Chapter 46- Home

2.5K 78 13
                                    

Sasha's POV

Nakarating kami ni Jayme sa address ng resto na ibinigay sa kanya ni Louie, hindi ako mapalagay iba yung pakiramdam ko dahil siguro hindi man lang nagpaparamdam si Drix sa akin simula kanina umaga. Pagpasok namin sa pinto ng resto napatigil ako, dinukot ang celfone sa bag, napatigil din ang kasama kong si Jayme.

"Bakit bessy?" nagtataka niyang tanong

"Sandali lang bes, hindi kasi talaga ako mapakali e. Tatawagan ko muna si Drix bago tayo dumiretso sa kanila." natataranta kong sabi

"Hay naku bessy, kalma nga lang, hindi mo na siya kelangan tawagan, ayan na kaya siya..." sabi niya na sa ibang direksiyon nakatingin

"Huh? naguguluhan kong sabi

Napatingin ako kay Jayme. "Yun oh!" nakanguso pa niyang sabi

Sinundan ko ang tingin at nguso ni Jayme, napaawang ang bibig ko ng makita ko ang lalaking papalapit sa kinatatayuan namin. Ang lalaking gusto kong tawagan ngayon dahil nag-aalala na ako, ang lalaking kahit minsan ay di nawala sa isip ko. The man that I will never get tired of reminding him that I love him, that I'm in love with him, and that I've been in love with him ever since the day I love him.
The man that, I will always be in love with him, today, tomorrow and forever.

"Love..." sinasabi ng isip habang nag-aantay sa paglapit niya sa akin, hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko, maging ang aking bibig na nakaawang ay di ko rin magawang itikom dahil baka isang imahinasyon lang ang lahat ng nangyayari ngayon na talagang wala naman siya dito sa loob ng restaurant na pinuntahan namin ni Jayme. Sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin ay ang biglang bilis naman ng tibok ng aking puso na akala mo'y mga kabayong nagtatakbuhan.

At nang makalapit na siya sa akin, mas lalo ko siyang tinitigan sa mga mata at gayon din siya sa akin. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya hanggang sa hawakan niya ako sa ibabang baba ko at...

"Naka-nganga ka Ms.Bernardo" mahina niyang sabi

"Ngayon nalang uli kasi nakakita ng gwapo, paps, kaya pagpasensiyahan mo na," kinikilig na natatawang sabi ni Jayme

Nang marinig ko ang sinabi ni Jayme duon palang ako bumalik sa katinuan at naisip na totoong nasa harapan ko na nga si Drix. "L-love..." sambit ko rin.

"Yes boo, ako nga.." nakatawa niyang sabi and he cupped my face.

"Love!" masayang sabi ko't niyakap siya, bigla nalang nangilid ang mga luha sa mata ko habang yakap yakap siya. "I missed you so much.." sabi ko't hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

"I missed you too, boo." sambit rin niya't dinampian ng halik ang noo ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at muli ko siyang tiningnan. "Kelan ka dumating, bakit hindi mo sinabi na mapapaaga ang pagbalik mo dito, di sana nasundo kita sa airport." sunod-sunod kong tanong kay Drix

Nakatawa lang siya habang nakatingin at pinakikinggan ang mga sinasabi ko. "Bakit ko naman ipapaalam sayo, di hindi na naging surprise," nakatawang sabi niya

Napakunot noo ako at hinampas ng bahagya ang kanang braso nia. "So...sinadya mo talaga na di ipaalam sa akin?"sabi ko't napahalukipkip ako

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon