Inihatid ko muna si Chiky sa condo, hindi niya muna pwedeng malaman ang nangyari sa daddy niya I know she'll just cry.Alam na pala ni Nana Lorna ang nangyari Kay Rick, may tumawa daw doon landline.
"Ako na ang bahala Kay Chiky iha,mag ingat ka." Sabi ng matanda.
Kung ano anong rason nalang ang sinabi ko sa bata upang hindi na ito mamilit na isama pa.
Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko patungong hospital na sinabi ng kasamahan ni Rick.
Abot abot ang hininga ko ng marating ang ospital. May Nakita akong tatlong pulis doon kaya nilapitan ko agad.
"Sir, excuse me. Itatanong ko lang if kasamahan kayo ni Martinez?" I asked panting, kaba at nagmamadali ang halohalo kung nadama.
Lumingon sa akin ang pinakamayaas sa kanila. "Ikaw ba si Julianne?"
Nagkatinginan kaming apat bago ako sumagot. "Ako nga."
Lumambot naman ang mukha nito sa akin. "Nasa operating room pa siya, may tama ito sa balikat at tagiliran...halika ka." Iginiya nila ako patungo sa labas ng operating room. May nakita ako doon maputing babae na halata ang pag alala sa kanya ng mukha. May dugo sa kanyang puting T-shirt pati na din sa mga kamay.
"Miss Madeline, sumama po kayo sa amin sa presinto para sa mga katanungan." Sabi ng mas kalmadong pulis na sumama sa akin.
Tumayo ang babae at humarap sa amin.
Napakurap ako ng masilayan ang kanyang mukha.'Magkamukha sila ni Chiky'
"Paano si Enrique?" Tanong niya.
"Wag po kayong mag alala, nandito naman po ang girlfriend ni sir Martinez."
Itinuro ako nung nagsalitang pulis.Na flattered naman ako girlfriend nasabi nito.
Tumingin ang babae sa akin, walang expresyon. Bakit ano ba sa tingin niya ang makikita niya?
Tumango ito at nagbaba ng tingin.
Umalis ang dalawang pulis upang samahan si Madeline at nagpaiwan naman ang isa. Pinaupo niya ako sa may silya doon, nakatayo lang din naman ito."Siya lang ba ang natamaan?"
I asked him kahit hindi nakatingin dito.
Hindi parin ako mapakali sa pag alala dito."May mga kasamahan din kaming na daplisan at may isang nasawi...malaking sindikato kasi ang naengkwentro namin." Paliwanag nito.
Naawa ako sa nasawi at naisip ko Rick, muntik na rin ito. Tumahip na naman ang pag alala sa aking dibdib.
"E sino yung babae?"
I'm asking about the girl, Madeline. May hinala na ako ngunit gusto ko paring makasiguro, hindi na kasi ako makapaghintay na si Rick ang sasagot."Siya ang matagal nang hinahanap ni Martinez, matagal na naming target ang taong hawak sa kanya ngunit nagtago pala ito sa ibang bansa kung kaya hindi namin makita. Ngayong nakabalik itong Pilipinas ay agad na nakipag ugnayan si Madeline sa amin upang mahuli na ang grupo ni Gamulo dahil sinasaktan na siya nito. Kaya namin sila nasundan hanggang na corner na namin sila at nagkaengkwentro." Paliwanag uli nito.
I knew it, siya ang Ina ni Chiky. At talagang ibinuhis ni Rick ang kanyang buhay dito.
I felt insecure.
Ngayong nahanap na nabawi na nito ang nanay ng anak niya, what's the use of me? Matatapos narin ba ang pagiging mommy ko Kay Chiky?
Nasasaktan ako sa ideyang iyun. Kung kailan attached na ako sa kanila pareho. I love them both. Pero simula pa lang alam ko naman na darating ang panahon na ito. Hindi ko naman akalain na ganito pala kasakit.
Bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas doon ang doctor kaya tumayo agad ako.
"Doc, kumusta na ho ang pasyente?"
Agad kong tanong.May pinirmahan ito sa clipboard na iniabot ng nurse na sumunod sa kanya.
"Oh, the patient is fine. Natanggal na ang mga bala at wala namang tinamaang vital organs...ililipat na siyang private room at mamaya magkakamalay din ito, hindi naman kasi ito napuruhan." Nakangiti nitong sabi.
Nabunutan ako ng tinik sa sinabi nito. Thanks God, he is safe.
"Salamat doc."
Sabi ko.Nakangiting tumango ang doctor at nag excuse sa amin. Maya maya ay inilabas ni rin si Rick na nakahiga sa hospital bed na walang malay at may dextrose at oxygen na nakakabit dito.
He is helpless. Malayong malayo sa itsura niyang siryuso at palaging mapagmasid ang mga mata. Strong appeal kung baga.
Inihatid ito sa kanyang silid. Tumawag ako Kay Nana Lorna na OK na si Rick upang hindi ito masyadong mag alala. Tulog na rin daw si Chiky.
Bumili ako ng mga kakailanganin nito at mga prutas. Pagbalik ko ay nandoon na naman si Madeline at nakabihis na ito. May dalawang pulis din na nakabantay sa labas.
Napalingon ito sa akin ng pumasok ako.
"Hi!" Pilit na ngiti nitong sabi."Hello," sabi ko.
I felt awkward.
Inilagay ko sa may mesa ang mga pinamili ko at tinulungan naman niya ako.
At now we're sitting next to each other. Walang nagsasalita sa amin,nagpapakiramdaman lang.
She is really Chiky's replica. Mula sa mata, ilong at labi. Lalo na sa kutis, she is really beautiful. No wonder Rick fell in love with her at nabuo si Chiky.
Pero bakit ito sumama sa sindikato at iniwan si Chiky Kay Rick? Gusto ko sana siyang sumbatan sa lahat ng kapabayaan niya sa mag ama niya ngunit wala ako sa lugar. I'm just nobody, a hired mommy to be exact and anytime now ay pwede akong ma end of contract.
Piniga ang puso ko sa ideyang malapit ko na silang iiwan. Sa kunting panahon na kasama ko sila ay nawala ang pangungulila at konsensya ko sa anak kong nawala. Chiky give me the chance to be a mommy even for a short time.
Kailangan ko na bang iligpit ang mga gamit ko pag uwi ko?
Looking at Rick, ang sakit ng puso ko. Bakit pa ba tayo pinagtagpo muli kung ganito naman kasakit ang paghigiwalay natin? Muli ay para na naman akong pinapatay nito sa sakit. Pero hindi ko na gagawin ang pagkakamali ko dati, I already learned from it. Siguro lalayo nalang muna ako upang pahuhupain itong sakit na kailanman ay walang hustisya.
Kailan ba ako matututo na hindi ka talaga dapat mahalin? Bakit ba talaga ang tanga tanga ko pagdating sayo Rick?
This time we made a beautiful memories ngunit kapalit naman nito ay mawawala kana ng panghabang buhay sa akin. May pamilya kana at hindi ako hahadlang nito para lang ipaglaban itong nararamdaman ko.
❤5.11.2017
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...