kabanata 10

45.6K 1.2K 13
                                    


Super enjoy si Chiky sa ginawa naming cupcakes, chocolate flavor ito at sa siya ang naglagay ng icing ayun sa kanyang gusto. May star,flower,dots,mat,smiley,trees at sun.
Ang likot ng isip niya, kung sa akin yun ay puro twirls lang.

Bawat step ay siya mismo ang pinagawa ko, of course with guide yun.kaya ang saya saya nito. At kinukuhanan kami ng pictures ni Nana Lorna. Natutuwa daw ito sa sigla ng bata. Dati daw ay nagmumukmuk lang ito. Minsan nga daw ay bigla nalang itong nagwawala habang nanunuod ng TV,yun pala may mommy yung bata sa pinapanuod nito.

"Sinasabi niyo po ba iyun Kay Rick?"
Tanong ko.

Nakatulog kasi si Chiky matapos niyang kumain ng limang cupcakes, siguro napagod din. Nilinisan ko nalang ito habang tulog kasi ang dungis nito sa ginawa namin.

"Oo, at wala akong ibang nakukuhang sagot kundi buntong hininga. Naawa ako sa bata. Kaya masaya akong nandito ka." Sabi naman nito.

"Hanggat kaya ko, gagawin ko po ang lahat maenjoy lang ni Chiky ang childhood niya, at sana rin maisip ni Rick na kailangan ng anak niya ang Ina nito. Kung hindi na sila magkabalikan ng mommy ni Chiky e mag asawa nalang siya ng iba."

Tumawa naman si Nana Lorna.
"Hay naku ija sa sobrang dedicated niya sa trabaho ay wala na itong oras sa mga ganyan." Natawang sabi nito.

Ano ibig niyang sabihin? Na umaasa pa rin ito sa nanay ni Chiky? Saan ba kasi ang babaeng yun? Ano kaya ang itsura niya? Siguro ang ganda niya kasi maganda naman si Chiky at hindi ito nagmana kay Rick.

Parang may pang hinayang naman akong nadama.

Ay naku echusira ka talaga Lian, magtigil ka nga!

"Nana hindi mo ba talaga kilala ang mommy ni Chiky?" Curious kong tanong.

"Kapitbahay ko ang pamilya ni Rick noon sa Rizal, at noong sabi ng mama niya na nangangailangan ito ng katulong sa Maynila ay sinubukan ko. Kailangan ko kasi noon ng mapagkakakitaan para sa anak kong nag aaral ng kolihiyo, magsasaka lang kasi ang asawa ko...pagdating ko dito ay nandito na si Chiky, isang buwan pa lang."

Diyos ko anong klasing Ina ang meron ang batang ito. Bagong panganak pa lang.

"...mula noon ay ako na ang nag alaga sa bata.Minsan ko na din tinanong si Rick tungkol sa nanay ni Chiky pero hindi pa daw niya ito nahahanap.Hanggang sa lumaki na nga itong si Chiky at ang kulit kaya nag dagdag si Rick ng isang katulong ngunit hindi matagalan ang ugali ng bata kaya umaalis din."
Patuloy nito habang na sa kamay ang tasa ng kape. Nasa may terrace kasi kami ng unit nila, nagpapahangin.

"Mabait naman po si Chiky ah."

"Naku ija, ngayon mo lang siya nakilala kaya ganyan ang masasabi mo. Naku nakikinig yan sa akin pero hindi sa mga bago niyang taga bantay. E hindi ko naman na kaya ang maghabol ng bata sa edad kong sesyinta ay masakit na ang tuhod ko." She chuckled.

"E sino po ba ang nagbantay Kay Chiky noong nawala siya?"

"Si Beth, dalaga yun at palaging nakatutuk sa cellphone. Hindi ko na mabilang kung pang ilang yaya na iyun ni Chiky kaya noong naiwala niya si Chiky sa mall ay hindi na ito pinabalik ni Rick. Naka leave ito ng ilang araw upang bigyan muna ng oras ang anak ngunit hindi naman ito kumain noong huli silang mag usap, palagi nalang itong umiiyak at kahit tubig ay hindi siya umiinom mas gusto daw nito ang mawala nalang. Minsan pa silang nagtalo at nabanggit ka noong bata, yun yung bago ito nadala sa ospital dahil nanghina na." Nakakalungkot talagang isipin na mas gusto nalang noon bata ang mawala kaysa mabuhay na walang nanay. Kulang din kasi ito sa atensyon ng ama, siguro kung mas naging ama si Rick ay hindi na maghangad si Chiky ng Ina.

Nakinig lang ako sa kanyang mga kwento,gusto ko rin silang makilala ng paunti unti.

Nag aral pala si Chiky ng preschool ngunit dahil na bully at wala din madalas si Rick para umatend sa kanyang mga school activities ay hindi na ito nagpatuloy. Mula noon ay mas lalo daw naging bugnutin ang bata.

Kawawa talaga ito, problema ng mga magulang ay nadamay siya.

Siguro kakausapin ko si Chiky na bumalik ng pag aaral baka pumayag na ito. Ako ang pupuno muna sa pagkukulang ng mga magulang niya, pero syempre unti untiin kong ipaglapit silang mag ama. Kailangan maisip ni Rick na mas importante ang anak niya kaysa sa trabaho niya.

Tinulungan ko si Nana sa paghanda ng hapunan, fried chicken at menudo ang niluto namin.

Tamang tama ang paggising nito tapos na kaming maghanda.

"Hindi ba natin hihintayin si Rick?"
Tanong ko sa kanila na ready ng kumain.

"Naku ija, wag ka ng mag abala. Walang eksaktong oras iyun kong dumarating."
Sabi ni Nana.

Ay ganon? Pati sa pagsabay sa pagkain ay hindi niya nagagawa. Tsk, wrong move Rick. Dapat e correct ko ito.

Nilagyan ko ng patatas ang pinggan ni Chiky kasi manok lang ang kinuha nito.

"Mom I don't eat veges."
Pag iinarte nito.

"You have to chiky, kasi madaming nutrients ang makukuha mo dito."
Sabi ko.

Lumabi ito, talagang ayaw kainin.
"Sige ka kung hindi ka kakain ng gulay kahit kaunti ay hindi ka rin pwedeng kumain ng fried chicken." Sana umubra.

Nag isip ito at tumingin sa manok na kinuha ko mula sa plato niya.

"Sige po. Pero kunti lang."
Sabi nito, kaya ngiting tagumpay ako.

"Masarap naman ito Chiky, try mo nga."

Kumuha ito ng isang slice ng patatas at isinabay sa kanin saka sinubo. Mataman itong nakatingin sa akin habang dahandahang ngumuya.

Unti unti rin ay para itong nasarapan.

"Masarap nga, its not bad like I thought."
Kumuha pa ito ng isa at isinubo ng walang kanin. Natuwa ako sa reaksyon niya.

First step tagumpay!

"Am I late for dinner?"
Anang baritonong boses mula sa pintuan.

Napalingon kaming lahat doon.

"Dad, your here!"
Chiky exclaimed.

"Yup." Lumapit ito sa amin.
" can I join?" Tumingin ito sa akin.

My face heat up.

"Of course." Tanging sambit ko, nanlamig ang mga kamay ko bigla.

Pumwesto ito sa kabisera.
Nilagyan naman ng kubyertos ni Nana ang pwesto  niya.

"Dad, I ate  veges. Its not bad, in fact ang sarap."
Masayang balita ni Chiky sa ama.

Lumingon muli ito sa akin, kahit hindi naman ako nakatingin ay Kita naman ito sa gilid ng aking mata.

"Great! I'm happy baby na kumakain kana ng gulay." Sabi nito na sa akin parin nakatingin. Hindi ko tuloy malunok ang kinain ko.

"And I made a cupcakes!"

At yun ang pumutol sa titig nito sa akin.

I just realized I held my breath for a minute.

Napabuga ako ng hangin. That was I don't know.

Mamamatay ako nito ng maaga.











❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon