kabanata 22

45.4K 1.1K 19
                                    


I texted Osang na dumating na kaming Laguna kasi hindi ito sumasagot sa aking mga tawag, siguro ay nag pahinga.

"Ito na ba si Chiky?" Tanong ni nanay na siyang sumalubong sa amin kasama si Josiah at ang aking sister in-law na si Daisy.

At talagang si Chiky ang unang napansin ni nanay, kung sabagay ang gandang bata nito.

"Opo nay." Sabay Mano at halik sa kanyang pisngi. Humalik din ako Kay Josiah at tumango Kay Daisy.

"Josiah!!" Maligayang bati ni Jared dito.

Gigil na tumawa naman ang pamangkin ko, may pagkamahiyain kasi ito.

Iniharap ko si Chiky Kay nanay upang makilala ng bata ang nanay ko.

"Chiky, she's may nanay Diday...siya si ate Daisy at mama siya ni Josiah."
Pakilala ko naman Kay Daisy.

"Josiah, ito si Chiky." Masaya kong pakilala sa mga bata. Tumitig lang sila sa isa't isa.

At natawa kami doon.

May tumikhim naman sa likuran namin at sigurado akong si Rick iyun.

"Ay! Nay si Rick po. Daddy ni Chiky... Rick, nanay ko...at ito naman ang asawa ng kapatid ko, si Daisy, si Josiah ang anak nila."
Sabi ko.

Wala akong nakuhang reaksyon Kay nanay pero nandoon naman ang kaninang mga ngiti niya. Nagmano naman si Rick dito na ikinagulat ko at pati si Chiky ay pina mano niya.

"Naku! Pagkagalang mo palang tao hijo."
Sabi ni nanay at may galak itong tumawa.

"Kasing edad niyo lang po ang nanay ko, ma'am." Sabi ni Rick.

"Naku, wag nang ma'am wala tayo sa opisina." Tumawa naman ito.

Ganoon talaga si nanay, ayaw niyang matawag ng kung anong pangalan bukod sa nanay. Maging sino ka man ay nanay ang itawag mo sa kanya kundi ay hindi ka niya papansinin.

"Nanay nalang... Halika kayo at naghanda kami nang pananghalian."

Nagpatiuna na si nanay at ang mga bata ay nagkasundo na pala, pansin kong may bitbit na laruang kotse si Josiah at paniguradong galing iyun Kay Jared. Napaka thoughtful talagang bata, everytime na sasama ito dito ay may pasalubong sa aking pamangkin.

I felt Rick's hands snake around my waist kaya napatingin ako dito.

"Ang tahimik dito, ang sariwa ng hangin nakakarelax." Sabi nito habang naglalakbay ang mga mata sa paligid.

Napangiti ako ang gaan na talaga mood niya. Siguro kung hindi ko nakilala ito noon sa pagiging basagulero at kagasapangan ng ugali ay iisipin kong ang sweet niyang tao kaya na co-confuse parin ako e kung Totoo bang si Rick nga ito. May kambal kaya siya?

Natawa nalang ako sa na isip ko. Baliw!

Busy si tatay at Joshua sa paghahanda sa mesa ng mga pagkain.

Nakakatawa talaga sila. Manang mana si Joshua Kay tatay na hindi hinahayaan ang asawa  na mapagod. Kaya naman kahit sa paghahanda ng pagkain na gawain naman ng mga babae ay ginagawa nila.

Ang sabi nga ni tatay ay hindi niya raw pinakasalan si nanay upang pagtrabahuin sa bahay, ang sweet niya noh? Kaya hanggat kaya niya sa mga gawaing bahay ay pinaghahatian nila iyun ni nanay, naiinis nga minsan si nanay dahil halos wala na itong gawin sa bahay. Kahit pagod si tatay sa bukid ay siya pa rin itong nagluluto sa bahay na nakasanayan nalang din namin.

Kami ni Joshua na nga lang ang trabaho ni nanay.

May tao pa kayang pareho Kay tatay at ng kapatid ko? Ang swerte ni Daisy dito.

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon