Hanggang sa pag uwi namin ay hindi ako makausap ng matino, kahit Panay ang kwento ng mga bata ay hindi ko ito masubaybayan buti nalang at sinasalo ni Rick ang bawat salitang ibinabato sa akin ng mga bata sa backseat.Idinaan muna namin si Jared sa building nila. Nasa lobby na si Osang ng dumating kami. Hindi na kami nagtagal dahil tulog na si Chiky, hapon na kasi kami umalis ng bahay kaya gabi na kami dumating ng maynila.
Si Rick ang nag asikaso Kay Chiky dahil wala sa sarili akong pumasok ng silid.
Marami ang naglalaro sa utak ko. Kung paano ko sisimulan ang pagsasabi, ano ang dapat kong unahin, kailan at ang posibling mga reaksyon nila.Parang hindi ko kaya ang mapagsabihan lalo na mula Kay tatay. Magagalit kaya sila sa akin? Kikilalanin pa kaya nila ako? O maintindihan kaya nila ang mga nagawa ko?
Ewan...ang gulo ng isip ko. At ang isipin ang mga panahon na yun ay sumasakit ang dibdib ko.
After I clean myself ay lumabas ako ng kwarto upang maghanap ng maiinom. Maybe an alcohol would be fine. Pampakalma lang.
Nakakita ako ng ng rhum doon sa kitchen kaya kinuha ko, kumuha din ako ng baso at nagtungo sa balconahe.
Tahimik na ang kabahayan, malamang tulog na sila. Tulog na rin kaya si Rick? Alam kong may mga katanungan ito sa akin pero dahil sa sarili niyang kondisyon ay pinipigilan nito. Hindi ko rin alam kong masasabi ko rin ba sa kanya ang bumabagabag sa akin, even my friends doesn't know about this.
Nakalahati ko agad ang bote ng rhum kahit ang tapang nito. Syempre inuming panlalaki ito.
Sa dami ng iniisip ko ay parang nablangko nalang lahat iyun sa utak ko.
Kung ibabalik ko ang mga alalang iyun ay alam kong iiyak at magsisisi lang ako, pero gusto ko naring lumaya doon. Para bang may hawak akong bomba na anytime ay pwedeng sumabog at ikabibigla ng lahat.
Magsasalin sana ako sa baso ng may kumuha sa boteng ibubuhos ko sana sa baso.
"Nakaya mo ang tapang ng alak na ito?"
I heard a dangerous tone from him, tulad iyun noong dati na palagi pa niya akong tinataboy.Hindi ako lumingon sa kanya dahil parang naiipit ang aking paghinga, alam kong nagdududa na ito sa ikinikilos ko pero hindi ko kayang sabihin yun.
Tinungga nito ang alak na kinuha mula sa aking kamay at napangiwi ito sa anghang at pait nito.
Umiling ito habang umuupo sa katabing upuan.
''What's going on,Julianne?"
A concerned and an angry tone is visible on his voice that sent shivers on me.May tumulong luha sa aking mga mata na hindi ko sinadya, naduduwag na naman ako at ang liit, ang dumi ng tingin ko sa sarili ko.
Ginagap nito ang kamay ko kaya napatingin ako doon.
"I know we have privacy terms...but fuck! I can't afford seeing you like this... You're so helpless!" Nag alala nitong sabi.
He held my chin to meet our gaze. Those twinkling eyes of him turn into something suspicious."is it about that bastard,Barry?" Naningkit ang mga mata nito.
"Sabi ni Joshua he is your psycho suitor, pero may mas malalim pa iyung dahilan diba? Lalo ng sabihin niyang pag-iisipan mo. Pagbabanta yun Julianne! Hindi yun paghahangad ng 'oo' mo." Inis at pag-alala parin ang maririnig mo sa kanya.
Umiwas ako ng tingin. Gusto ko ng magsabi kaso nahihiya ako dahil siya ang dahilan ng lahat ng katangahang nagawa ko.
"Im here to listen Julianne dahil natatakot ako na baka may gawing masama ang lalaking yun sayo...adik yun. Wala kang makukuhang matino sa lalaking yun." I saw him clenched his fist.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...