Chapter 13- Distructed

2.7K 100 7
                                    

Drixler's POV

"One slice of cheese cake and capuccino!" nakangiting sabi ko sa isang costumer na pinay at tsaka iniabot sa kanya ang hawak kong paper bag.

"Thank you." sabi nito

"Balik kayo ma'am. Enjoy your cake and coffee."

Kinuha ng medyo magandang babae ang paper bag at ngumiti ito sa akin na para bang ginagantihan ang pagpapa-cute ko. "I will, basta ikaw lagi ang nandyan."

Napangiti naman ako at inayos-ayos ang buhok. "Twenty four seven ako andito ma'am, always at your service."Sabay kindat.

"Nice." At tinapunan pa ako ng sweet na ngiti ng customer bago ito umalis.

"'Yan tayo e, no?" bulong naman ng nasa likuran kong si Alex ang partner ko ngayon.

"Ha!" Napalingon ako at nakita ang nakalukot na mukha ni Alex."Ano na naman, What's your problem?" sabi ko

"24/7 talaga, ha?Pangiinis niya.

"Panira ka talaga ng diskarte. Wag ka nga dyan. Ako na nga lang nakakadagdag ng customers dito, KJ ka pa."pagmamayabang ko namang sabi.

"Kapal mo uy!" sabi niya at aktong hahampasin pa ako ng biglang may lumapit sa counter.

"Excuse me." Sabay na napatingin kaming dalawa nang bumalik ang babae at inabot ang ilang bills ng pera sa akin."Iyong binigay mong sukli sakin, sobra."

"Ha?"Tsinek ko ang pera at ang pinakitang resibo ng babae. Saka ko napalo ang ulo ko't nahihiyang napatinging muli sa babae."Oo nga, salamat sa pagbalik, miss."

"Guwapo ka nga, hindi ka naman marunong magsukli." sabi niya saka ito natawa't umalis.

"Ay basag."sambit ni Alex na tatawa tawa din.

Inis ko siyang tinignan  at saka nito ibinalik ang sukli sa cash register. "Bwisit, pang-tatlo na yun ah." naiinis kong sabi.

Paano naman kasi patatlong araw na si Alex ang kasama ko at hindi si Cassie, pinalitan ni Ms.H ang schedule namin 'yon ang kinaiinis ko.

"Pantatlo?!"Lumingon ako at nanigas ang tuhod nang makitang nakatayo pala sa may likuran namin si Ms. Helen. Ang may-ari ng coffee and cake shop na ito. "Seriously?!" Isa itong may edad na babae na bigla na lang sumusulpot sa shop.

"Uy, Ms. H, andyan ka pala!" napailing na lang si Alex habang nagpa-cute ako sa boss namin."Teka, nagpa-derma ka ba? Young-looking tayo ngayon ah. Uyy, lagi na syang blooming, anong meron-"

"My office. Now." Seryosong sagot ni Ms. H Otomatikong nawala ang smile ko at napakamot na lang ng ulo. Inalis ko ang apron ko saka sinundan si Ms.H sa opisina nito sa may likod ng kitchen.

Bago siya magsalita'y pinagmasdan muna niya ako ng matagal, hanggang sa mailang ako't napaayos ng upo. Alam kong nagtataka siya kung ano nangyayari sa akin, matagal na akong nagtatrabaho dito pero ngayon lang nangyari na sumusobra ang sukli ko. At di lang isang beses kundi tatlong beses pa."PAMBIHIRA GWAPO!" singhal ko sa sarili

"What is happening with you? Nung isang araw ka pa ganyan. And today, nagbigay ka na naman ng sobrang sukli sa customer?! At hindi pa natatapos ang araw! May problema ka ba?"

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon