Masaya ako dahil naging okay na kami ni nanay at si tatay masyado paring mailap."Hayaan mo na naguguilty lang yan kasi hindi ka niya naprotektahan. Alam mo noong naaksidente ka? Pinagtalunan namin noon ang pagbalik mo ng maynila. Ayaw na daw niyang may mangyaring masama sayo habang malayo kami ngunit sabi ko paano ka matututo kung palage kang nasa pangangalaga namin,kailangan ka din naming hayaan sa magiging buhay mo sa hinaharap. Kaya kahit natatakot ang tatay mong hayaan ka uli malayo sa amin ay nakumbinsi ko parin siya. Ayokong makulong ka dito sa probensiya anak mas bagay sayo ang ang mas malaking mundo, gusto kong malakas ka para sa sarili mo dahil hindi kami habang buhay dito sa mundo. Nandito lang naman kami upang gabayan kayong mga anak namin hindi para manipulahin at isa pa may tiwala naman kami sayo." Mahabang paliwanag ni nanay. Na guilty na naman ako sa tiwalang yan, naku.
Napangiti naman ako sa sabi ni nanay, susulitin ko muna ang pagpunta namin dito. More like vacation itong ginawa namin, after a month na confinement ni nanay sa ospital sa madali naman itong bumuti ang lagay kaya naka uwi na siya sa bahay nina Tita Anna.
"Anak, si Rick at Chiky kumusta?"
Andito kami sa veranda ni tita Anna at para magrelax,wala namang snow pero malamig talaga dito sa America. Si tatay ay nandoon sa likod bahay at ginawan ng tree house ang anak ni Tita Anna na si Melody.
"Buo na po ang pamilya nila, nay. Nahanap na po ni Rick ang nanay ni Chiky kaya okay lang na wala na ako doon." Malungkot kung sabi, it's still hurt when the idea of Rick having a family already. Pero ang bang magagawa ko.
"Buti naman isinantabi mo ang nakaraan ninyo ni Rick ng maging temporary mommy ka ng anak niya."
I sigh.
"Hindi naman po ito tungkol sa amin,nay. Gusto kong makabawi sa nagawa ko sa kanya dati, at the same time gusto ko din tulungan ang anak niya." Mabigat kong sabi.
Masakit. Napamahal na sila sa akin at kahit katiting na puwang ay wala ako sa kanila.
"Ang ganda ng puso mo anak, nagawa mong unahin ang kapakanan ng iba....alam kung mahal mo siya, anak. Kaya ganyan ka lungkot,ano?" Nanay tap my back.
I wanna cry, pero magmumukha lang akong loser lalo. I'm on the process of moving on, para ito sa sarili ko.
"Here is your Pizza miss Lian, the other one is in the kitchen."
Lena interrupted. Katulong ito ni Tita Anna at pinabili ko ito ng pizza,I'm really craving pizza lately.
"Thank you Lena..." I said sweetly to her.
Ngumiti lang ito at umalis na.
Nilantakan ko agad ang Hawaiian pizza na pinabili ko. Mmmm, ang sarap talaga.
"Anak umamin ka nga sa akin."
Nakakunot noong tanong ni Nanay sa akin.Napahinto naman ako sa pagnguya at tumaas ang isang kilay.
"Ano po yun nay?"
"Buntis ka ano?"
Nabilaukan ako sa tanong niya. Umubo ako dahil ang sakit ng lalamunan at dibdib ko. Binigyan naman ako ng tubig ni Nanay.
"Ano ba yan nay!" Sabi ko ng makabawi.
Naningkit ang kanyang mga mata na tumingin sa akin.
"Ano?...lahat ng mga sinyales ng pagbubuntis ay ginagawa mo. Antukin, palaging kumakain kahit hindi ka naman matakaw, ang bilis mong mapikon kahit si Melody lang ang kausap mo, at napaka mapili mo sa mga pabangong malalanghap mo, at yang pulso mo ang lakas ng pintig. Anak dalawang beses akong nagbuntis sa inyu ng kapatid mo sa tingin mo hindi ko yan mapapansin?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Posibling buntis ako, may nangyari sa amin ni Rick, ilang beses yun at wala kaming proteksyon.
Namula ako sa isiping iyon. How could I be stupid, nabuntis nga ako noon na isang beses lang may nangyari sa amin ni Bruce ito pa kaya na halos gabigabihin ako ni Rick. Oh God.
"Bumili ka ng PT para makasiguro tayo."
Sabi Nanay. Nahiya tuloy ako, pagkatapos kung magsiwalat ng nakakagimbal na sekreto ay ito na naman nabuntis ng walang magiging ama sa bata."Hindi mo itatanungin kung sinong ama nito,nay?" Nakayuko kung sabi dito.
"Bakit?hindi ba si Rick ang ama niyan?"
Mas lalo akong namula sa sinabi niya.
Disappointment filled my system.
"Pero nay-""Sshh...hindi Kita huhusgahan, kung magiging dalagang Ina ka man hindi ikaw ang kauna unahang dalagang Ina sa mundo... Hindi ka dapat malungkot anak, bawat bata ay biyaya. Mag ingat ka sa pagkakataong ito upang hindi ito mawala uli ha? Mahal ka namin ng tatay mo anak kaya kung ano man yang pag alinlangan mo ay alisin mo yan,makakasama yan sa apo ko." Ngumiti ito ng pagkatamis at hinawakan ang aking pisngi.
"Magiging Ina na ang prinsesa namin."
Pagpapagaan niya sa akin.Ang swerte ko sa kanila, ako lang itong tanga.
Magiging Ina na uli ako and this time its Rick's spring. I'm happy at the same ay nalulungkot. Ipapaalam ko ba sa kanya na magkaka baby na kami? Ngunit paano kung makasira lang ako sa pamilya niya? Ayoko ng ganoon.
Naisip ko si Osang, okay naman sila ni Jared for how many years pero dahil yun sa wala ang ama ni Jared. E ako? Nasa paligid lang si Rick at malalaman din niya ang kalagayan ko eventually, magkakagulo kaya?
I went to a pharmacy to buy a pregnancy test kit. Lima ang binili ko, panigurado. Pag uwi ko galing pharmacy ay nakita kong nakatayo si Nanay at tatay sa pintuan ng bahay ni Tita Anna. Kinabahan ako,sinabi na kaya ni Nanay Kay tatay?
Dahan dahan akong lumapit sa kanila.
"Nakabili kana?" Excited na sabi ni Nanay, pero hindi ko ito pinagtuonan nakatutuk lang ako Kay tatay na seryusong nakatingin sa ako.
"Tay?"
Kinakabahan kong sabi.Hindi parin ito umimik.
"Tay!" Tawag ko uli. Gusto ko tuloy umiyak sa lamig ng titig niya.Nakita kong siniko ito ni Nanay.
"Ano kaba Fredo! Natatakot na yang anak mo! Gusto mo bang makunan yan?" May pananakot na sabi ni Nanay dito.
Bigla naman ay lumambot ang mukha ni tatay kaya napayakap agad ako sa kanya ng mahigpit. Kahit kailan hindi niya ako matitiis.
❤5.20.2017
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...