Justin's POV"Celine!" sigaw ko ng makita ko ang ginawa niya kay Sasha. Mabilis akong lumapit sa kinatatayuan nila pareho kahit medyo ramdam ko na ang pagkahilo dahil sa ininom naming beer.
Napatingin sila pareho sa akin. "Wow! to the rescue ang boyfriend mo, oh!" nakangiting sabi ni Celine kay Sasha.
"Why did you do that? what's wrong with you, Celine?"
"Why don't you ask your flirty girlfriend." mataray nitong tugon
"Hey! don't you call her like that." suway ko kay Celine
"You know what Justin, stop acting like a fool! Huwag kang magpakabulag, imulat mo 'yang mga mata mo, nang makita mo na niloloko ka lang ng babaeng ito!"
"Celine stop it!" pasigaw na suway ni Sasha kay Celine.
"Don't you tell me to stop, flirt! sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Bakit mo ba ako pinatitigil, tutulungan na nga kitang sabihin kay Justin ang lahat e. Bakit...Tumatakbo na ba ang mga daga d'yan sa dibdib mo, ha?"
"Anong nangyayari dito? Nagsisigawan ba kayo? O, Celine andito ka pala." sabi ni Drix na namumula na rin ang mukha dahil sa nainom na beer.
"Yan...to the rescue rin yung isang hero mo, oh...your so lucky girl Sasha..."
"Excuse me." sabi ni Sasha sabay talikod sa aming tatlo, pero mabilis naman nahawakan ni Celine ito sa isang braso. Muling napaharap si Sasha sa amin.
"Sandali lang...bakit ka naman aalis na agad, ayaw mo bang nakakaharap si Drix? Hindi ba mas mabuti kung magkakaharap kayo pag sinabi ko kay Justin ang lahat?" mahinahon at parang nakakalokong boses ni Celine.
"Celine." si Drix na parang pinipigilan si Celine
Tumingin si Celine kay Drix. "Nahihirapan na kasi si Cassie, Drix. Kaya...I volunteer to help her, di ba Cassie? ay Sasha nga pala."nakangiting sabi niya at muling tiningnan si Sasha.
"Pwede ba Celine! wag mo akong pangunahan sa mga dapat kung gawin. Hindi ko kelangan ng tulong mo." medyo malakas na boses na sabi ni Sasha at saka inalis ang kamay ni Celine na nakahawak sa braso niya.
"Sandali, hindi ko kayo maintindihan, babe, ano ba 'yon? Alam mo ba sinasabi ni Celine?"naguguluhan kong sabi't napatingin ako kay Sasha.
"Justin..ihatid mo na ako sa bahay, dun nalang tayo mag-usap. Please.." pakiusap sa akin ni Sasha.
"Paano mo maiintindihan ang isang bagay na hindi mo naman alam, at ayaw ipaalam sayo."napatingin ako kay Celine pati na rin kay Gwapo.
Masyado akong clueless sa lahat ng sinasabi nila, hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong i-react sa nangyayari sa aming apat ngayon.
"Celine mag-usap tayo, huwag kang makialam sa kanilang dalawa. Sa akin ka may problema di ba? Pwes! ako ang harapin mo." sabi ni Gwapo at hinawakan si Celine sa braso.
Akmang hihilahin ni Gwapo si Celine para ilayo sa amin, pero hindi ito sumunod sa gusto ni Gwapo.
"Hindi naman ako magkakaproblema sayo, kung di dahil sa malanding babaeng ito." patuloy pa niya na galit parin ang paningin kay Sasha."Ano ba? Tigilan mo si Cassie!" halos pasigaw na sabi ni Gwapo
"Bitawan mo nga ako! Totoo naman ang sinasabi ko di ba? Kung hindi sana pumunta dito ang babaeng ito, edi sana ok pa ang samahan natin, mananatili ka parin sana sa tabi ko. Pero ano ngayon, iniwan mo ako dahil bumalik na siya!" sigaw ni Celine kay Drix
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan