Later that night ay sinamahan ko si Chiky sa kanyang silid hindi pa kasi daw ito inaantok. Kaya nanood muna kami ng Alvin and the chipmunks. Paborito daw niya ito."Kaya ka siguro maraming kalukuhan na nalalaman dahil sa chipmunks na yan ano?" Tukso ko sa kanya.
She laugh. "Minsan po mom."
Aba may gana pa itong tumawa.
"Naku bata ka,hindi yan uubra sa akin ang mga Alvin moves mo na yan."
Pananakot ko sa kanya."Hindi na po mom, your here."
At yumakap ito sa akin. Ang sweet niya talaga.Pagkatapos naming manood ng mga chipmunks ay nagpakwento ito sa akin ng aking kabaataan. Masaya ko namang binahagi sa kanya ang aking nakaraan na sobrang saya. Street games ang uso sa panahon ko at ipinagmamalaki ko iyun sa kanya kaya naengganyo itong sumama sa akin sa Laguna kapag ako'y bibisita doon.
Nangako naman ako na isasama ito upang makalanghap din ng sariwang hangin.
Nakatulog ito around 10 kaya iniwan ko na ito upang makapaghanda na rin sa pagtulog.
Paglabas ko ng silid ni Chiky ay bigla ako nauhaw kaya pupuntahan ko muna ang kusina. Madilim na ang paligid, malamang tulog na silang lahat kaya dumiritso na akong kusina upang makainon ng tubig. Tanging ikaw lang ng ref pagbukas ko ang nagsilbing liwanag sa kusina.
Kumuha ako sa ref ng malamig na tubig at nagsalin sa baso ng bigla ay may nakita akong nagiilaw na bagay, kinabahan ako dahil papalapit sa akin ang ilaw na iyun. May multo ba sa bahay na ito?
"Gising kapa?" Kamuntik ko ngabitawan ang baso at pitsil ng marinig ko ang mababang boses na iyun. Bigla naman ay nagliwanag sa kusina.
Napahawak ako sa aking dibdib sa kaba. Cellphone pala ni Rick ang nag iilaw, jusko mamatay talaga ako sa bahay nato.
"Namutla ka?" Tanong nito at kinuha ang ang baso sa kamay ko saka niya ininom.
Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Akin yun!"Thanks, nauuhaw na kasi ako." Sabi niya.
Napakurap naman ako. Hoy,Nasaan na ang boses ko? Tumakas na ba? Jusko puso magtigil ka hindi siya multo kaya kumalma kana!!
Tumikhim ako upang maibalik yung boses ko.
"Hindi ka makatulog?"
Tanong nito with those tantalizing eyes darted on me. Naku yang mga matang yan nakakatunaw talaga.Kumuha pala ako ng tasa sa cupboard, anong gagawin ko dito?
"Ahm, oo e. Magkakape lang sana."
Diba tubig yung kinuha ko? Bakit ako magkakape? Bonita, ayan na naman hindi na naman ako makapag isip ng matino kapag ang taong ito ang kaharap ko."Make it two please?" Sabi nito at umalis na sa harap ko.
Isang napakahabang hininga ang pinakawalan ko, what was that again? Naku Lian mapapahamak kana naman niyan.
Nalungkot ako doon. Paano kasi I lost my vcard because of that stupid heart broken na yan!! At sa taong hindi ko maalala, nakakahiya. At nagagalit ako sa sarili ko.
Nagtempla ako ng kape para sa aming dalawa at hinanap ko siya sa buong bahay, nasa balkunahe pala ito kaya pinuntahan ko at binigay ang kape niya. Umupo ako sa opposite na upuan at tumingala sa mga bituin.
Ang liwanag ng gabi, ang daming bituin at ang laki ng buwan.
"Natuloy ka pala sa pagpopulis."
Basag ko sa katahimikan namin, pero hindi ako tumingin dito baka magwala naman itong puso ko."Oo, natapus ko sa ibang university."
Simple nitong sagot."Sorry nga pala sa nagawa ko dati."
Tukoy ko sa pagka expel niya sa school namin, last chance na pala niya iyun sa dami ng gulong nasangkutan nito."Kalimutan na natin yun, we're just immature that time." Sabi nito habang nakatingala parin.
I just nod, siguro nga nakalimutan na nya pero ako ay binalot parin ng konsensya ng malaman kong na expel ito siguro ito na rin yung time na palayain ko ang sarili ko doon. May closure na yun, professional na nga siya diba.
I sip my coffee.
"Kumusta yung kaibigan mo?"
Bahagya akong tumingin sa kanya at lumingon naman ito."Hindi na siya nakalakad pa pero buhay na buhay, may pamilya na nga."
Magaan nitong sabi.Napuruhan pala talaga ito. Tumango lang ako at uminom ulit ng kape, ganoon din ang ginawa nito.
"Ahm, salamat nga pala at nakahabol ka sa dinner kanina. Sana dalasan mo para Kay Chiky."
"Anong koneksyon?"
Tanong niya.seriously?
"Dapat may father-daugther bond kayo kahit pa sa pagkain man lang." Sabi ko.
"Masaya naman siya kapag nandyan ka ah." Sabi nito.
naku mukhang sasakit ang ulo ko nito sa pagpapaliwanag. "Rick, kayo ni Chiky ang pamilya. Ako proxy lang, bakit mo ipagkakatiwala ang kaligayahan ng anak mo sa ibang tao kung pwede mo naman ibigay? Masaya si Chiky kapag may kahit kunting oras ka sa kanya." Uminit na talaga ang dugo ko sa lalaking ito.
"Look Julianne, busy akong tao at ginagawa ko ito para mabigyan siya ng maaliwalas na kinabukasan." Sabi nito na parang naiirita na rin.
"Nandoon na ako, pero isipin mo na hindi nalang ikaw ang tao sa mundo mo, may anak kana at dapat mo din siyang bigyan ng oras. Aanhin ba yang pagsisikap mo kung hindi naman pala masaya ang anak mo." Sabi ko, gumalaw na yung ugat ko sa leeg.
"Masaya siyang kasama ka, isn't that enough? Kinukumusta ko naman siya from time to time." Giit nito.
"Alam mo, ni hindi nga talaga ako ang kailangan ng anak mo kundi ang nanay niya ngunit wala. Ikaw lang ang meron siya palagi ka pang wala. Kahit ba isang oras sa isang araw ay wala ka noon para sa kanya? Isang araw sa isang linggo upang makapiling man lang siya? Lumalaki na ang anak mo at wag mong hintayin na tuluyan na siyang mawala sayo." Galit ngunit may diin kong sabi upang maintindihan niya.
Tumingin ito sa akin na blanko ang mukha.
"I know we have privacy terms, but this is not about us. Its about your daughter who needs your little time. Kung wala siyang Ina let it be pero wag naman sana na pati ama ay wala din siya."Yun lang at umalis na ako dahil may sakit ang bumalot sa aking dibdib ng may maalala.
❤pem
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...