kabanata 1

79.7K 1.4K 20
                                    


Pauwi ako galing sa trabaho ng maka tanggap ako ang tawag mula kay nanay na pinapauwi nya ako bukas sa Laguna, birthday daw kasi ng pamangkin ko tutal naman ay sabado. Mabuti pa ang kapatid ko may anak na ako kaya kailan?

Nasaan ba kasi si Mr.Right,naligaw yata.

Last year ay lumipat na ako ng condo,sa building ng condo ni Toni na ngayon ay si Osang na ang gumagamit. Nag asawa na kasi ito at wala ng titira sa condo nya.
Ako naman,nkapag asawa na ang ante ko ng amerikano at na petition ito kaya ako nalang mag isa sa bahay nya kaya pinabenta ko nalang sa kanya dahil kukuha nalang ako ng condo para mas malapit sa syudad. Almost an hour kasi ang byahe galing sa bahay nina ante patungo sa trabaho where as sa condo building ni Toni ay 20 mins lang.

Working student ako since highschool sa pinsan ni papa na si Antie Anna, dalaga at pihikan sa lalaki Kaya matagal nakapag asawa yun pala kano ang gusto.

Highschool kami nagkakilala ni Toni at Amber si Osang naman ay noong college na but we build a great friendship. Na test iyun noong nagkasakit ang Tita ni Amber at halos Kay Toni na sya nakatira at noong nabuntis si Osang ng walang ama ang baby. Nagtulungan kami upang malampasan ang kanilang mga problema.

Ng maipark ko sa basement ang kotse ko ay mali kotse pala ito ni Amber binigay nya sa akin kasi walang space sa garahe ng asawa nyang sobrang yaman. Naku ako pa ba ay tatanggi sa grasya? No! Kaya kahit hindi latest in good condition naman kaya thank you.

Bago ako tumungo sa unit ko ay bumili muna ako ng hapunan sa restaurant ng building, tamad ako magluto e kahit marunong naman ako. Mag isa lang kasi ako kaya nakakawalang gana.

Mag iimpake ako para bukas siguro mga tanghali na ako ba byahe,damhin muna ang day off.

Yun nga ang ginawa pagkatapos kong maghapunan kunti lang naman kasi may pambahay naman ako doon. Bago matulog ay pinaalam ko muna sa mga kaibigan ko ang lakad ko bukas baka kasi magyaya bigla.

Ano kaya ang pwedeng ipasalubong sa birthday boy kung pamangkin? Cake? Baka nagpagawa na sila, damit at laruan nalang tutal yan naman lagi nyang hinihingi sa akin kapag umuuwi ako doon, dadaan nalang akong mall bukas.

Kinabukasan ay dumaan nga ako sa mall at bumili ng dalawang polo shirt at dalawang pants. Bumili rin ako ng laruang kotse na de remote tapos pinabalot ko. Bumili narin ako ng cake sa Red Ribbon para dagdag narin.

Naglunch muna ako sa isang fast food chain bago tumungo sa byahe.

Music at chips solve na ako sa mahabàng byahe.Naku mukhang uulan yata ngayon,nawala yung araw at ang itim ng mga ulap.

Half of the way ay muntik na akong mabangga ng may batang babae ang tumayo sa backseat.Nakaputing bestida ito, bigla ko inapakan ang break at nanigas.

Could it be a ghost? Ang lakas ng kabog sa dibdib ko jusko takot ako sa multo. Hindi ako lumingon at pumikit ng mariin hoping that when I open my eyes wala na ang bata but to my surprise ay nandoon pa din at nakatutuk sa akin sa rearview mirror. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba.

"A-a-anong kailangan mo?" Halos hindi ko masambit yun sa takot ko.

The little girl smiled. ''Hi, nasaan na tayo?" Na shock ako doon, hindi ito multo kasi nagsasalita.

"You're not a ghost?" Nilingon ko ito

"Do I look like a ghost?" Sinipat nya ang sarili sa salamin "my face isn't white like a ghost,how could you tell?" Napaisip naman ako.

"Oh I'm sorry, how did you get here? Where's your parents?"

"Pumasok ako noong lumabas ka di mo naman ni lock yung pinto, nakatulog na ako sa kahihintay sayo." She pouted.

Nangunot ang noo ko."Bakit ka naman sasakay sa kotse ko?"

Umupo ito."para takasan si yaya."

"Oh you stubborn little girl.hinahanap ka na sigurado yun,jusko magiging kidnapper pa yata ako ngayon."
Napahilot ako sa aking sintido.

"No, your not a kidnapper because I myself want this." Para syang may hinahanap. "do you have any food? I'm hungry." Hinimas pa nito ang tyan nya.

"No, brat I'm going to send you home...now tell me your name and address." Oh my bad malayo na ako sa maynila.

"I'm Mitchica Martinez,chiky for short.four years old and I live at BGC." Tumaas ang isang kilay ko.

"Saan sa BGC?"

She shrugged."I don't know? "Pa tanong nyang sabi,halatang ayaw nyang sabihin.

" paano Kita e uuwi eh ang daming condominium sa BGC."

"Please I'm so hungry miss, my tummy is growling." Ang arte naman ng batang ito, sya na nga namurwesyo sya pa yung demanding.

"Do you know your parents number?"
Pag iiba ko.

"I only have dad and I don't know his number... Can I eat that cake? Please????" Aw ang cute naman ng batang ito.

Bumuntong hininga ako,oo nga at ilang taon pa ito hindi nya memoryado ang numero ng dad nya, Bakit walang syang mommy? Inabot ko yung box ng cake at bubuksan sana ng mapansin ko ang labas na ang lakas ng ulan.

"Oh shit!!" I curse ng mapansin na tumataas na yun tubig sa daan. Maiistranded pa yata kami ngayon.
Paniguradong titirik ang kotse ko nito kasi maliit lang ito. I need a place to stay.

Palingalinga ako sa paligid upang maghanap ng motel o kahit bahay na pwedeng tuluyan.
Nang tingnan ko ang bata ay nilantakan na nito ang cake na naka kamay lang, wala di naman akong kutsara.hinayaan ko syang kumain at pina andar ang kotse,hahanap ako ng mas mataas na lugar.

Kinakabahan ako sa lakas ng ulan at agus ng tubig,may bata kasi akong kasama. Ano ba Kasi itong napasukan ko e uuwi lang naman sana ako sa amin at a-attend ng birthday ng pamangkin ko.

Tumataas na talaga ang tubig at halos hindi na umuusad itong kotse, mayamaya nito at titirik na ito.
Tumigil na ako sa may gilid ng kalsada, hinanda ko yung mga importanting gamit ko sa aking bag. Tiningnan ko ang bata na kumakain parin hanggang ngayon.
Kung lalabas kami mababasa ang bata e wala naman iyong pamalit,naisip ko ang regalo ko sa aking pamangkin kaya binuksan ko ang box at kinuha ang mga damit doon at nilagay sa maliit na traveling bag ko.

May kumatok naman sa bintana ng kotse at nang lingunin ko ay isang lalaki, I open the window for him.

"Miss lumabas na kayo,delikado kayo dyan tataas pa ang tubig."As on cue ay hinablot ko ang bata na tapos na palang kumain at ang dumi ng bibig nya.
"Lalabas na kami, halika na baby."
Tumango naman ito at pinauna ko na sya ng buksan ko ang pinto, nandoon pa naman ang lalaki at may dala itong payong.

Binuhat nya ang bata at hinintay ako.binitbit ko yung bag ko at ni lock ang kotse.







❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon