Chapter 20- Coffee

3.2K 114 23
                                    

Play the music guys para ramdam🤣 scroll niyo asa ibaba.😘

*********

"How can she learn to forget someone who holds the key to her happiness?"

*********

Sasha's POV

Pagdating ko sa bahay patamad kong kinatok ang pintuan namin, mabilis naman itong binuksan ng kasama kong si Jayme.

"Good evening bessy," magandang bati ni Jayme sa akin ng mabuksan niya ang pinto na nakangiti pa ito.

"Good evening." mahinang tono na sabi ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko at iniwan si Jayme na nagtataka dahil sa hitsura ko.

Pagkapasok sa kwarto, dahan dahan kong isinarado ang pinto, inilagay sa ibabaw ng cabinet ang bag kong dala at naupo ako sa may dulo ng kama ko na tulala. There are a lot of things going on my mind right now. Ang lungkot, nakakaiyak, ang sakit sakit yan yung mga nararamdaman ko this time.

After ng nangyari kanina, pagkatapos nang usapan namin ni Drix pagkadating ko dito bigla nalang ako nakaramdam ng matinding lungkot at sakit na nagdulot ng pag iyak kong muli. Ewan ko? Maybe i am just too stressed sa mga nangyayari. Naisip ko, why am i experiencing this kind of pain? Do i deserve na ganito talaga yung mangyayare sa life ko. Many questions but no answers. Sakit no? I just realize how painful my situation was. Nasasaktan ako, may nasaktan ako at may masasaktan ako.

Unti-unti akong nahiga sa kama ko, niyakap ang sarili habang idinadaan ko sa pag iyak ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Gaano nga ba katangkad si pagsisi kung bakit lagi itong nasa huli?

"I'm sorry. Unfair ako. Minadali kong makausad. Tumingin sa ibang bagay at tao. Ang ending. Ikaw parin pala. Ikaw parin ang hinahanap ko. Nagkamali ako patawarin moko. Nagkagusto ako sa iba, akala ko sapat na yun para hindi na masaktan at makalimutan ka. Pero hinanap parin kita. Gusto parin kitang uwian pagkatapos ng isang mahaba at masalimoot na araw.
Napakahina ko." mga nilalaman ng isip ko't patuloy sa pag-iyak na may kasabay ng hagulhol. "Lunod na lunod ako sa kalungkutan, bagsak na bagsak ako.
Nawawala ang tiwala ko sa sarili ko, nawawala ako. Di ko na alam kung nasan yung dating ako.
Gustong gusto kong umuwi sayo, sa tahanan ko.
Alam kong dun ko lang matatagpuan ang sarili ko, sa piling mo. Sabi nila ako lang daw ang makakaalis nito, pero alam ng puso ko na ikaw lang. Nilalabanan ko parin yung nararamdaman ko dahil yun yung alam kong tama. Pero ako eto nilalamon ng halimaw na ginawa ko mismo.
Ako naman ang gumawa ng kalungkutan na nararamdaman ko. Ako ang dapat na sisihin.
Gusto kong isisi lahat ng pangit na bagay na nangyayare sakin sa sarili ko..."

*********

Kinabukasan inabot na ako ng sikat ng araw sa higaan, unti unti kong iminulat ang mga mugto kong mata dala ng pag-iyak at mga hagulhol ko kagabi. Dinampot ko ang celfone ko na nakapatong sa nightstand para matingnan ang oras exactly 10am na pala, wala akong work ngayon at wala rin akong balak na lumabas ng bahay, gusto ko lang mapag-isa para makapagisip. Bumangon na ako at tumayo ng biglang tumunog ang phone ko.

Justin calling....

Me: Hello...(malat na boses kong sabi)
Justin: Hi babe, good morning,
Me: G-good morning...
Justin: Kakagising mo lang ba? Ten in the morning there,right?
Me: Hmmm...yah, bakit d'yan ba hindi?
Justin: Three hours late here, so how's last night? What time ka na nakauwe?

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon