Chapter 42- Unexpected

1.9K 75 3
                                    

Drixler's POV

Umalis na ako ng bahay na dala-dala sa isip ang mga bilin ni Cassie, habang nagmamaneho ako naalala ko ang masayang kwentuhan at kulitan namin kanina sa skype. Naalala ko rin ang title ng kantang sinabi niya, napapangiti ako, ng nag red light tumigil ako at mabilis kong dinampot ang celfone at hinanap ang kantang "Weak" at pinakinggan ko iyon hanggang sa magpalit na ng kulay green. Napapangiti ako, inalala ko ang mga sinabi niya sa kantang ito, naalala ko rin ang nabasa  ko about long distance relationship sa isang site.

Ayon daw sa statistics, 1 out of 10 lang daw ang nakakasurvive sa LDR set-up. Tipong wag na lang daw iasa sa maliit na posibilidad dahil mauuwi din sa wala ang lahat. Eh tangina pala yang statistic na yan eh. Marunong pa sa dalawang taong nagmamahalan. Anong alam niya sa pag-ibig?diba?

I hate distance, I admit it. Walang may gusto ng ganitong set-up. Walang taong nagrequest kay tadhana na, "Juskupo. Sana LDR na lang kami para magamit ko yung free international calls ko."Walang ginustong makipag-usap sa gadget at magcelebrate ng monthsary sa skype. At walang nangarap makipag extreme kissing sa skype. Dahil kahit super amoled display yung tablet, iba pa rin kapag kasama mo siya sa personal. Walang bubog at screen protector na namamagitan.

Lahat gustong makasama yung taong mahal nila. Yung relasyong five dollar o limang building na malalaki lang ang layo. Yung pwede mong ngasabin ang labi niya kahit kelan. Hindi yung parang pinapanuod mo lang yung paborito mong karakter sa isang TV series.

Siguro may mga relasyong hindi talaga pangLDR kaya sinasabi ng ibang walang nagtatagal. Pero wala yan sa distansya. Dahil kung talagang nagtitiwala kayo sa pagmamahal niyo, ang distansya ay simpleng unit of measurement lang ng mga taong bangag sa Math. Maliit na bagay lang yan kung talagang mahal mo ang isang tao. Malayo ka man sa huling beses na nakasama mo siya, papalapit ka naman sa sunod na beses na pwede mo na ulit siyang makasama. At kung totoo man yung nasa statistics na 1 out of 10 lang ang nakakasurvive sa ganitong klaseng set-up, tangina pa rin yung statistics pero sisiguraduhin kong kaming dalawa ni Cassie yung 1 dun!

****

Ipinarada ko na ang company car na ginagamit ko sa isang parking area dito sa supermarket. Pero bago ako bumaba inopen ko ang celfone ko at ngmessage kay Celine.

"Punta ka ng coffee shop now, hintayin mo ako doon. Grocery lang ako."

Mabilis kong binili ang mga kailangan ko sa bahay, gusto kong matapos agad ang mga dapat kong gawin ng maaga pati narin ang pakikipag-usap kay Celine, may promise ako kay Cassie na kanya ang araw ko ngayon. Ayokong gumawa ng mga bagay na ikaiinit ng ulo niya, kaya muli kong pinaandar ang sasakyan ko at tinungo na ang coffee shop kung saan naghihintay si Celine.

"Good morning" bati sa akin ng guwardiya ng coffee shop kung saan dito rin ako nagtatrabaho

"Good morning," sabi ko sabay tapik sa balikat niya bago ako pumasok sa loob.

Pinaikot ko agad ang aking paningin para hanapin kung saan nakaupo ang aking kakausapin, agad ko namang nakita si Celine na nakaupo sa isang gilid. Humakbang ako papalapit sa kanya, bigla naman ako nanibago sa hitsura ni Celine ngayon, parang hindi siya yung kilala kong Celine na di pwede lumabas ng bahay ng walang kolorete ang mukha, pati pananamit niya iba rin ngayon. Tila naramdaman narin niya ang presensya ko at napatingin siya sa akin, bahagya kong itinaas ang isa kong kamay tanda ng papalapit na ako. Tipid siyang ngumiti, at nang makalapit na ako sa kinauupuan niya.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" bungad ko agad sa kanya.

"H-hindi naman.." tipid na sagot niya

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon