kabanata 26

41.6K 1K 38
                                    


Rick's POV.

Parang piniga ang puso ko sa nalaman ko. Umiiyak parin ito matapos magkwento, hindi ko alam na ganito pala ang kanyang pinagdaanan at nagagalit ako sa aking sarili.

I ruined her.

Nakatulog ito sa kakaiyak kaya binuhat ko nalang ito patungo sa kwarto ko. I want to comfort her but how? Everything is ruined at ngayon ay binabagabag parin ito.

Tutulungan ko siya, this time hindi ako susuko.

Binuksan ko ang aking kabinit at may kinuha doong box. Naglalaman ito ng cellphone at sandals.

I'm sorry Julianne.

I texted Paulo na makikipagkita ako dito. Siya lang ang may alam tungkol sa akin.

Paulo:

Roof top.

Dito kami madalas magkita, sa rooftop ng kanilang building. Hindi kasi ito hinahayaan ni Evelyn na lumabas mag isa, kaya kapag kami ang magkikita ay sa rooftop lang nila.

I saw him with his wheelchair coming to me.

Naging embalido ito mula ng resbakan ito ng grupo ni Jordan, ang taong nambuso Kay Julianne dati. Ito ang grupo ng mga mayayamang mayayabang sa school dati at palagi kami nitong nagkabanggaan. Hindi tulad ko si Paulo, ika nga nila ay nerd itong tawagin. Pero siya lang ang taong umintindi sa akin noon kaya pinuprotektahan ko ito sa mga mayayabang na yun.

Binugbog ng grupo ni Jordan si Paulo noong pinagtataguan ko si Julianne dati, iwan ko ba sa babaeng yun at panay ang sunod sa akin. Hindi ko namalayan na pati pala si Paulo ay naiwala ko kaya nagkaroon ng pagkakataon sina Jordan na gulpihin si Paulo. Hindi kasi nila ako kaya, kaya si Paulo ang pinagbuntungan nila. Napuruhan ito at na ICU ng ilang araw.

Pinaghahanap sila ng batas ngunit naunahan ko ang mga pulis kaya gusto kong ipadama sa kanila ang ginawa nila sa kaibigan ko ngunit dumating si Julianne at inawat ako, nagdala pa talaga ito ng guards kung kaya ay napagsabihan ko ito ng masamang salita.

Dahil doon ay naexpelled ako sa school at nawala pa yung scholarship ko na tangi kong pinanghahawakan sa aking pag aaral.

I hate her so much.

Nakulong nga ang grupo ni Jordan ngunit hindi iyun mababalik ang mga paa ng kaibigan ko. Hindi na ito muling nakapaglakad pa.

Kaya ng makita ko ito sa bar isang gabi ay sinundan ko ito. Naglalasing siya,hanggang sa lumapit si Bruce. Oo kilala ko ang gagong iyun at marami na itong nabiktimang mga babae. Imbis na magalit ako dito ay kinabahan ako bigla baka matulad ito sa mga babaeng naisahan ni Bruce.

Sinundan ko sila hanggang sa labas, malayo lang at baka makita niya ako. Kung sasama ng matiwasay si Julianne sa kanya ay hahayaan ko pero kung pipilitin ito ay aalma ako.

At hindi nga ako nagkamali, Julianne is trying run from him pero naabutan parin niya ito at sinikmuraan kaya tumakbo na ako papuntang parking lot. Hinintay kong mailapag niya si Julianne saka ko ito pinagsusuntok. Wala pala itong binatbat e,limang suntok lang nakatulog na. Binuhat ko si Julianne upang ilayo sa lugar na iyun na wala ng malay pero hindi ko alam saan ito dadalhin. Hindi ko alam ang address nila, siguro sa isang hotel nalang at iiwan ko nalang ito doon.

Pumara ako ng taxi upang magpahatid sa malapit na hotel ngunit nang nasa loob na kami ng taxi ay nagkamalay ito.

"Ang init!" Sabi nito habang inaabot niya ang zipper ng kanyang dress.

"Anong ginagawa mo?" I said in horror.

"I'm taking off my dress, mainit!"
Sabi nito habang pinipigilan ko ang kanyang kamay.

"Manong pakilakasan ng aircon?"
Sabi ko sa driver at tumalima naman ito.
"Ayan, okay naba?" I asked her.

"Hindi sapat! I'm taking off my dress!"
She exclaimed.

"No!! Your not!"

Pagdating naming hotel ay walang available na mura na suit at hindi kakasya ang pera ko sa available nilang kwarto. Nagwawala na rin itong kasama ko at pinagtitinginan na kami ng mga guest kaya I left with no choice.

Dinala ko ito sa apartment na nirentahan ko. Pilit ko itong pinapatulog dahil alam kong lasing ito pero bukod doon ay alam ko din na may pinainom si Bruce sa kanya. Itinali ko siya upang hindi makagawa ng pagsisisihan niya kinabukasan ngunit maingay ito at masakit daw ang pagkakatali ko, alangan naman busalan ko ito e kawawa naman. Tinanggal ko ang tali upang manahimik ngunit sinunggaban ako nito ng halik.

Sobrang pagpipigil ang ginawa ko dahil ako ang nasa katinuan ngunit hindi ako Santo upang hindi tigasan. Julianne is very playful, she seduce me in so many ways kaya hindi na ako nakapagpigil pa.

Parurusahan nalang kitang babae ka. Ginamit ko ang galit ko sa kanya upang tugunin ang init ng kanyang katawan, tutal may atraso ito sa akin kaya sisingilin ko nalang.

I gave her what she wants, the most hot and steamy. Ngunit nanigas ako ng malamang birhin pala ito. Ninakaw ko ang puri niya, sigurado akong hindi niya alam ang pinaggagawa niya ngayon dahil lang iyun sa droga na nainom niya. Hindi lang isang beses ko itong inangkin, she is really horny. Hanggang kailan ba kasi ang epekto ng drogang iyun sa katawan niya.

Kinabukasan ay nauna akong nagising dito kaya naligo muna ako upang mag isip sa ipapaliwanag ko dito. Hindi ko siya tatakasan, hindi ako yun. Pananagutan ko ang ginawa ko sa kanya.

Paglabas kong banyo ay tanging pulang mantsa ng dugo ang nakita ko sa higaan, wala na ito. Ngunit naiwan doon ang sandals at cellphone niya.

Nagmadali akong sa pagbihis, siguro hindi pa iyun nakakalayo at hindi nito kabisado ang lugar marami pa namang tambay dito. Nagmadali akong lumabas at nagtanong tanong kung may babaeng nakaitim ang napadaan. Lahat sila ay tinuturo ang labasan Kaya tumakbo ako doon ngunit wala ito kaya nagtanong ulit ako at sumakay daw ito ng tricycle. Tumakbo ako hanggang sa sakayan ng taxi at tyempo namang pasakay na ito.

Hindi ko na siya naabutan dahil sumibad na ang taxi. Nanlumo ako, sigurado akong takot na takot yun.












❤5.07.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon