kabanata 40

50.6K 1.2K 55
                                    


"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang kalagayan mo?" Mahinahon nitong.

Napayuko ako, after he told me everything about Chiky ay natahimik na naman kami.
"Natakot kasi ako na baka makasira sa binubuo mong pamilya, hindi na nga sana ako babalik dito kung hindi lang dito ang buhay namin." Sabi ko.

"No! Wag mong gawin yun, baka matuluyan na ako Julianne." Nagsusumamo nitong sabi. My heart melt. Totoo ba itong sinabi niya?

Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mula ng umalis ka, nawalan na ng saysay lahat ng pinaghirapan ko. Minadali kong hanapin ang mommy ni Chiky upang magkaroon tayo ng pagkakataon pero tulad ng dati iniwan mo na naman akong walang pasabi." Sabi nito habang hinawakan parin ang kamay ko.

Iniwan ulit? Diba nga tinaboy niya ako dati? He doesn't want to see me, pero ano itong sinasabi niya?

"Hindi Kita iniwan dati, itinaboy mo ako Rick." Mabigat kong sabi ng maalala ang mga panahong iyon.

"May kailangan kang malaman. Sumama ka sa akin condo sasabihin ko sayo lahat, kaya mo pa ba?" May pag alala nitong sabi.

"Ang Totoo niyan, gusto ko sanang mag pahinga..." Saad ko, parang nakakastress na kasi. Galing pa kaming biyahe at may mga rebelasyon pa.

Hindi ko itatangging masaya akong malaya pa si Rick, may pag asa akong nadama para sa amin ng baby ko. I can feel his long for me or am I just assuming things?

''You can rest sa condo, pinalinis ko na yun magiging komportable kayo ni baby."
Maamo nitong sabi.

Oh. How I love hearing it.

But before anything else, may gusto lang akong linawin tungkol sa ginagawa niya.

"Why are you doing this,Rick?"

Napakunot naman ang noo nito.
"Diba ito naman dapat?"
May pag alinlangan nitong sabi.

"Bakit?dahil ba buntis ako sayo?"
Nanubig ang mga mata ko, takot sa maari niyang isagot.

"Of course not, Julianne, I love you... I want to have a family with you...naging masaya ako noong tayong tatlo ni Chiky lang, ayoko ko na ngang matapos yun pero hindi naman talaga atin si Chiky kaya nga isinauli ko siya sa mommy niya dahil gusto kong bubuo tayo ng atin kaso umalis kana naman. But now you're here..." Puno ng pag asa nitong sabi.

He loves me? Sinabi niya yun?

"Mahal mo ko?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

He cupped my face.

"Matagal na, hindi ko lang agad napangalanan...Julianne, I'm sorry for what I've caused before. Nagiguilty ako sa nangyari sayo noon." Madamdamin niyang sabi na nagpaiyak sa akin.

He loves me, really. Yun lang ang klaro sa lahat ng sinabi niya.

"Please don't cry, mas lalo akong nagiguilty. I won't make you anymore, kaya ako nalang sana uli." Hinalikan niya ang kamay ko at lumapit upang mahalikan ang noo ko.

"Hindi lang ako makapaniwala na sinasabi mo yan...Am I the last woman you've seen?"

"Ikaw ang kahulihulihang babaeng gusto kong makita...bago ako matulog sa gabi." Hinalikan niya muli ang noo ko pababa sa ilong at sa magkabilang pisngi.

My tears won't stop because of the happiness that wraps me. Hindi ko maisatinig kung gaano ko din siya ka mahal at ka miss. I'm speechless.

Umuwi kami sa condo niya na puno ng kasiyahan ang aking puso. Napag usapan din namin ang tungkol sa baby at sobrang excited niya na malaman ang gender nito. Hinalikhalikan pa nito ang tyan ko kaya ito sumipa.

" gumalaw siya!" Galak nitong sabi, halos makikita mo ang mga ningning sa kanyang nga mata.

"Nakikilala niya ang daddy niya..." Sabi ko.

"Daddy? Daddy na talaga ako!"

Natawa ako sa sinabi niya." Sira! Matagal ka ng daddy ni Chiky, no!"
Sinapak ko siya sa braso bago lumabas ng elevator sa tamang palapag ng unit niya.

"Oo nga pala, matagal na akong daddy sa nawala nating baby..." Malungkot nitong sabi na ikinagulat ko.

"Ano?" Bigla ay may takot akong nakapa sa aking puso.

"Halika, ipipliwanag ko." Sabi nito at iginiya ako sa loob ng kanyang unit.

I felt like home,how I miss this place with them.

My eyes traveled around the place, malinis  at may konting mga pagbabago. Ang kurtina ay hindi na asul kundi ay berde,at ang mga kagamitan ay halatang ni-rearrange.

"Pina room service ko kanina at may mga binago lang ako sa arrangements, I hope you don't mind."

Ha? Bakit kailangan pa ang opinyon ko?
Napakunot ang noo ko ng makita ang box sa ibabaw ng center table, ito yung box na nakita ko sa silid niya dati. Nakalimutan kaya niyang iligpit?

"Para saan tong box?" Nagtaka kong tanong.

He wrap his hands around my belly and rested his chin in my shoulder.

"Open it! See for yourself..." Bulong niya.

Surprisa? Naghanda siya? Talaga?

Excited kong hinawakan ang takip ng box, ano kaya ang laman, talagang nakapaghanda pa siya ah.

Ngunit nawala ang ngiti ko ng mabuksan ko ito at makita ang laman.

My phone and my stilettos. Nanlamig ako ng maalala na naiwan ko ito sa apartment kung saan ako nagising na wala na ang puri ko.

Pinuproseso ng utak ko kung paano ito napunta sa kanya.

Pinaharap niya ako sa kanya. I look into his eyes, and all I can see is sorry.

"Anong nasa isip mo?" Marahan nitong tanong.

"Bakit nasayo ito?" Turo ko sa mga gamit ko doon sa box.

Matagal bago niya ako nasagot, nagpalipat lipat ang tingin niya sa aking mga mata.

"Naiwan mo sa apartment ko."
Sagot niya.

Namilog ang mga mata ko. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Oo, ako ang kasama at kasiping mo ng gabing yun. I'm sorry, dahil pinagsamantalahan ko ang pagkakataong alipin ka ng druga...but i swear hinabol kita. hinihintay kita sa labas ng school niyo ngunit hindi talaga Kita matyempuhan, yun pala sa likod ka dumadaan. At nagalit ako sa aking sarili ng may nangyaring masama sayo...at sa baby natin." Pumiyok ito sa huli niyang sinabi. His tears were racing down to his face. His shoulders were shaking, a tough man is crying in front of me.

All my life mamuhi ako sa king sarili dahil aksidente kong naiwala ang puri ko,yun pala ay sa taong mahal ko lang pala napunta. I slept with the same man.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Tanong ko.

"Dahil naduwag ako.. Im sorry...I'm sorry"
Patuloy parin ito sa pag luha.

Pinakalma ko ang sarili ko, I don't feel any hatred instead masaya ako na siya ang nakuha sa akin.

Pinatuyo ko ang mga luha niya.
"Sshh. Hindi ako galit sayo,nanghinayang lang ako sa panganay natin." Napaluha narin ako.

He stare at me intently.
"Bakit ang bait mo?"
Napangiti ako sa sabi niya.

"Ganoon lang Kita ka mahal."

Hinalikan niya ako ng buong pagmamahal.

"I love you too." Sabi nito.

Pinugpog niya ako ng halik sa mukha at pati na rin si baby. He hug me lovingly and kiss my lips again.

I kiss him back with all my heart.

Hindi man kami na bigyan ng pagkakataon dati, habang buhay naman ang kapalit nito nang yayain niya akong nagpakasal sa kanya. Of course  I said yes, magpapakipot pa ba ako? E magkakababy na nga kami, at tsaka mahal ko naman yung tao.

Never in my dream that I'll have Enrique Martinez for real, ang bait talaga ni cupid.


The End



❤5.26.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon