kabanata 14

43.9K 1.1K 14
                                    

Sa pagod ni Chiky ay makatulog na ito sa byahe pauwi,kinandong ko nalang ito.

I carried her to our unit at si Rick ang nagdala ng mga pinamili nila. I clean Chiky at binihisan ito ng pantulog.

Kumain na kami ng dinner sa labas kung kaya ay dumiritso narin ako sa aking silid upang makapaglinis ng sarili dahil napagod din ako sa kakalakad sa mall.

I soak myself in the warm tub. So relaxing. I close my eyes to relax.
Napamulat ako ng may kumatok sa pintuan.

"Julianne!!" I heard Rick.

"Sandali lang!"
Ano kaya ang kailangan nito, akala ko pa naman ay tulog na.

I rush to the shower and make it quick.

I wear my usual nighties at binalot ko nalang ang aking katawan ng robe. I never dried my hair, baka kasi mainip si Rick. Pinatuyo ko na lang ito gamit ang tuwalya at pagtapos ay lumabas na.

Nakita ko siya sa may salas at may binabasa sa folder. Napansin niya sigurong nakatayo na ako kaya ay itiniklop niya ang binasa at tumayo ito.

"Hi...ahm I just wanna thank you for today." Panimula nito.

Napangiti ako.Enrique Martinez is saying thanks to me, what a weird. He used to shout at me kapag pinipigilan ko ito dati upang hindi ito masangkot sa gulo,at puro galit na mukha ang sumasalubong sa akin. Pero ngayon ay napaka amo nito. I think he really matures.

"You don't have to say it. Ginawa mo yun hindi dahil sa akin kundi para sa anak mo at masaya ako doon." Sabi ko, I keep a meter distance to us kasi nagwawala na naman yung walangya kong puso. Magkakasakit ako nito sa puso kapagkuwan.

"No, its all about you. Kung hindi mo pinagsabihan ay hindi ko maisip na walang kwenta pala talaga akong ama. Ikaw pa itong single ang mas may alam kaya salamat,mag lalaan ako ng oras para Kay Chiky kahit pa sa hectic kong schedule." Sabi nito sabay kamot ng kanyang batok.
"Hindi ko lang kasi maipagkatiwala sa aking team ang mga kasong binibigay sa akin kung kaya ang mga panahon na sana ay inilaan ko Kay Chiky ay makukuha ng trabaho ko pero alam ko na ngayon, mas gusto ko ang masaya si Chiky kaya ipagkakatiwala ko ang ibang kaso sa aking team." Mahaba nitong paliwanag.

"Hindi ka magiging si Enrique Martinez kung mapagbigay ka. You were selfish,you know. Tanging si Paulo lang naman ang pinagkatiwalaan mo diba?"
Natatawa kong sabi. Kaya nga nagtataka ako kung paano nabuo si Chiky, siguro nga ay nagbago na ito pero sa ibang bagay.

"Ganoon?" Naningkit ang kanyang mga mata. "Well I guess you knew me very well.huh?" May panunuya niyang sabi.

Oh boy!

My face heat up kaya napayuko ako. My God, I just bring up back the past. Nakakahiya, ka babae kong tao stalker sa isang bad boy,trouble guy and most snob person ng campus. Pero kahit ganoon siya isa lamang ako sa maraming mga babaeng nagkandarapa sa kanya.

"Hindi Kita pinahiya ha." Naramdaman kong palapit ito. And my heart is shamelessly beating so fast.

Nanigas ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Pasensya pala sa ugali ko dati, ang pinakaayaw ko kasi sa babae ay ang pinangungunahan ako,naiinsulto kasi ako doon..." He kiss my forehead and let go of my hand. "Pahinga kana,may trabaho pa tayo bukas salamat uli."
Yun lang at dumistansya na ito sa akin.

Kaya tumango ako at nagmadaling tinalikuran ito at tumungo sa akin silid.
Sumandal ako sa likod ng pintuan at humawak sa aking dibdib na nagwawala.

What the heck? If hindi ba ako naging stalker niya dati may chance ba na mas mapansin niya ako? Impossible.

It takes minutes to calm myself, pinagpawisan pa ako kahit bago naman akong ligo.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising maghanda ng breakfast, usually ay si Nana Lorna ang gumagawa nito pero nag volunteer ako kaya naglinis nalang ito.

Pagkatapos kung ihanda ang almusal ay pinuntahan ko na si Chiky at kakagising lang nito.

"Good morning baby!!" Masigla kong sabi upang mabuhayan ito, pupungapungas pa kasi ito.

"Good morning po..." She lazily said.

"Get up na isasama Kita sa work."
Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito at nag o shape ang bibig. "Really?"

"Oo, para naman wala kang maisip na kabulastugan dito. You'll behave naman diba?"

Agad itong tumango tango.
"Yes, I won't disturb you mom. I promise." Itinaas pa nito ang kanyang kanang kamay.

"Okay, I count on that. Come on naligo kana at ihahanda ko ang dadalhin natin."
Nakaligo na kasi ako at ready na ang gamit ko pero hindi pa ako bihis, saka na pagkatapos naming kumain.

Isinilid ko sa bag ni Chiky ang pinamili namin kahapon na school things. Plano ko kasing doon siya bigyan ng activity upang matuto itong sumulat. She can recognize shapes and colors,even numbers and letters pero napakupad nitong sumulat at ang gulo. Ito ang tatrabahuin ko sa kanya.

"Dad,isasama ako ni mom sa work niya..." Masayang sabi nito ng masalubong namin si Rick sa salas at nakabihis na ito. Ready na rin si Chiky, ako nalang ang hindi pa.

Natigilan naman ito at tumingin sa akin.
"Dadalhin mo siya?" Takang tanong.

Tumango ako bilang sagot, nahihiya parin ako about last night.

"She'll messed up." Protesta nito.

"No dad!! Magpapakabait ako,promise! I won't give mom a hard time on me, I swear." Pangungumbinsi ng bata sa ama.

"Don't worry Rick, I can handle. Nakikinig ito sa akin kaya wag mo ng hadlangan hindi rin Kita papayagan."

Totoo naman,maamo si Chiky sa akin.

I heard him sigh in defeat.

"Okay, tawagan mo ako if may problema kaba kasi mag tantrum at maaabala ka sa trabaho mo."

Tumango nalang, I can't stand near him. Nagwawala ang sistema ko and I'm very much aware what is this all about, I'm falling again.

"I'll drive you two at susunduin ko kayo mamaya, just text or call me kapag uuwi na kayo."

Parang hindi ko gusto ang kabaitan niya ngayon sa akin, mas gusto ko sigurong snob ito upang may rason ako upang pigilan itong umuusbong kong nararamdaman.

Naluko na






❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon