kabanata 3

47.6K 1.3K 13
                                    


Maaga akong gumising kinabukasan, nakiusap ako sa staff doon na bantayan muna si Chiky kasi tulog pa ito.

I check the car first, it didn't start the engine when I heat it, natubigan siguro ang makina. Paano ba kami uuwi nito?

Bigla ko naisip ang cellphone ko, kinapa ko ito sa aking pouch bakit ba ngayon ko lang ito naisip? Nang i-on ko ito ay 5% nalang,hindi pa naman ako nagdala ng charger kasi may charger naman sa bahay at hindi rin kasi ako masyadong gumagamit ng cellphone. For emergency use lang kasi ito sa akin.

Bigla ay nagsunod sunod ang mga message ni Amber, ang dami at ang nakakuha ng atensyon ko ay ang-

Lian,nandito ang ama ng bata na sumakay sa kotse mo nasaan ka na ba?

Naku nadamay pa sila Amber, paano nila nalaman ito. Agad akong nagreply doon

Sissy, na stranded kami sa lakas ng ulan baha. Iuuwi ko naman talaga ang bata ngayon kaso tumirik yung sasakyan. Mag bu-Bus nalang kami.

Send

At na off ito ng tumawag si Amber.
Basta nakapagsabi na ako na ibabalik ko si Chiky.

Maaga pa naman, bibili nalang muna ako ng pang agahan. Naghanap ako ng mga tindahan ng pwede bilhan ng pagkain, sa di kalayuan ay may nakita akong bus stop kaya Nagmadali akong pumunta doon.

May nakita ako doong karindirya at malinis naman kaya bumili ako ng dalawang rice, dalawang fried egg at dalawang hotdogs. Bumili rin ako doon ng choco at may nakita akong Dunken Dough nut, bumili narin ako para Kay Chiky.

May nahagip ang paningin ko ng damit pambata kaya binili ko upang may masuot si Chiky.

Ang gaan ng loob ko sa batang yun, sana balang araw kasing sweet niya ang magiging anak ko. Ang gandang bata paano kaya natiis ng isang Ina ang mawalay sa kanyang anak, Chiky is so adorable kahit siguro sinong Ina ang makakita sa kanya ay magugustuhan ito. Naawa ako sa kanya lalo na at ang bata pa nya masyado para magdamdam sa mga magulang niya.

Nang marating ko ang silid namin ay naabutan ko itong gising na at maiiyak na. Nang nakita niya ako ay tumakbo ito sa akin at yumakap sa aking bewang.
"Mommy, I thought you leave me."

Tiningnan ko ang staff na pinakiusapan ko kanina na bantayan si Chiky.
Ngumiti ito ng tumingin ito sa akin.
"Bagong gising lang po sya ma'am at hinahanap kayo."

I smiled at her. "Salamat, pasensya na sa abala." Binigyan ko ito ng tip bago ito lumabas at nagpasalamat din.

Lumuhod ako upang magpantay kami.
"Ssshhhh, hey."

She pouted and stared at me. "I'm so scared, I thought you left."

"I won't leave you, as long as your not with your dad I won't leave you... Okay?"
I wipe her tears,para namang piniga ang puso ko sa mga luha niya sobra talaga ang pangungulila nito sa Ina. Kung pwedeng akin ka nalang Chiky kahit hindi na ako mag asawa ay okay na.

Bumuntong hininga ako,kahit mahirap kami hindi ako kailanman nakaramdam ng pagkukulang sa mga magulang ko palagi nilang sinasabi sa amin ni Joshua na mahal na mahal nila kami kaya wala na kaming mahihiling pa sa kanila.

Tumahan na ito at hinalikan ako sa pisngi. "I love you mommy." With her eyes is watery. My heart melted as I heard her say it. Napaluha naman ako sa tuwa o lungkot o awa,hindi ko matukoy basta para ayaw ko na yata syang ibalik sa daddy niya.

Pinigilan ko ang paghikbi at pinahid ang tumulong luha sa aking pisngi. "Ahm,baby.... gusto kong tumugon sa sinabi mo kaso ayaw kitang paasahin dahil iuuwi na Kita sa daddy mo ngayong araw at hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo." Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.

"Ikaw nalang kaya ang  mommy ko? Sasabihin ko Kay dad." Nagliwanag ang mga mata nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Chiky hindi pwede yun, bawat bata ay may sariling mommy kaya kulitin mo ang dad mo upang magkita na kayo ng mommy mo...okay ba yun?" Kinarga ko ito pinaupo sa aking hita ng umupo ako sa silya.

"What if he won't tell again?" Malungkot nitong sabi.

Naiinis na ako sa daddy mo Chiky ha,bakit ba talaga hindi nito maipakilala ang nanay nitong anak niya.
"Maybe its not just time...everything happens for a reason and every secrets reveals on its time...alam ko malungkot ka dahil wala kang kinikilalang Ina pero malay natin dahil sa paglalayas mo sasabihin na sayo ng daddy mo." Pagpapagaan loob ko sa kanya.

Tumango ito kahit may bahid paring lungkot sa kanyang mukha.

"Sige na Kain na tayong breakfast baka nagugutom kana."

"Sige po."

Pinaupo ko ito sa kabilang silya at pinaghanda ng makakain. Maganda naman itong kumain pero bakit ang payat niya yata,hindi naman sa malnourished na payat pero iba talaga ang pangagatawan nito.

Sinabayan ko ito sa pagkain at uminom naman ito ng choco na dala ko,hindi pala mapili ang batang ito pero ang payat niya.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko ito at binihisan  nong nabili kong damit kanina sa tiange.

Nagustuhan naman na ito at nagpa ikot ikot sa may salamin doon sa tukador.

Isang green na bistida lang naman ito na may maliliit na bulaklak na green din pero mas darker at sukat na sukat ito sa kanya.

"Its beautiful mom. This going to be my favorite from now on...I love it."
Natuwa naman sa kanya at least may remembrance akong maiiwan sa kanya.

I really like this kid. Sana kung sino man ang nanay niya ay mag effort naman na makita sya.

Matapos kong mag ayos ay bumaba na kami at nagbayad na ako. Lumabas kami,sinipat ko muna ang kotse sa di kalayuan babalikan ko nalang ito bukas.

Dumiritso kami sa bus stop at naghintay ng pa maynila. Di nagtagal ay nakasakay na kami at bumabyahe na ang bus na masaktan namin.

Napansin kong tahimik si Chiky na nakatanaw sa labas.

"Baby, why are you sad? Magkikita na kayo ng daddy mo."

Lumingon ito sa akin. "Meeting my dad  means losing you mom." Mangiyak ngiyak nitong sabi.

Naaawa talaga ako sa kanya. Kakausapin ko nalang yung dad niya na kung pwede ay bibisitahin ko sya paminsan minsan,para naman maibsan ang pangungulila ng bata.

"I will talk to your dad that I'm going to visit you sometime."












❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon