kabanata 39

46.8K 1.1K 28
                                    


Julianne

Nagulat ako ng bigla nalang itong nanghina sa harapan ko, buti nalang at nahawakan ng mga lalake ang braso at pinaupo sa pinakamalapit na bench.

"Sabi ko na e." Narinig ko si Amber.

"Paypayan niyo!" Si Toni na nataranta.

"Naku, halik ng tunay na pag ibig ang magpapagising niyan! Who!" kantyaw ni Theo.

Sinapak naman ni Toni si Theo sa braso na ikinangisi lang naman nito.

Ano bang nangyayari? Diba ako ang dapat magulat? Bakit siya nandito? Nasaan si Chiky?

I startled when the baby kicked inside my tummy kaya napahawak ako dito.

O God! Narecognize mo ba ang papa mo baby?

"Okay ka lang?" Nag alalang sabi ni Osang na dinaluhan agad ako, pati na rin si nanay at tatay.

Ngumiti ako sa kanila.

"Sumipa lang si baby."

Sabay sabay naman silang napabuga ng hangin at napangiti din.

Nakita kong biglang tumayo si Rick ngunit huminto din at Kumalma.

"Dude,relax!" Natatawang sabi ni Dwight.

Bumilis ang pintig ng puso ko, inakala mong may nag karera dito. For how many months, nagkita ulit kami kaya hindi ko maiwasang mapaluha. Mula kasing magbuntis ako ay ang bilis ng switching ng emosyon ko.

I just really miss this man.

Napansin kong umayos ito at tumikhim.

"I'm sorry.... Ahm, kumusta po kayo Nay Diday, Tay Fredo..." Nahihiya nitong bati.

Nagkatinginan naman si nanay at tatay sa turan niya, alam kasi ng mga magulang ko na siya ang ama nitong pinagbubuntis ko. Kaya namula nalang ako.

"Maayos naman kami, ijo...teka nga,ano ang ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni nanay na gusto ko din sanang itanong kanina pa.

Bigla namang naiba ang reaksyon nito, ang hiya ay napalitan ng takot. Nagpalipatlipat ang tingin nito sa akin at sa mga magulang ko. Ang mga kaibigan ko naman ay relax lang, parang nanood ng pilikula.

Tinanggal ko ang sarong na nakabalot sa ulo na nakapalibot din sa aking leeg. Ginamit ko ito kasi tumaba na talaga yung mukha ko, actually ay buo kong katawan,ang takaw ko parin kasi.

"Ahm... Sumama..po sa.. Pagsundo sa inyo?" Halata ang kaba sa kanyang mukha, ano bang nangyayari sa lalaking ito? Kailanman ay hindi ko ito nakitaan ng ganoong mga reaksyon.

Nagkatinginan kami ni nanay.
"Nasaan ang asawa at anak mo?"

He again clear his throats.
"Wala po akong asawa nay..."
Awkward nitong sabi.

Walang asawa? E si Madeline?
Nagtaka man ako ay may bahage sa akin ang naging galak sa sagot nito.

"Akala ba namin ay nakita mo na ang nanay ng anak mo? Anong nangyari?"
Gusto kong sitahin si nanay sa pag usisa nito kaya lang ay gusto ko din naman malaman.

"Ah,kasi...ahm pwede po bang makausap muna si Julianne?.... May mga gusto lang ...sana akong linawin muna sa kanya bago po sa inyu lahat." Tumingin naman ito sa aming lahat.

Natahimik ang lahat at naging seryoso ang mga ito. May mga kanya-kangyang konklusyon ang kanilang mga tingin.

"Naku! Alam mo naman na buntis yung anak-"

"Wala pong problema pananagutan ko po sila tay Fredo." Putol niya sa sasabihin sana ng tatay ko. Tumapang ito.

"Paano mo naman na si siguro na sa iyo nga iyan?" Uminit ang mukha ko sa sinabi ni tatay, Nakakahiya.

"Dahil ako lang po ang lalake sa buhay ni Julianne." Agad naman nitong sagot sa mas seryosong paraan. Napatingin naman ako sa mga mata niya at muling tumulo ang aking luha. Nakagat ka ang aking labi.

Pananagutan niya kami? Siya lang ang lalake sa buhay ko?

Ang init ng dibdib ko, halo halong emosyon ang naglalaro dito.

"Kung ganoon, hihintayin namin kayo bukas ng umaga sa Laguna." Maawtoridad na sabi ni tatay.

--

Hindi ko namalayang kami nalang palang dalawa ang natira. Matapos ang hinandang munting salo-salo ng mga kaibigan ko sa nireserved nilang restaurant malapit sa airport ay nagsiuwian narin sila. Nagkasundo na lamang kami na magset ng date para sa mas mahabahabang kwentuhan.Dumating naman ang kapatid ko upang sunduin sila nanay. Nagtaka nga ito na hindi ako sasama sa kanila sa Laguna ngunit pinagsabihan nalang ito ni nanay.

"Hey!"
Napatingin ako dito.

He look into my eyes and then to my tummy. Napahawak ako dito at tumingin sa nakaalpas kung tiyan.

"Pwede ko bang hawakan?"
He said in a very fragile emotion.

I wanna cry, hindi ko kasi inasahan ito kaya tumango ako.

Agad kong nadama ang init ng kanyang mga palad sa aking tiyan. Hinimas niya ito ng marahan, napapikit ako.

Hinawakan niya ang mukha ko at tinuyo ang mga luha doon.

"I'm sorry..."
Sabi niya sa pinaka among mukha. I saw a tear escape from his eyes. "Sorry dahil ngayon lang ako...sorry."

Tumango ako, masaya ako at alam niyang sa kanya itong pinagbubuntis ko pero paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman?"

"Ako lang naman ang nagmamay ari sayo diba?" May pagmamayabang nitong sabi.

Wow ha!

Namula ako sa sinabi niya, lakas din ng apog ng taong ito.

"...tama naman ako diba?"

Ahh. Akala ko sa sinabi ng mga kaibigan ko. Pero at least alam niya sa sarili niya.
Natuwa talaga ako sa nalaman ko.

"Paano si Madeline at Chiky?"
May kaba kong sabi.

"Can we about it later? Sa bahay." Sabi niya sabay haplos uli sa tiyan ko.

"Gusto pa sanang kumain, can't you see? Ang taba ko na kasi pagkain lang yung nasa isip ko." Nakanguso kong sabi na ikinatawa niya. Kahit katatapos lang namin kumain ay gusto ko parin.

Dinala niya ako sa isang cafe at kumain doon.

"Mauubos mo ba ito?" Bumilog ang mga mata nito sa pagkaing nakahain.

"Kinakantachawan mo ba ako?"
Naiinis Kong Sabi, ang baboy ko na ba?

"Hindi!...sige kumain na tayo."
Bawi nito agad. Umorder narin siya dahil sinabi ko. Alagan naman ako lang kakain.

Kumain kami ngunit panay parin ang tingin nito sa akin. Binaliwala ko nalang basta gusto kong kumain.

Pagkatapos  namin nagsnacks ay pareho kaming tahimik.

"Saan si Chiky? Bakit hindi mo siya sinama?" Basag ko sa katahimikan.

"Na Kay Madeline." Simply niyang sabi.
May kirot akong nadama, am I intruding his family?pero bakit siya nandito?
"Ahm.Julianne, Chiky is really not my daughter."

Napatingin ako bigla sa kanya.
Ginagap niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.

"Anak ito ng kasamahan ko sa trabaho at ni Madeline. Nang araw na pinangnak ni Madeline si Chiky ay kinuha siya ni Gamulo, may malaking gusto kasi ito Kay Madeline. Nang araw ding iyun na patay ang kaibigan ko sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit pero bago pa ito binawian ng buhay ay pinagkatiwala niya sa akin si Chiky at ang paghahanap Kay Madeline.... " that  makes the story started. Hindi ako makapaniwala na hindi pala niya anak si Chiky, kaya siguro malayo ang loob nito sa bata dati. Pero nakakamangha parin ito,sa kabila ng lahat ay inalagaan niya parin ang bata at naging binatang ama. I remember how I hated him for not doing the father thing to Chiky yun pala ay hindi talaga ito handa.



❤5.25.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon