Drixler's POV
"A-ako ba hindi? naiiyak na sabi ni Cassie nang matapos kong sabihin ang dahilan ng pagtahimik ko at walang kibo sa kanya kanina.
Inalis niya ang kamay niya na hawak hawak ko habang ito ay nasa aking dibdib, tumalikod siya at parang tumingin sa kawalan, habang naiwan lang ako na nakatayo at nakatingin sa kanya.
"Akala ko okay na, akala ko tuluyan na kitang nakalimutan pero hindi pa pala. Akala ko lang pala. Akala ko wala na akong mararamdaman pag nakita kita ulit, pero bakit ganito? Bakit kumislot na naman itong puso ko nang makita ka? Bakit bigla ko na namang naramdaman yung dati?" lumapit ako sa kanya at naramdaman ko na umiiyak na siya, nang humarap na siya sa akin. "Nung kinausap at kinumusta mo ako parang bumalik lahat, bumalik lahat ng alaala, bumalik lahat ng aking pagmamahal na akala ko'y naglaho na. Akala ko kase hindi na kita mahal pero mali ako, mahal pa rin talaga kita." sabi niya at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya."Aaminin ko na mali na mahalin kita, kasi alam ko na masasaktan natin siya, masasaktan natin si Justin."
"Cassie..." pabulong kong sabi,
Mabilis na umalis sa harapan ko si Cassie matapos ng di namin pagkakaunawaan at pag amin ng aming tunay na nararamdaman sa isa't-isa dahil sa selos na naramdaman ko kanina sa kanila ni Justin habang nasa airport.
"Cassie!" napapikit kong tawag, patakbo ko siyang hinabol sabay hila sa kamay niya't yumakap sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. "Sorry...sorry kung hindi ko kayang pigilan ung emosyon ko. Basta basta ko nalang kasi nararamdaman yun eh. May karapatan man ako o wala, ayaw ko parin na nakikita kita na may kasamang iba at masaya, dahil mahal kita. Nagseselos ako kasi mahal kita. " pag-amin ko pa sa kanya.
Narinig ko ang mga hikbi niyang muli habang yakap yakap ko siya mula sa likudan, dahan-dahan ko siyang iniharap sa akin, tumingin siya sa akin habang nag uunahan sa pagpatak ang mga luha mula sa kanyang mata. Pinawi ko ang mga iyon gamit ang aking mga daliri, naguguilty ako dahil sa nasigawan ko siya kanina. "Cassie, wag ka ng umiyak, alam mo namang nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak e," sabi ko pa na hawak hawak ang pisngi niya.
Tumango-tango lang siya na parang bata, napangiti naman ako at niyakap na siya. "I'm sorry..." bulong ko muli sa kanya.
Inalalayan ko na siyang sumakay sa kotse para makauwe na sana ng naisipan ko naman na dalhin muna siya sa isang lugar kung saan pwede pa namin mapag-usapan ng maayos ang lahat. Dinala ko siya sa isang lugar dito sa Toronto kung saan napaganda pag gumagabi na sa Nathan Phillips Square.
Pagbaba niya ng kotse tila namangha siya sa nakita niya, naglakad-lakad siya at inilibot ang mga mata niya sa paligid kita ko ang kanyang mga ngiti sa labi habang tinatanaw ang kagandahan ng lugar.
"You like here," sabi ko habang sinasabayan lang siya sa paglalakad. Tumingin siya sa akin ng nakangiti at tumango.
"Oo, ang ganda dito," at muli niyang inilinga ang mga mata niya.
Naupo ako sa nadaanan naming isang bakanteng bench at pinanuod lang siya na nakatayo na parang itinatatak sa isipan niya ang lugar na ito. Pagkalipas ng ilang minuto lumapit na siya sa akin, umusod ako ng kunti para makaupo rin siya.
"Thank you sa pagdala sa akin dito," masayang sabi niya ng makaupo na.
"Walang kaso, happy ka na?" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sana..."huminga siya ng malalim. "Ikaw masaya ka?"malungkot na tono niyang sabi sabay kami nagkatinginan. Ilang segundo din bago ko naiiwas ang mata ko sa kanya at tumingin sa pagkalayo-layo.
"Masaya ako kasi nakasama kita ng matagal ngayon.. feeling ko ako yung legal boyfriend e?" nakangiti kong sambit, muli ko siyang sinulyapan na nakatingin lang din sa kawalan na napangiti dahil sa sinabi ko. "Masaya ako sa araw araw na minamahal kita. Masaya akong nakakasama ka kahit gaano man tayo kalayo sa isa't isa. Masaya akong kasama ka kahit limitado lang ang oras natin. Masaya akong nakakapunta tayo sa ganitong lugar na magkasamang dalawa. Masaya ako dahil nahahawakan, nayayakap, nakakatawanan kita sa personal. Masaya ako dahil sayo, masaya ako dahil nandyan ka sa tabi ko, masaya ako dahil kasama kita ngayon at sana marami pa tayong pupuntahan na magkasamang dalawa." sinasabi ko habang sa kanya nakatingin. Muli siyang tumingin sa akin na nawala ang ngiti sa labi niya.
"Drix, I just would like to say sorry from the bottom of my heart, sorry. Sorry lang ngayon yung tanging mahihingi ko sa lahat ng pain at hurt na naidulot ko sa iyo. Sorry for making you feel na mas nasasaktan mo ko. Kasi ang totoo mas nasasaktan talaga kita. I took you for granted, ilang beses kitang nasaktan. Alam ko na may galit ka pa sakin right now, pero mas ayaw ko na hindi mo malaman kung gaano ako nagsisisi sa lahat ng nagawa ko sayo. I admit all my mistakes. I admit ako talaga ang may kasalanan sa lahat." garalgal na boses niyang sabi na anytime iiyak na naman siya.
Muli akong napahinga ng malalim at iniiwas ang paningin sa kanya.
"Alam mo ba nung makita uli kita nung birthday ni Louie boy, nung magtama ang ating mga mata, bumalik lahat. Lahat ng sakit. Lahat ng alaala. Lahat ng nadarama ko. Hindi ko pa pala kaya. Hindi ko kayang makita kang hawak ang kamay ng iba.
Hindi ko kayang marinig ang tinig mong inaawitan ang iba. Hindi ko kayang masdan ka habang yakap ang iba.Hindi ko kayang tanggapin na mayroon nang ibang gumagawa sa'yo ng mga bagay na dati ako 'yung gumagawa. Hindi ko kayang tanggapin na may mahal ka nang iba.
Dahil ako dapat 'yun eh, yung gumagawa nang mga bagay na 'yun para sa'yo. Alam kong matagal nang tapos ang kung ano man ang mayroon tayo. Iniwan mo na 'yun sa kahapon. Mayroon ka nang nahanap na pupuno sa puwang d'yan sa puso mo. Pero ako, hindi pa. Hindi ko pa kayang umusad.
Hindi ko pa kayang lumimot. Hindi ko pa kayang humanap ng iba, hindi ko magawang maging masaya para sa inyong dalawa ni Justin. Dahil masakit pa rin pala, mahal pa rin kita.""Pero kung kaya ko lang ibalik ang oras, yung mga panahong nasayang. Kung kaya ko lang baguhin lahat ng pagkakamaling nagawa ko, gagawin ko. Babaguhin ko, ibabalik ko, mananatili ako. Mamahalin kita, tulad ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin, gagawin ko iintindihin kita, mamahalin pa. Kung kaya ko lang ibalik. Kung kaya ko lang talaga, gagawin ko.
Kung pwede lang sana ibalik yung nakaraan. Siguro tayo pa rin.. masaya.. nagmamahalan. Walang nasasaktan.." sabi pa niya at tuluyan na siyang umiyak. Inilapit ko ang katawan ko at niyakap siya, hinaplos haplos ang kanyang likod.Kumalas ako sa pagkakayakap, muling pinawi ang mga luha sa mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
After all — pain, sadness, anger, disappointments, everything — nakita ko ang sarili ko na bumabalik sa ideya ng ikaw at ako. Ilang beses ko ng sinibukang bumitaw at palayain ang aking sarili, dahil sabi nga nila "Wala na. Tapos na. Wala na kayo." pero sa tuwing sinusubukan ko, nahihirapan akong bumitaw. Kaya, Oo, kakapit pa din ako sayo kahit alam kong iba ang hinahawakan mo at hindi ako." desidido kong sabi sa kanya
"Drix..." bulong niya
Hinawakan ko ang pisngi niya at sinabi ang nabuong desisyon sa isipan ko.
"Kung mali ang mahalin ka, handa na akong magkamali ulet. Sayo."
................................................................................................................................................
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan