kabanata 28

43.3K 1K 18
                                    

Lian's

Nagising akong masakit ang ulo, nalasing pala ako kagabi.

Bumangon ako ngunit napansin ko ang kulay ng kumot.

Bakit navy blue?  E powder blue naman yung kulay nang kumot  ko ah. Nagpalit kaya si Nana Lorna?

I look around, only to that it's not my room. And then I saw Rick's graduation portrait.

It's Rick's room. I conclude.

Bakit nandito ako sa kwarto niya?

I check myself, I'm fully dress and I'm not sore. But why am I here?

I look at the other side but there is no trace of Rick. Hindi ba siya tumabi sa akin? Saan siya natulog kung ganoon?

Tumayo at lalabas na sana ng mapansin ko ang box sa sahig.

Gusto ko sana itong buksan ngunit nag alinlangan ako, ayoko ko ng makialam sa kanya.

Kaya lumabas nalang ako.

"Lian, tunawag nga pala si Rick at pinapasabing my operasyon sila."
Nana Lorna said while she's stirring the eggs in a bowl, maybe she's making an egg scramble.

"Ganoon po ba...e si Chiky po?"
Sabi ko habang inihanda ang mga kubyertos sa mesa. I'm still wearing my nighties under my robe. Tinatamad kasi akong maligo e.

"Tulog pa." Sagot nito.

Kaya pala hindi pa nangulit,pagod siguro sa biyahe.

Tumungo ako sa banyo at nagsimula ng maligo kahit ayoko.

As usual routine, I leave Chiky a set work para malibang ito kapag nagtatrabaho ako.

Hindi naman ako busy ngayon dahil kakatapos lang ng payroll. Pero hindi ako mapalagay, I always check my phone if there's a message from Rick which is very unlikely me. Madalas akong nakatulala na parang ang lalim ng iniisip e wala naman talagang pumapasok sa isip ko kundi si Rick lang.

Ano kaya ang nasa isip niya matapos malaman ang tungkol doon sa sekreto ko? Hindi ko kasi nakuha ang reaksyon niya dahil nakatulog ba ako sa kakaiyak.

At Bakit sa kwarto niya ako pinatulog?

"Mom are you okay?"
Chiky asked.

Kumakain kami ngayon sa isang fastfood ng lunch.

"Yeah, Bakit mo natanong?"
Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Your out of reach."
Napangiwi ito.

Natawa ako sa sinabi niya. Saan kaya niya nakuha ang salitang yun.

"Bakit out of reach?"
I asked her.

She shrugged and laughed smoothly.
"Narinig ko lang po Kay ate Precious kanina, out of reach ka daw po.he he."

Walangya talaga itong si Precious hindi ko lang nasagot agad kanina aa tanong niya ay kinakantyawan na pala ako.

Tinapos namin ang lunch na nagkukulitan, iniwaksi ko muna ang mga nasa isip ko. Nakakapangit na.

Pag uwi namin ng bahay ay sabi ni Nana Lorna ay umuwi na daw si Rick ngunit umalis ulit.

I waited for him that night. I felt longings for him.

I miss him.

That night I  slept in his room, nagbabakasakaling pag uwi niya ay malalaman ko ngunit hindi na naman ito umuwi.

Wala akong ganang kumilos ng umagang iyun, gusto ko na talaga itong makita.

"Iha, matamlay ka yata? Na miss mo si Rick noh?" Panunudyo nito sa akin. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Tawagan ko kaya? Hindi kasi tumawag e hindi pa naman umuwi." Sabi nito na may ningning pa rin sa kanyang mga mata.

Habang papuntang trabaho ay palaisipan parin sa akin ang tawagan si Rick. Nakakahiya naman kung ako pa talaga ang mauuna no.

Ngunit ringtone ko ang nagpakaba sa akin.

It's Rick calling.

Parang minartilyo sa lakas ng kabog ang dibdib ko kung kaya ay hindi ko ito nasagot. Nanghinayang naman agad ako.

Ngunit tumunog ulit at si Rick parin kaya sinagot ko na agad.

"Rick?"
Ang sakit ng dibdib ko,kaya tinabi ko ang sasakyan at bahagyang minasahi ang aking dibdib.

"Hi!" His baritone voice filled my ear.

Oh how I miss his voice so much. Para akong naiiyak doon.

"Rick, where are you? OKay ka lang ba?"
Taranta kong sabi.

"Yeah, I'm sorry hindi ako nakauwi. Hinahabol pa namin hanggang ngayon ang mga drug lord na matagal na naming tinutigis...but don't worry I'm fine. I'll be home in no time."  He said.

Kahit papaano ay napanatag ako.

"Ingat ka lagi, be home safe and sound."
Malungkot kong sabi. Hindi pa pala namin siya makikita.

"I will, may pag uusapan pa tayo pag uwi ko." Sabi nito.

Pag uusapan? Ano yun?

"Mom, can I talk to dad? I miss him." Chiky said and pouted her lips sadly.

"Chiky wants to talk to you, I'll hand her the phone..." I give the phone to her daughter.

"Uwi kana dad, miss na Kita....oo mabait naman ako. I will not make mom stress because of me...yes dad I'll watch over her.... No boys allowed....right!....I miss you dad." And she handed me the phone.

"Rick?"

"Julianne, I need to go. Mag iingat kayo ni Chiky." He said.

"We will, take care also... And..." I miss you. Gusto kong idugtong pero nahihiya ako.

"Okay, bye.... I miss you."
And he hang the call.

Nagwawala ang puso ko sa huli niyang sinabi.

I miss you more Rick.

Naging magaan muli ang pakiramdam ko, hearing his voice completes my day lalo na ang huli nitong sinabi.

Nakipagkulitan pa ako kay Chiky bago sinimulan ang aking trabaho, pati na rin si Precious ay binibiro ko dahil panay ang selfie nito sa kanyang outfit.

#ootd

Pauso talaga ang mga tao ngayon.

Around 10:30 ay may bisitang dumating.

Its Brett Walters, bagong may ari Montinola Corp na nagsusuply sa amin ng mga tela. His funny and very charming. Ngunit umaalma naman si Chiky dito. What's her problem?

Hindi ko alam kung anong drama ni Osang na nagwalk out agad, ang bitter niya talaga sa mga lalake. But to our surprise Brett walk after her. Ano kaya yun.

Nag liligpit ako ng gamit ng di ko sadyang matabig ang vase na nandoon sa gilid ng aking mesa at tumambol ang kaba sa aking dibdib.

''Mom!" Nagulat ako sa tili ni Chiky.

Nasa harapan ko na pala ito at malamang nagulat ito sa nabasag na vase.

Pinalinis ko sa utility ang nabasag na vase ngunit ang kaba sa aking dibdib ay hindi mawala wala.

Sasakay na sana kami ng  kotse nang tumunog ang aking cellphone.

Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumawag. Its Rick's number.

"Rick?" I answer.

"Nasa hospital si Rick, may tama siya ng bala." Sabi ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya.

Nanigas ako sa narinig at nabitawan ang aking cellphone. Takot ang lumukob sa aking pagkatao ng mga oras na yun.











❤5.10.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon