cassandra?"
Napatingin si Cassie sa katabi na nagmamaneho at hindi agad nakapagsalita. Tama naman ang kaibigan niya, nagseselos siya sa mga nakita, alam niya na siya ang mahal ni Drix at may tiwala siya dito, pero iba yung pakiramdam niya kanina habang nagsasayaw ang dalawa ng sweet. Humugot ito ng isa pa malalim na hininga na tila naramdaman ni Jayme at bahagyang napatingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/90225698-288-k866310.jpg)
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan