Inihatid nga Kami ni Rick sa building namin at sinabing susunduin niya kami.He gave Chiky a kiss on the cheeks at umalis na.
Sa opisina ay binigyan ko agad si Chiky ng gagawin, may center table at sofa naman doon,kaya komportable naman ito. Before I start my work tinawagan ko muna ang sina nanay at pinaalam dito ang sitwasyon ko dahil gusto kong dalhin si Chiky sa probensya namin.
My family is very understanding, hindi nila ako tinanong nang kung ano ano bagkus ay inintindi nila ang sitwasyon ni Chiky kaya gusto nila itong makita. Noon pa man ay napakabait na nila nanay sa aming magkakapatid kaya ayokong suklian iyun ng mga katangahan at lalong lalo ayaw ko silang e disappoint.
Kaya nga hanggang ngayon ay ang bigat sa pakiramdam ko na kimkimin ang secretong ako lang ang nakakaalam. Kailan ba ako makakalaya sa nakaraang iyun.
Ngayon ihahatid ni Joshua ang sasakyan ko,ayus na kasi ito. Nakababata kong kapatid si Joshua, isang taon lang naman ang tanda ko dito pero mas nauna pang mag asawa.
Graduate ito ng agriculture kung kaya ay nasa amin lang siya. Yung pinakamalaking kong ipon dati ay binili kong lupa sa amin upang doon ay magamit niya ang kanyang natutunan although alam naman niya ito dati dahil magsasaka si tatay. Nag abroad din ito ng dalawang taon upang makaambag din sa pagbili ng lupa na dati ay sinasaka lang ni tatay sa aming kapitan doon.May farm na kami ngayon ng mga gulay at prutas. Kahit isa't kalahating ektarya lang iyun ay masagana naman.
Naisip kong hindi pala ako makakauwi ngayong sabado dahil kaarawan ng anak ni Toni at ako ang gagawa ng damit nito. Muntik ko ng makalimutan, kung hindi ko nakita ang picture ni Thea sa aking divider doon ay hindi ko maalala.
May na guhit na akong damit nito ngunit hindi pa naumpisahang tahiin. Naku, naging busy kasi ako Kay Chiky.
Inumpisahan ko na ang aking trabaho,maya maya ay tumunog ang buzzer hudyat na dumating na ang mga kaibigan ko. Hindi man kami nakikita na dahil may mga sarili ng opisina ay alam naman namin na dumating ang isa't isa.
Napangiti ako ng tahimik lang na nagsusulat si Chiky. Pina trace ko kasi sa kanya ang mga letters doon sa tracing book niya.
"Baby,just tell me if you're hungry,okay?"
Sabi ko.Ngumiti naman ito sa akin.
"Yes mom."Hanggang sa nalibang na ako sa aking trabaho. Paminsan minsan ay pumapasok si Precious ang aking secretary kapag may pinapapirmahan at binibigay na mga folders.
Around eleven ay tumawag si Joshua na nasa baba na siya ng building namin. Kaya iniwan ko muna si Kay Precious, pumayag naman ito.
Nasa may receiving ng showroom namin ito naghintay.
He handed me the key.
"Maayus na yan,pina overall ko narin."
Saad nito."Salamat,tol. Yung bayad pala?"
Tanong ko."Iniawas ko nalang sa parte mo doon sa Kita natin sa farm, malakilaki din naman ang Kita ngayong buwan.'' Sagot nito.
" ganoon ba, sabi ko naman na kina tatay na yung parte ko.'' Natatawa kong sabi.
"Alam mo naman si tatay,hanggat kaya niyang kumita ay hindi iyun tatanggap mula sa atin. Kaya divide three yung partida natin sa sakahan para may kikitain siya, wala naman daw silang pag gastusan ni nanay. Ginawa nalang din niyang exercise ang pagtatanim doon sa lupa natin." Ngumiti ito. Joshua is very charming, kahit may kaitiman ito dahil nasa field ito palage ay hindi pahuhuli ang kagwapuhan nito.
"Naku, ito talagang si tatay ma pride masyado." Ang parte ko sa farm namin ay inilalaan ko kina tatay, separate account yun sa Kita ko dito sa negosyo naming magkakaibigan. Matanda na kasi sila at hindi natin alam ang panahon baka magkakasakit ang mga ito,which is hindi ko ipinagdasal.
"Teka,uuwi kaba ngayon sabado? Na miss kana nila hindi ka kasi dumating noong birthday ni Josiah.'' Tanong nito.
" sa susunod na, kaarawan kasi ng anak ni Toni ngayong linggo. Alam mo naman na may pre birthday celebration kapag ganoon."
Pre-birtday celebration, yun yung mga kakilala at mga kapitbahay ang mga bisita at ang birthday mismo ang siyang sa pamilya at kaming mga kaibigan lang ang nandoon. Mostly ay out of town iyun.
"Kaw ang bahala, sige hindi na ako magtatagal naghihitay yung driver ko sa labas may hinatid din kasi itong mga prutas sa may BGC bagong fruit stand."
Sabi nito."Lunch muna tayo?"
"Wag na tol,wala kasama yung driver ko. Sige mauna na ako.'' He gave me a hug and I tap his back gently.
Nang bitawan ko ito ay may bigla namang humawak sa braso ko kaya napatingin ako dito.
" Rick?"
Ang sama ng tingin nito sa kapatid ko.
"Oops...got to go tol." Sabi ni Joshua at tinalikuran na kami.
I turn to him only to find his furious face.
Ano bang problema ng taong ito."Anong ginagawa mo dito?"
"Sino yun?" May iritasyon sa kanyang boses.
"Si Joshua?" Saad ko ng tumingin ito sa dinaanan ng kapatid ko.
"Joshua,huh."
He smirked."Yeah, anong problema mo sa kapatid ko?" Nagtataka kong tanong dito.
Napakurap naman ito at bigla ay nagbago ang facial expression nito.
"K-kapatid mo?" Maang nitong sabi."Bakit? Inakala mo ba na boyfriend ko yun?... Magkaiba kami ng kulay pero magkahawig naman kami noh!"
Naiirita kong sabi. I never had a boyfriend because of you, moron!Lumambot naman ang mukha nito. What was that Rick? Please don't make me hope.
My heart crumpled.
"I'm sorry."
He's sorry? Magugunaw na ba ang mundo?
Napakurap ako.
Erase. Guni guni mo lang yun.
"Anong ginagawa mo dito?"
He put his hands in his pocket.
"Ahm...I just wanna invite you and Chiky for lunch..." Parang nahihiya nitong sabi.
"Hindi ka busy?"
"Ibinigay ko na ang ibang cases sa mga ka team ko...at wala pa naman information sa mga kasong hawak ko kaya hindi pa masyadong busy."
Great. Talagang tutuhanin na niya.
"That's right,sige kukunin ko lang si Chiky sa taas at lalabas na tayo. I'm sure matutuwa yun." Masaya kong sabi.
Masaya ako sa pagbabago niya,lalo na sa anak nito.
❤pem
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...