Chapter 43- Dream Wedding

2.1K 80 10
                                    

Sasha's POV

"Bessy, ano pa ba need natin sa bahay." tanong ni Jayme sa akin habang naniningin ng mga dapat bilhin.

Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagmemessage kay Drixler, wala pa kasi ako natatanggap na message mula sa kanya simula ng umalis siya ng bahay niya kanina. At lalong hindi rin ako mapakali dahil alam kong si Celine ang tatagpuin niya ngayon at kakausapin.

Lumapit ako kay Jayme after ng message ko kay Drix. "A-ano yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya na nasa celfone ko ang atensyon.

Tinitigan ako ni Jayme, napatingin naman ako sa kanya. "Bakit?" pagtataka kong tanong.

"Ano bang nangyayari sayo, ha? At kanina ka pang di mapakali." nakataas ang kilay niyang sabi

"Ha? w-wala naman, nagmessage lang ako kay Drix," kaswal kong sagot

Dahan dahan siyang naglakad habang tulak tulak ang cart na may laman ng grocery. "Nakailang message ka na, ah, nireply ka na ba?" tanong niya habang ang atensyon ay nasa mga nakadiaplay na can goods.

"H-hindi pa..." mahina kong sambit

Napatigil siya sa paglalakad at pagtutulak ng cart,saka muli akong nilingon sa likudan niya.
"Ayun, kaya pala para ka na namang kiti-kiti na di mapakali d'yan!" mataray na sabi niya.

"Hindi ah!" mabilis kong tanggi

"Sinungaling! Bakit ka ba nagkakaganyan, nagpaalam naman sayo ang jowa mo, di ba?" sabi niya na nakapamewang pa

Tiningnan ko lang siya at di na sinagot ang tanong.
"Sige na tapusin na natin maggrocery ng makauwe na tayo." pag-iiba ko ng usapan

Hinawi ko si Jayme at kinuha sa kanya ang cart saka sinimulan kong itulak papunta sa counter. "Akala ko ba may tiwala ka sa jowa mo, e, bakit kulang nalang puntahan mo siya sa Alberta, ura mismo?" sabi niya habang nakasunod sa akin.

"Oo malaki ang tiwala ko kay Drix, alam kong ako lang ang mahal niya. Hindi ko lang talaga maisip kung anong kelangan ni Celine sa kanya." paliwanag ko ng di siya nililingon at tuloy lang ako sa pagtutulak

Patakbo siyang pumunta sa harapan ko dahilan para huminto ako ng pagtutulak. "Umalis ka nga dyan!" naiinis kong sabi

"Nagseselos ka ba, bessy?" pang aasar niyang sabi

"Ewan...siguro nga nagseselos ako!" patamad kong sabi at muling itinulak ang cart.

Tumabi si Jayme at nakisabay na ng paglalakad sa akin. "Ay, hindi siguro bessy, SIGURADO! Tingnan mo nga yang hitsura mo hindi maipinta ang mukha mo." tinuro turo pa niya ang mukha.

"Hindi ko gustong magselos, Jayme..." sabi ko't sabay kuha sa shelve ng maple syrup, at tumingin sa kausap ko. "but I just can't help it. Natatakot ako na baka kung anong gawin ng babaeng 'yon. Alam mo naman na dinaig pa nun ang linta kung makakapit." depensa ko pa

Hinawakan niya ako sa isang balikat ko.
"Naiintindihan naman kita bessy, sakin lang chill ka lang. Tanungin mo nalang si paps mamaya pag nakausap mo na siya uli. Baka naman kasi may sinabi lang na importante si Celine. Relax ka lang, ok?" nakangiting paliwanag niya.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon