Chapter 11- Surprise

2.6K 93 12
                                    

Drixler's POV

Nakaupo kami nina Justin at Louie dito sa isang table kung saan may mga pagkain nakahain. Tawana at kwentuhan, minsan umaalis si Louie para harapin ang iba niya bisita, pero kalimitan hinahayaan niya na siya ang lapitan ng dumadating. Pa-importante ang gago di ba?

Sa gitna ng tawananan at kwentuhan namin di ko maintindihan kung bakit ako pa ang naghahanap sa di pa dumadating na girlfriend ni Justin.

"Pre, hindi mo ba susunduin si Sasha?" tanong ko

"Padating na sila,"

"Kilala mo na si Sasha, gwapo? Singit ni Louie boy na parang nagtataka kung bakit alam ko ang pangalan ng girlfrend ni Justin.

"Hindi pa, ngayon palang kung sakali makita ko," walang reaksiyon kong sabi

"Ah ok..."

Tila medyo kabado ang hitsura ni Louie boy, siguro dahil sa inihanda niyang pagpo-propose kay Brea mamaya. Naisipan na niya kasing lumagay sa magulong, tahimik buhay mag-asawa, hindi na nga naman kame mga bata, kahit ako minsan napapaisip na mag-asawa na pero paano ako mag-aasawa kung wala namang aasawahin. SAKLAP di ba?

Ilang saglit pa ang dumaan at napansin ko na papalapit sa amin si Brea na mukhang masaya.

"Guys, Sasha is here!" pasigaw niyang sabi habang papalapit sa amin

Saglit na napatingin ako kay Brea pati na rin kay Justin na maganda ang ngiti sa sinabi ng pinsan niya. Ang kausap kung si Louie kanina ay nagpaalam na pupuntahan yung ibang tao na nasa loob, pansin ko rin ang pagtingin ni Derrick kay Brea pati na rin sa akin. Hinayaan ko lang ang tingin na iyon ni Derrick at di nalang pinansin.

"My girlfriend is here, bro." sabi pa ni Justin na tumayo at sinalubong si Brea.

Naiwan akong mag-isa sa upuan, napatingin ako sa isang baso na may lamang tubig kinuha ko iyon at ininom. Ewan ko di ko maintindihan ang nararamdaman ko ng sandaling iyon para bang may mangyayari na di ko inaasahan o baka kathang isip ko lang ang nararamdaman ko.

Bumalik si Justin sa kinauupuan namin at muli siya naupo sa harapan ko, uminom rin ng tubig, napatingin ako sa kanya.

"Asan na girlfriend mo, bakit di mo sunduin sa loob?" kaswal kong tanong sa kanya.

"Sinusundo na siya ni Brea, nga pala bro, Sasha is also worked in Taiwan before. Kaya wag kang mag-alangan na kausapin siya,"nakangiting sabi niya

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Justin, ngayon lang kasi niya nabanggit sa akin na galing din Taiwan ang naging girlfriend niya.

"Oh...," halos pabulong kong sabi na may pagtataka habang nakatingin lang sa kanya.

Tumingin siya sa kinaroroonan kanina ni Brea at...

"O, 'yan na pala e,"

Napatingin ako sa direksiyon ng mata ni Justin, Napamaang ako, nabigla, walang kakurap-kurap ang mga mata ko, bigla nalang din akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko si Cassie na nakangiting naglalakad papalapit sa amin ni Justin. Parang tumigil ang mundo ko ng mga oras na iyon at tanging si Cassie lang ang nakikita kong gumagalaw, tumingin siya kay Justin at saka inilipat sa akin ang tingin.

Sinalubong siya ni Justin, "Babe" at binigyan siya nito ng isang smack kiss.

"Sorry I'm late," sabi ni Cassie kay Justin matapos siyang halikan.

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon