kabanata 12

45.6K 1.2K 11
                                    


Hindi agad ako nakatulog ng gabing iyun. I keep on crying ng maalala ang kahapon, alam kong napatawad ko na ang sarili ko dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari pero dahil lang din naman iyun sa kagagahan ko.

"Mom wake up!!"
Chiky is banging my door continuously. I have my head throbbing and my eyes we're aching. Ang hapdi ng mata ko dahil sa pag iyak kagabi.

"Mom the sun is so up!! Come on!"
She is still hitting the door, ang brutal naman ng batang ito.

"Sweety, she sleep late last night let her takes more minutes. Okay?"
I heard Rick's voice.

Napabalikwas ako, hindi ito umalis?
Pero ang sabi ni Nana Lorna ay kahit linggo umaalis ito? Naku paano ako haharap dito e napag sabihan ko ito kagabi, oh no!

I did a quick shower and put a light make up on my face. I wear a simple blue  T-shirt na may print na dalawang mata sa magkabila at faded jeans, para naman hindi ako mag mukhang manang sa susuotin kung glasses. Kapag ganitong mahapdi ang aking mata ay gumagamit ako ng eye glasses may kunti itong grado at tama lang din upang maitago ang kunting pamamaga nito.

Dahan dahan kong pinihit ang siradura ng pinto sa aking silid at nakiramdam. May tawanan akong naririnig mula sa dining at boses iyun ng mag ama.

Gumaan ang dibdib ko sa tawa ni Chiky, ang saya pakinggan. Sana magtuloy tuloy itong kasiyahan nila.

Tumuloy ako sa dining upang panuorin angvtawanan ng mag ama. Naabutan ko silang nasa hapag at kumakain.

"Dad sana mapanood ko na yung Boss Baby,maganda yun." Masiglang sabi ni Chiky.

"Bili tayo ng DVD." Sagot naman ni Rick na kasalukuyang kumakain ng Sandwich.

"Sa sinihan pa po yun dad."

"Ganon? E di nood tayo."
Sagot ng ama na matamang tinitigan ang anak.

"Really? ...You?... Will watch with me?"
Hindi makapaniwalang sabi ni Chiky.

"Sana, okay lang ba?"
Pagpapacute naman ng ama.

Sweet naman pala siya, bakit hindi niya iyun nagawa noon?

"Dad, this is the first time tatanggi ba ako? Okay na okay dad." She exclaimed and run to his dad and give him a hug and kisses.

Hinagkan niya ang ama kung saan saan sa mukha nito, niyapos din nito ang leeg na halos masakal na ngunit nakangiti ito.

Napangiti ako sa aking nasaksihan, Chiky is really happy. Kung ganito lang sana si Rick sa kanya, hindi na kami nagkita pa.

Nahagip ako ng paningin ni Chiky kaya binitawan nito ang ama at tumakbo sa akin.

"Mom, manonood kami ni dad ng sine. I'm so happy mom!!" She giggled at halos mapunit na ang damit ko sa paghawak niya. Patuloy parin ito sa kanya ng balita at ang dami pa niyang sinasabi.

I turn to Rick and I find him staring at me pero agad namang umiwas ng tingnan ko.

"Mom sama ka!"
Sabi nito.

Bigla akong na statwa. Ano to family bonding? Wag ka nga Chiky nakakahiya sa tatay mo.

"Pasensya na baby, nagsisimba kasi ako kapag Sunday." Saad ko at hinawakan ang mukha niya.

Nalungkot ito bigla at nakunsensya naman ako. Panata ko na kasing magsimba at magsindi ng kandila tuwing linggo.

"Then we'll go first to church saka na ang movie, okay ba yun?" Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. Ang ibig niyang sabihin e sasama ako sa kanila?

"Right! Its been a while since I went to church...yes,yes, thanks dad!!" Nagtatalon ito sa tuwa. "I'll go and change, mag breakfast ka muna mom."
Pasigaw nitong sabi dahil patungo na itong room niya.

I release a deep breath and start walking towards the dining table.

Pumwesto ako sa kaliwa ng bahage ng kabesira at nagsimulang mag hain ng sariling pagkain. Itlog, slice bread at bacon ang kinuha ko. Solve na ako sa ganitong almusal at isang baso ng gatas.

"Pasensya pala sa asal ko kagabi."
Sabi nito, hindi ko inasahan na kakausapin niya ako. I felt really awkward,nagsabihan ko siya na parang nanay niya. But Im just concern. Kung hindi ko yun ginawa malamang kami ni Chiky lang ang nandito sa hapag ngayon.

"I should be the one asking you that. Nakikialam na naman ako sayo, sorry."
Hinging paumanhin ko dito na nakatungo.

"No, nang dahil sa sinabi mo na realize kong napakaswerte ko Kay Chiky. Kahit pa ilang beses akong nagkulang sa kanya, hindi ito nagtanim ng galit sa akin....I am the worst father she had but she is still sweet in me every time na magtagpo kami dito sa bahay. Nagiging bugnutin lang naman ito kapag hindi niya ako nakikita at kapag tinatanong niya ang kanyang Ina na hindi ko masagot...kaya tama ka, mas kailangan niya ako higit sayo." Sabi nito.

Napatingin ako sa kanya at may biglang naisip.
"Hindi ka ba naging handa sa pagdating niya sa mundo mo?" Nagtataka ako, para kasing kahit ama naman siya nito ay parang may pagitan sa kanilang dalawa.

He look at me intently at kapagkuwan ay umiwas ito ng tingin.

"Sorry..." Nakialam na naman ako.

"She came to my life unexpectedly at nawala pa yung mommy niya. Lalaki ako at wala akong alam sa pag alaga ng bata, pero pinanindigan ko ang pagka ama sa kanya kahit pa hindi ko alam kung paano." Malungkot nitong saad.

Kaya pala. Nalungkot ako para sa bata, may mga bata talaga hindi nakaplano na bigla nalang itong dumating. Alam na alam ko yan dahil pinagdaanan ko na ang lahat ng yan.

Silence took over us.

"I'll help you Rick, kung papayagan mo ako." Lakas loob kong sabi. Ito narin siguro ang pambawi ko sa nagawa ko sa kanya dati.

He look at me. "Talaga? Bakit wala ka namang anak ah."

Bigla para akong sinaksak sa dibdib, insulto ba yun? Ang sakit eh.

Bumuga ako ng hininga.
"May...may anak yung kaibigan ko at walang ama Kaya kami ang naging kahati niya sa anak niya. Kahit walang ama si Jared masaya ito sa piling namin. Pwede ko iyung e apply sa inyu ni Chiky."

He smile at me for the first time.








❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon