We went to an OB after namin maconfirm na buntis nga ako. Sa limang PT kit ay two lines lahat at masaya si Nanay at Tatay, at ako? Excited so much, this time hindi ko ito itatago no matter what. Wala man kami ng tatay nito ay masaya ako na nabibigyan ulit ako ng pagkakataong maging Ina at hindi ko ito ikakahiya.The same hospital na pinagdalhan Kay Nanay kami pumunta sa OB ni Tita Anna.
"Hi Anna, are you pregnant again?"
Bungad sa amin ng Amerikanang doctora."Of course not, Melody is enough after all she is a menupousal baby." Tita said.
Marami pa silang pinag usapan bago ako naipakilala, dunudugo na yung ilong ko sa bilis nilang mag English. Nakakaintindi naman ako noh kaya lang hindi ako komportable sa pagkaslang nila ,hihi.
Kinuha niya ang personal info ko pati narin ang araw kung kailan ako huling dinatnan, kinuhanan niya ako ng bp at timbang, pati dugo. I also undergo ultrasound.
"The little one is seven weeks old. Wow! And its very healthy..." Amaze na sabi ng doctora habang kinalikot ang I sa aking loob, itinuro nito ang bilog na bagay sa monitor.
It's my baby!
Napaluha ako sa larawan ng aking anak. Bilog pa lang ito pero nararamdaman ko na siya. My blood and flesh. Dati hindi ko nakita ang larawan ng isa kong anak dahil kinuha ito agad sa akin, tanging two lines lang ng PT ang remembrance ko dito na nakatago parin sa loob ng drawer ko sa condo.
Ngayon pa lang ay excited na akong mahawakan ito at maalagaan.
I feel guilty sa nawala kong baby, nawalan ako ng chance naipadama ko sa kanya kung gaano ko ito ka mahal kahit pa isang gabing pagkakamali lang ito, its still my child.
Babawi nalang ako sa baby ko ngayon.
The doctor oriented me about my pregnancy since it is my second time at miscarriage ang una. Kailangan ko daw ng ibayong ingat sa aking movements,no stress at sa pagkain ay walang bawal hanggang seventh month. Mahihirapan daw kasi akong ilabas ang baby kung malaki. Kasi naman sinabi ko din sa kanya na ang takaw kong kumain.
May mga books din siyang nirecomend sa akin at mga exercise tips. And lastly ay binigyan niya ako ng resita ng vitamins ko at sa baby, pati gatas.
Masaya kaming umalis sa clinic nito at dumiritso sa pharmacy upang mabili ang mga vitamins. Si Nanay at Tita Anna ay panay ang bahagi ng kanilang pinagdaanan noong nagbubuntis sila.
Bago kami umuwi ay dumaan muna kaming pizza parlor kumain at bumili para sa mga naiwan sa bahay.
"O, kumusta? Malusog ba ang apo po?"
Nakangiting salubong sa akin ni tatay.Ngisi ang iginanti ko dito.
"Healthy si baby tay." At yumakap ako dito.Masaya.
Sobrang saya ko sa suportang natanggap ko mula sa pamilya ko. Nqipaalam narin daw ni tatay Kay Joshua na nagdadalantao ako at hindi na daw ito nagulat pa.
Nakakapagtaka naman yun.
Nagkwentuhan lang kami nila Nanay at Tita Anna tungkol sa pagbubuntis at paglilihi nila dati. Habang ako naman ay Kain ng Kain ng kung ano ano.
Naging matakaw talaga ako lately, hindi ako mapalagay kapag walang nginunuya o iniinom kahit alam kong busog na ako. Ang sarap lang talagang kumain, anyway hindi naman ako body conscious mula noon ay hindi ako nag dadiet o nag gi-gym. Bukod sa tamad akong mag exercise ay wala akong pera pang gym at grace talaga ang turing ko sa pagkain mula pa noon,syempre anak ako ng magsasaka kaya mahalaga sa amin ang pagkain hindi sinasayang yun. Ngunit ang bait ni lord na biniyayaan niya ako ng almost perfect figure, wala naman kasi talagang perfect ano. Pwera biro, maganda talaga ang katawan ko kahit hindi ko naman pinipigilan ang pagkain ng kahit ano.
But lately ay nahahalata ko na namimilog yung mukha ko at my kunting bumps na ako. Kung sabagay ay magdadalawang buwan na rin si baby.
I look myself in the full length mirror sa silid na iniukupa ko sa bahay ni Tita Anna. Naka bra at panty lang ako dahil magbibihis na ako for sleep.
I see changes in my body, lumalaki yung breast ko at may mga excess fats na din akong nakikita. Ganoon na ba katakaw? Dati kasi kahit malakas ako kumain ay three times a day lang e ngayon ay hindi na ako mapalagay kung walang laman yung bibig ko.
Hmm. Okay, basta para sa baby ko.
I wear a pair of pajamas kasi ang lamig talaga dito sa America kaya bye muna nighties. Pagkapis kung magbihis ay narinig kong may kumatok. Pinihit naman nito sa may ari nito.
"Tay, ikaw pala." Binitawan ko muna ang suklay at humarap ako.
Tumawag ang kapatid mo Lian at sinabing hinahanap kana daw ng mga kaibigan mo at ni.....Rick.
Biglang sumipa ang kabog sa aking dibdib ng marinig ang pangalan nito.
Bakit niya ako hinahanap? Hmmm kung sa bagay ay hindi ako nakapag paalam dito. Ngunit talaga bang yun lang ang kailangan nito o ibibigay na niya sa akin yung sahod ko bilang mommy for hire Kay Chiky.
My heart pound sa ideyang iyon. No, hindi ko matatanggap ang bayad niya. Simula't sapol ay hindi naman talaga ako magpapabayad dito ngunit ay napilit ako nito. Pero ayoko pa ring tanggapin ang pera niya kung sakali. I offer my time and effort freely sa anak niya at sa kanya. Kusang loob ko iyung ginawa at hindi dahil may sasahurin ako.
"Ano pong sabi niyo tay?"
Wala sa loob kong sabi.Nagkibit balikat si tatay.
"Sinabi kong kailangan ka pa namin dito." May munting ngiti sa labi nito.Masaya ako sa sagot ni tatay, totoo naman din ngunit bukod pa doon ay gusto ko munang magfucos sa pagbubuntis ko at susulitin ko din ang six months na tourist visa ko dito sa America.
Excited na akong ekwento sa mga kaibigan ko na buntis ako, alam kong magugulat na naman ang mga ito. Kaya bukas ay bibisitahin ko na ang mga social accounts ko at nang maipaalam ko sa kanila na masayang masaya ako despite sa pag alis kong sobrang lungkot at takot dahil sa lagay ni Nanay.
"Maraming salamat tay, yaan mo at bukas din ay kukuntak na ako sa kanila."
Nakangiti kong sabi at nad goodnight na dito.Hindi ko kailangang kabahan bukas, because they are my friends.
More like sister.
❤5.21.2017
Not reviewed, antok na ako. Spare with my mistakes guys.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...