Chapter 9- Reminisce

2.6K 91 13
                                    

Drixler's POV

Nakatayo kami ni Justin sa tapat ng isang bahay na di naman kalayuan sa kung saan kami nakatira. Sabi ni Justin dito daw nakatira ang girlfriend niya na makakasama ko sa work at ang kaibigan nito. Pinindot ni Justin ang door bell na nasa labas ng gate, naghihintay kami ng magbubukas ng maisipan ko na sa di kalayuan ko iparada ang kotse na gamit ko.

"Pre, duon ako magpark," sabi ko sabay turo sa isang gilid na bakante.

Sumakay na ako para mailipat ko na, sumakay rin si Justin.

"Ano, wala ba d'yan girlfriend mo?"

"I don't know, baka papalabas na siya," sabi pa niya at pinaandar ko na ang kotse ko.

Bumaba muli kami ni Justin sa sasakyan pagkatapos kong maiparada ng maayos ang kotse, lumingon siya sa may gate pero wala parin nagbubukas dito, kinuha niya ang phone niya at nagtype ng message.

Habang busy siya sa celfone napalingon naman ako sa gate na tinigilan namin kanina, nakita kong may nagbukas nito at lumabas ang isang babae na nakaplain shirt na loose at denim short na medyo maikli para sa paningin ko. Hindi ko maaninag masyado ang hitsura ng babae na nakatayo mahaba ang buhok nito na nakalugay.

Hindi ko maiwasan na pasadahan ng mata ko ang kabuuan niya, para kasing nakita ko na ang ganitong anyo ng babae. Bumalik sa alaala ko si Cassie habang nakatingin ako sa babaeng nakatayo sa mag gate na iyon.

Nawala ang pagkakatitig ko sa babae ng magsalita si Justin at napatingin ako sa kanya.

"Bro, balik muna ako dun, wait me here. Paalam lang ako kay Sasha," sabi ni Justin

"Sige, dito na muna ako sa loob" tumalikod na si Justin sa akin, muli kong sinulyapan ang babae sa may gate pero nawala na ito sa kinatatayuan niya.

Pumasok na ako sa driver seat at duon naghintay, iniopen ko ang radio ko sa saksakyan at nakinig ng music. Nang mapatingin ako sa side mirror nakita ko uli yung babae na ngayon ay kausap na ni Justin. "Siya pala si Sasha.." bulong ko sa sarili.

Habang nakatingin ako sa kanila para namang may bumubulong sa akin na lumabas ako ng sasakyan at lapitan sila, parang gusto ko makita ng malapitan ang babaeng nagngangalan na 'Sasha'. Ewan ko pero pakiramdam ko matagal ko na siyang nakita.

Ilang minuto pa ang dumaan at nakita ko na naglalakad na pabalik si Justin kung saan ako naghihintay sa kanya. Nakatayo pa rin si Sasha sa may gate habang nakatingin pa rin ako sa side mirror.

"Let's go bro," sabi ni Justin nang makaupo sa tabi ko.

"Ok, siya pala si Sasha..." sabi ko habang ini-start ang sasakyan.

"Yup! don't worry Gwapo you will meet her tomorrow" nakatawa niyang sabi

"Ah...friend nga pala siya ni Brea,"

"Yes."

"Saan siya nakilala ni Brea? Long time friend ba sila?" usisa ko pa

"What I know, Sasha was a close friend of Louie, then Louie introduced Brea to her as his girlfriend and that was the beginning of their friendship." paliwanag pa niya na medyo pinagtataka ko.

Wala kasi ako alam na iba pa kaibigan si Louie na babae pa, Siguro mga friend ng dati niyang girlfriend si Sasha. At dahil nacurious ako sa girlfriend ni Justin kaya inalam ko na ang story nila. Tsismosong gwapo ang dating ko ngayon.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon