Sasha's POV
To: Louie
Hi...busy ka ba? can we meet? I need someone to talk...:(
From: Louie
Problem??Bahay ka ba? Sunduin kita now.
To: Louie
Yup...ok...thanks...
"Lord, remind me always na everything will be alright." bulong ko sa sarili saka napahinga ng malalim.
Pagkadaan ng ilang minuto narinig ko na ang busina ng isang sasakyan sa labas ng gate namin, at si Louie na yun, tumayo na ako at dinampot ang sling bag ko na nakapatong sa center table. At lumabas na ng bahay.
"Musta?" bungad ko sa kanya pagkalabas ko ng gate.
Pumasok na ako at naupo sa driver seat.
"Ok ako...ikaw?" tumingin ako sa kanya habang inaayos ang seatbelt sa katawan ko.
"Sakto lang." tipid kong sabi sa kanya.
Tumango-tango lang siya maya maya pa sinimulan na niyang paandarin ang kotse. "Where you want to go?" tanong niya ng simulang umabante.
"Sa lugar na tahimik..." sabi ko saka ibinaling ang atensyon sa dinaraanan namin.
Medyo madilim na ang paligid pero di pa naman kalaliman ang gabi, alas-siyete palang naman ng gabi. Naging tahimik ang ilang minutong byahe namin ni Louie hanggang sa makadating kami sa isang lugar.
"We're here!" sabi ni Louie na nakatingin sa akin.
"Anong lugar ito?"
"Di ba gusto mo ng tahimik, so ito na yun, dito sa Trinity Square. You get some peace and quiet here." bumaba na siya ng kotse kaya sumunod na rin ako.
Iginala ko muna ang mga mata ko sa paligid ng lugar na pinagdalhan ni Louie sa akin. "Beautiful..." bulong ko sa sarili. Its a little park, na may church. It's a mixture of concrete, greenery and interesting things to look at. Its a nice little oasis in the hustle and bustle of the downtown core. It has lots of benches to sit down and have snack or just chill out. Ganito ko naidescribe yung place.
"You like this place?"
"Yes...great for quiet reflection..." sabi ko habang naglalakad-lakad kami sa lugar.
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" panimula ni Louie. Napasulyap ako sa kanya saka ngumiti at hindi umimik.
Si Louie? Siya yung dadamayan ako tuwing nakakaramdam ako ng lungkot at tuwing masaya ... Siya yung lalake na nandyan lagi para sakin, may problema man ako o wala. ... Si Louie yung laging nandyan pag kelangan ko ng kausap at kelangan kong huminga, nakakapag-isip ako ng maayos pag pinapayuhan nila akong dalawa ni Jayme.
"Torn between two lovers, ba? problema nga yan."napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya't napatigil din siya.
Muli akong napatingin sa kanya. "Sinabi na ba ni Drix, sa'yo?" tanong ko dahil alam ko naman na hindi naglilihim si Drix sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ni Louie, ngumiti lang ito at nagpatuloy na ito ng paglalakad kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.
"Committing yourself sa dalawang minamahal at the same time is a very delicate matter especially if they are both serious with you...Natamaan ka ba?" pagpapatuloy niya at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}
FanfictionAng lahat ng bagay ay pinagtatagpo sa tamang oras at panahon Sa buhay ng tao may isang dakilang pag ibig na kailan man hindi makakalimutan