Humingi ako ng paumanhin sa pamilya ko ng hindi ako natuloy kahapon sa birthday ng pamangkin ko,sinabi ko rin sa kanila ang aberya na nangyari sa akin pati na rin ang tungkol Kay Chiky.
After the call from my mother I went back to bed. Hindi parin maalis sa isip ko si Rick at Chiky.
Sa mga lumipas na taon hindi ko naisip na maari pa kaming magkita ni Rick although we're living the same city, masyadong malawak ang maynila para sa aming dalawa hindi ko rin alam kung issue pa ba sa kanya ang nangyari sa amin years ago.
Para sa akin gusto ko na itong ibaon sa limut kasi yun ang una kong heartbreak at malamang katangahan yun kasi wala namang kami at kung makaiyak ako ay wagas,nahihiya ako sa pinag gagawa ko dati.
Nakatulugan ko ang pag iisip ng nakaraan. Kulog sa tyan ang pumukaw sa akin nang tanghalian. Bumangon ako at nagbihis. Tutal ay linggo magsisimba ako at mag gagala nalang, nakakalungkot sa bahay at isa pa ayokong mag isip ng mga bagay na hindi dapat.
I wear something comfy clothes, kumain muna ako sa isang fast food chain, mas gusto ko ang mga ito keysa restaurant mahal kasi.
After eating ay dumaan muna ako sa simbahan, nagsindi nalang ako ng kandila kasi mamaya pa mag uumpisa ang misa.
Naglakadlakad ako sa mga sidewalks, diko rin feel mag mall kaya hindi na ako pumasok sa mga nadaanan kung mall.
Maraming tao ang mga. Nakakasalubong kasama ang kanilang pamilya, linggo kasi kaya may panahon sila. Napadpad ako sa isang parke kaya naupo ako doon.
Maraming bata ang naglalaro at naaaliw ako sa kanila. Mahilig ako talaga sa mga bata kaya dati bukod Kay Toni at Osang ay ako palagi nakatuka Kay Jared noong baby pa sya. Si Amber kasi busy sa mga designs nya pero okay rin naman sya Kay Jared.
May nakita akong bata na kasing edad ni Chiky Kaya bigla ko itong naalala. Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Nangako pa naman ako sa kanya na kakausapin ko ang daddy nya at bibisitahin ko sya minsan pero hindi ko yun nagawa. Nawala lahat ng dterminasyon kong tulungan ang bata ng malaman ko kung sino ang ama nito, bigla wala akong masabi.
I'm sorry Chiky.
Paniguradong ayaw na ng daddy mo ang magkita tayong muli. Nasasaktan ako sa isiping iyun, gusto ko talaga syang tulungan. Diba kapag bata masaya lang dapat? Pero ang lungkot nya,ramdam ko talaga. Hindi parin ba nagbabago si Rick? Wala parin itong pakialam sa ibang tao bukod sa matalik nyang kaibigang si Ronni. Silang dalawa lang talaga ang palaging magkasama dati pero hindi naman bad boy type Ronni, nerd nga ito pero nagclick sila.
Napabuntong hininga ako, paano ba ako makatulong sayo Chiky.
Naalala ko sinabi nyang taga BGC sila kaya dali dali akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa BGC.
Ang daming condominium doon, alin kaya dito ang sa kanila.
Nag lakad lakad muna ako upang magbabakasakaling makita ko si Rick o Chiky. Paikot ikot ako doon pero hindi talaga ako nabigyan ng pagkakataon na makita uli ang bata. Kaya nang dumilim ay umuwi na ako.
Uminom ako nang gabing iyun upang makatulog ako agad, baka kasi mag iisip na naman ako.
Kinabukasan,hang over. Ang sakit ng ulo ko,halos naubos ko pala ang isang bote ng Bacardi mojito , hindi kasi ako mahilig uminom kaya natamaan.
Para akong zombie sa trabaho buti nalang at hindi masyadong problema.
Ang dating 3floor building naming tailoring shop ay limang palapag na, may bagong mga tauhan narin kami at nagmamanage nalang,thanks to Amber tinulungan kami ng asawa nya upang mas lalong makilala sa lipunan.
Isa na nga itong kompanya ng clothing line at sa finance department ako na assign.
Perma dito, perma doon lang ang ginawa ko sa araw na ito. Ang secretary ko na ang pina asikaso ko sa bangko,ang sama talaga ng pakiramdam ko.
Nang pauwi na ako ay nakita ko ang anak ni Toni na dala pala nya nasa may lobby sila.
"Hi baby Thea!!" Sabay kuha ko sa mga bisig ni Toni at kinarga.
"Bakit di mo sinabing dinala mo pala?"
Nakanguso kong sabi."Hindi naman talaga,si Theo ang kasama niya sinundo lang nila ako."sagot nito.
Ngayon ko lang napansin na nandoon pala si Theo at may nakasabit na diaper bag sa balikat. Dalawang taon na si Baby Thea at hindi mo aakalain na premature kasi ang taba nya at gandang bata.
" naku! miss ka ni ninang Lian Thea." Sabay halik ko dito.
"Mag asawa ka narin kasi." Sabi ni Theo.
"Bakit available pa ba si Topher?" Tukoy ko sa kapatid nyang musician. Gwapo rin kasi yun, crush ko nga ng kunti.haha.
"Wag ka ng umasa doon, walang direction ang buhay noon."
May tawa ng sabi."Kaya ko naman syang buhayin!" Pagbibiro ko.
"Marunong ka bang kumanta? Kung hindi bagsak kana sa standards non."
Sagot nito.Ngumuso ako.
"E pinsan meron ka ba dyan?"He just shrugged. Walangya ang ilap ng mga lalaki.
Habang inaaliw ko si Thea ay may pumasok sa isip ko bigla.
"Ano kaya kung magapabuntis nalang ako, naligaw kasi si Mr. Right baka abutin ako nito ng menopausal kakahintay." Pag iinarte ko.
Binatukan naman agad ako ni Toni.
"Sira! Desperada ka ba?...wag mong gawin yan malilintikan ka talaga sa akin." Pinandilatan naman ako ni Toni.Maganda naman ako ah, bakit walang nagkakamali sa akin? Ano bang mali sa akin?
Napansin ko ang damit na suot ng anak ni Toni, naisip kung gumawa uli ng mga damit pambata. Mahilig kasi ako noon dati kaso mula ng mag expand kami sa negosyo ay wala na akong panahong gumawa pero ngayong stable na ito ay pwede ko na ulit simulan.
Tama at si baby Thea ang gawin kong insperasyon o pwede rin si
Chiky.
Bago umuwi ng condo ay dumaan muna akong National bookstore at bumili ng sketch pad at pencils.
Excited akong umuwi ng bahay upang maumpisahan ang naisip ko.
❤ pem
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...