Chapter 57- Two Lines

277 11 10
                                    


Kinaumagahan hirap na bumangon si Cassie sa kanyang higaan, mabigat parin ang pakiramdam niya at masakit parin ang ulo niya. Unti unti niyang iniangat sa hinihigaan ang katawan ng bigla may kakaiba nanaman siyang nararamdaman na nagmumula naman sa sikmura niya, agad siyang napatakbo sa loob ng banyo niya at saka nagduduwal at nagsuka duon. Nanghihina siya sa nararamdaman niya, agad siyang naghilamos at napatingin sa sarili sa harap ng salamin. "My God! anong nangyayari sa akin? Is this my last year in this crazy world" bulong niya sa sarili.

Bumalik siya sa kanyang higaan at naupo sa dulo nito, dinampot ang telepono na nakapatong sa may night stand saka nagsimula buksan ito.

Cassie: Good morning bakla, gising ka na ba? Pwede mo ba ako samahan magpacheck up?

Tumayo siya at inumpisahan mag ayos ng sarili , palinga linga siya sa telepono nakapatong sa unan niya naghihintay ng reply mula sa kaibigan. Lumipas pa ang ilang minuto at nakready na siya pero tila di niya ata araw ngayon para makasama ang kaibigan, kaya nagpasya siya na umalis nalang mag-isa.

*At The Clinic*

"Hija, normal lang naman lahat ng nararamdaman mo." sabi ng Dra. habang iniaabot sa kanya ang isang kit. At muli naupo ito sa harapan niya.

"Normal lang po lahat ng nararamdaman ko?" napatanong nalang siya sa sinabi ng Dra. habang hawak hawak ang iniabot nitong kit sa kanya.

"Yan ang result kung bakit ganyan ang nararamdaman mo in the past few weeks. Tingnan mo yang iniabot ko sayo."

Dahan-dahan niyang inilabas ang kit sa loob ng lalagyan nito at ng makita niya ang resulta duon, ay napatulala siya sa hawak niyang iyon.

"You are 7th weeks pregnant, hija. Congratulations!" masayang wika ng Dra. sa harapan niya at napatingin siya dito ng wala man lang lumabas na kahit anong letra sa bibig niya. "I think you did not expect the result, halatang gulat ka sa nakita mo dalawang linya." bigkas pa ng Dra.

"H-hindi k-ko lang po alam ang irereact ko." nauutal niyang tugon dito.

"It's ok hija, hindi lang naman ikaw ang ganyan ang naging reaction sa mga naging pasyente ko. It's normal para sa mga bagong mommy na katulad mo."

"Bakit hindi ko po agad naramdaman ito ,Dra. Sabi niyo 7th weeks pregnant na ako."

"It may be a bit difficult to recognize the symptoms of pregnancy early on, because they can be easily mistaken for certain illnesses. This is why it is important for you to take note of the symptoms that you are experiencing. To be more certain, take a pregnancy test as soon as possible. Like what we did today." nakangiting paliwanag ng Dra.

Tumango tango lang siya sa paliwanag ng Dra. habang iniaayos ang hawak hawak na kit na binigay sa kanya, at saka isinilid sa loob ng bag na dala dala.

"So, kelan na po uli ang balik ko for check up, Doc.?"

"You can come back next week we try to listen the heartbeat of your baby, and some ultrasound narin."

"Sige po Doc, thank you very much!"

"Ok, hija.. see you next week, and don't be stress too much hindi makakatulong kay baby."

"Yes Doc."

***
Pagkalabas niya ng kwarto napaisip parin siya  sa mga nalaman tungkol sa pagpapacheck up niya habang papalabas ng clinic na pinuntahan, hanggang ngayon di parin mag sink in sa utak niya na buntis na siya. Napaigtad siya ng marinig ang tunog ng telepono sa loob ng bag niya, kaya agad niya ito  kinuha.

Jaymee is calling...

Cassie: Hello..
Jaymee: Hello bessy, asan ka ba? Sorry di ko nasagot call and messages mo.
Cassie: It was the longest 15 seconds of my life, but the results were two red lines clear as day.
Jaymee: Ano? Ano ba sinasabi mo, ano ba nangyayari sayo bessy, Asan ka ba? Weird mo ha!
Cassie: (naphinga ng malalim) Andito sa clinic. Pauwe palang ako.
Jaymee: Sunduin kita d'yan, magmall tayo ng mawala yang kaweirduhan mo, ok ba yun?
Cassie: Hindi mo ba ako nagegets?
Jaymee: Bessy ang totoo, hindi! kaya hintayin mo ako d'yan at saka mo ipaliwanag sa akin, ok?
Cassie: OK!

Napatingin siya sa hawak nalang na telepono pagkatapos makausap ang kaibigan ng muli naman itong tumunog. Love is calling.......
halip na sagutin niya ito ay tinitigan lang niya ito hanggang sa matapos ang pagtunog nito. At agad na isang mensahe ang sumunod.

Love
Boo, where are you? can we talk? please..???Galing ako sa bahay niyo and you even not there, please answer my call or reply me when you read my message. I love you.

Mabilis na kumibo ang mga daliri ni Cassie para sana replayan si Drix ng bigla naman narinig nito ang tawag sa pangalan niya, na umagaw ng atensyon niya.

"Cassandra!" buong sambit ng tumawag na kumakaway pa sa loob ng sasakyan.

Napairap ito ng makitang ang kaibigang si Jayme ang buong buo na tumawag sa pangalan niya. Sa halip na tingnan niya muli ang celphone na hawak ay bagkus niya isinilid ito sa bag na dala dala at naglakad na papalapit sa kaibigan.

*********

"Shit!" naiinis na napasuklay sa buhok niya si Drix habang nakatingin sa teloponong hawak.

"Dude chill ka lang, ito inumin mo muna pampalamig, hb ka na naman e," nagbibirong sabi naman ni Louie habang iniaabot ang basong may laman na juice.

"Si Cassie kasi..." napahugot siya ng malalim na hininga bago tanggapin ang juice na offer ng kaibigan. "Thank you." sambit pa nito.

"Just give her time, baka masyado nagselos kagabi sa nakita niya."

"What? wala naman nangyari, it's just a dance with Chloe.. pero siya halip na ako ang lapitan niya ginusto pa niya sumama kay Justin sa labas." maktol pa nito sa kaibigan

"That's the point, isang sayaw na dapat siya ang kasayaw mo. Don't tell me nagseselos ka parin hanggang ngayon kay Justin, dude?"

"You know what happen, Louie boy. Hindi ako ang nag umpisa, si Chloe ang lumapit. Ewan ko... selos na kung selos pero ayaw ko parin nakikita may kasama siya iba na nagpapangiti sa kanya."

"I understand, Gwapo. Relax ka lang, kakausapin ka rin ni Cassie, i know her di ka niya kayang tiisin. By the way, Chloe is also coming now here."

"You still invited her?"

"Yes! She is also our friend— naputol na sasabihin ni Louie sa kaibigan ng biglang nagdatingan ang iba pa nilang kaibigan.

"What's up mga bro!" masayang bungad ni Marco sa kanila habang kasunod sina Pat at Justin. Napatango lang siya sa mga ito na tumapik sa balikat niya.

"Where is Cassie, Gwapo?" si Justin na luminga linga pa sa paligid

Kibit-balikat lang niya itong sinagot at muling ininum ang kanina pa hawak na baso na may lamang juice.

"Oh, oh...LQ..." pabiro naman sambit ng nkangiting si Marco

"Hindi parin ba kayo nag-uusap?" sunod na tanong naman agad ni Pat.

"She doesn't answer my call." walang reaksiyon nito sagot

"Bakit hindi si Jayme ang tawagan mo? Sure ako na kasama niya now si Cassie." suhestyon naman agad ni Marco.

Napatingin lang si Drixler dito at agad ng kinuha ang telepono na nasa bulsa. Lumayo ito bahagya sa mga kaibigan at saka idinial ang numero ni Jayme.

...................................................................... ..............

..it's been awhile..🙂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BACK To YOU (Old Friend Book 2){KathNiel}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon