Kinabukasan
"Rick?"
I heard Madeline says while I'm busy typing on my phone. Joshua texted me that Barry is already in the jail, nahulihan na naman ito ng druga sa kanyang bulsa at lately ay wala na naman ito sa katinuan. Nabahala ako na baka maalala nito ang tungkol sa banta niya sa akin lalo pa at nakakulong ito, baka kasi gagawa ito ng eksena upang mapansin lang.To: Joshua
Wag niyo nalang siyang pansinin, nababaliw na yun.
Agad kong tinago ang aking cellphone sa bulsa at tumingin sa banda ni Rick. He is already awake. Tumayo ako upang lapitan ito kahit na nauna na doon si Madeline.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" I heard her say again.
Hindi sumagot si Rick bagkus ay tumingin ito sa akin,parang hinaplos ng mainit na palad ang aking puso sa lambot ng kanyang tingin.
"Julianne..." Sa weakly said.
I half smile. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit may pumipigil sa akin at yun ay si Madeline na nakatingin din sa akin.
Suminyas ito na lumapit ako dito. Tumingin muna ako Kay Madeline lumambot naman ang mukha nito at yumuko at tumabi.
Lumapit ako Kay Rick at hinawakan ang kamay niyang inilahad sa akin. Ang lamig ng kamay niya. My heart start pounding.
"Kumusta ka?" I asked.
Hinalikan nito ang kamay ko bago sumagot. "Okay lang ako, malayo ito sa bituka." And he chuckles.
"Nagawa mo pa talagang magbiro ha... I'm so worried, you know." Nag alala kong sabi, and i almost cried.
"Ssshh...okay lang talaga ako, parte yun ng trabaho ko." Bumangon ito at umupo ng dahan dahan kaya inalalayan ko.
"Si Chiky?" He asked.Before I answer I drop a look at Madeline na nakatingin lang sa amin.
"Nasa condo, hindi pa niya alam ang nangyari sayo." Sagot ko."Sanay na yun, ilang beses na niya akong Nakita sa ganitong sitwasyon... Ikaw lang ang masyadong kabado." And he pinch my nose.
Laro lang ba sa kanya ang matamaan ng bala? Walangya.
Tinulak ko ito ng bahagya sa walang tama niyang balikat. Tinawanan lang niya ako.
Sandali kaming nagkatinginan. Nagpapakiramdaman at nagtatantyahan. Gusto kong magsalita ngunit ano naman ang sasabihin ko?
He sigh. "Pwede mo bang dalhin si Chiky dito?" Malumanay nitong sabi.
I feel a pang in my chest.
Tumingin ako Kay Madeline at ibinalik uli sa kanya. Just wanna confirm something. And he nod, alam kong nakuha niya ang gusto kong sabihin kaya tumango ito.
I nod two times para sumang ayon sa gusto niyang mangyari.
Ipapakilala na nito ang anak sa ina.
Bago ako tumayo ay pinisil nito ang aking kamay. "We'll talk after." Saad nito.
Mabigat ang loob kong pinihit ang siradura ng pinto pasara.
Mag uusap kami pagkatapos? Para ano? Para paalisan na niya sa buhay nila?
Hindi ko napigil ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. May nakita ako doong fire exit kaya pumasok ako doon at humagulgol.
Ang sakit, sobrang sakit.
Wala akong ibang ginawa doon kundi ilabas lahat ng sakit na Naramdaman ko ng mga oras na iyun. Nakakapatay sa sakit.
I stayed there for a couple of minutes bago bumyahing condo upang kunin si Chiky.
Nang makarating ako ay agad na yumakap sa akin si Chiky.
"Mom, is dad okay?"
Nag alala nitong sabi. Nasabi na siguro ni Nana Lorna ang nangyari Kay Rick dito.Lumuhod ako upang pumantay sa kanya."of course, your dad is a hero."
Ngumiti ito.
"Now go, take a bath because your dad has a surprise for you." Sabi ko dito na pilit pinapasaya ang boses ko.
"Really? What is it mom?"
Excited nitong sabi at nagtatalon na."Hindi na yun surprise kung sasabihin ko." Sabi ko dito."let's go prepare. "
Excited itong naligo, ang damit kong tinahi noong una ay iyun ang kanyang isinoot.
"I feel that this is going to be a big day, that's why I'm going to wear my favorite dress!" She exclaimed.
Masaya na malungkot ako. Yes, it is a big day baby and this would be the end of you calling me mommy. My heart sunk, I'm really going to miss them so much.
Isinama namin si Nana Lorna sa Hospital dahil gusto din nitong makita si Rick.
Nang marating namin ang ospital ay nakaramdam na naman ako ng sakit. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Chiky ngayon mahaharap na niya ang mommy niya.
Bago ko buksan ang pinto ay pinunu ko muna ang baga ko ng hangin, kakailanganin ko ito.
And when I open the door, para akong sinaksak sa aking nakita.
He's hugging her.
Yakap lang yun pero bakit ang sakit!
Naghiwalay sila ng mapansin ang aming pagpasok. Nagbaba ako ng tingin.
"Daddy!" Chiky run to him.
Napatingin ako dito, I saw Madeline cried. Siguro masakit din sa kanya ang tagpong ito na dinaanan lang siya ng anak niya.
"Hi sweetie," kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi, kung kaya ay nabahala ako sa kanyang sugat. Bahagya akong lumapit upang umalalay ngunit nginitian niya lang ako.
Napadapo ang tingin ng bata Kay Madeline na lumuluha parin ngunit nakangiti ng malungkot.
"Dad? Who is she?" Chiky asked kaya napatingin ako Kay Madeline. Tumulo naman ang mga luha nito. Kinurot naman ang puso ko sa awa sa kanya.
Chiky asked me to be her mom, pero ang tunay niyang Ina ay ni who is she niya, what a slap.
"Chiky, diba you kept asking about your mom?" Rick started.
Nakatutok lang ito Kay Madeline.
"She is your mom, I already found her."
He said. Para namang nanghina ang tuhod ko sa narinig kaya napaatras ako at humawak Kay Nana Lorna. Napabaling naman ito sa akin at nagkatinginan kami saglit.Wala akong narinig na salita mula Kay Chiky, tinatantya nya lang ang kanyang Ina.
"Aren't you happy to see her?"
He is chasing chiky's eyes."Her name is Madeline, and she is your mom." Masiglang sabi nito sa anak.
"My mom is Julianne, she left me and maybe she doesn't want me dad." Mahinang sabi ni Chiky na puno ng hinanakit.
"No.no.no.baby, hindi ko sinadyang iwan ka. It's for your own good." Umiiyak na sabi ni Madeline.
"Masaya na po akong wala ka, nandyan naman si mommy Lian." At bumaba ito mula sa pagkakakarga Kay Rick at tumakbo sa akin.
❤5.12.2017
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...