Rick's POV.It's been months when she left.
I miss her so bad.
I'm dying to see her again.
She left without even a short notice. Nalaman ko nalang na wala na siya pag uwi namin ng bahay. Kahit isang piraso ng kanyang mga gamit wala siyang tinira, wala na talaga siyang planong bumalik pa.
Minadali kong ayusin ang lahat para may pagkakataon na kaming dalawa, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay iniwan na naman niya ako. Alam ko naman kung nasaan siya at ang rason niya kung bakit niya ako iniwan sa pagkakataong ito, ang hindi ko lang matanggap ay kahit tawag man lang ay hindi siya nagpaalam. Wala na ba ako sa kanya ngayon? Paano yung mga pinagsaluhan naming dalawa? Wala lang ba iyon sa kanya? Kasi ako halos ,mababaliw ako araw araw sa paghihintay ng pagbabalik niya.
Uminom na naman ako, sobrang lungkot dito sa condo. Kung kailan naayos ko na ang lahat saka naman siya nawala.
Napapailing akong maalala ang unang gabi namin dito sa balkonahe. She scolded me like her son, napangiti ako reaksyon ng mukha noon. Alam ko naman na mali ang sagot ko iniinis ko lang talaga siya dahil gusto kong mapansin niya ako. Aminado akong naexcite ako nang magaharap kaming dalawa. Hindi ko akalain na hahanap hanapin ko na siya mula noon, naging excuse ko palage si Chiky. But still naktulong talaga ito sa aming mag ama, she is ang angel in disguised.
Bakit ba kasi iniiwasan ko siya dati? Pride siguro ang humahadlang sa akin, minsan na nga akong nagkakagusto sa isang babae e nauunahan pa ako. I want to surprise her in my way, pero ako ang palage niyang nasusurpresa sa pag sunod sunod niya sa akin tuloy nainis ako.
Tinapos ko ang panglimang bote ng beer at pumasok na sa silid ni Julianne, mula nang umalis ito ay dito na ako matutulog, I want to feel her through her smell nababaliw na talaga ako.
Mag isa nalang ako sa condong ito, si Chiky ay kinuha na ni Madeline at dinala doon sa pamilya niya,si Nana Lorna naman ay pinag retire ko na matanda na kasi ito. Wala na naman siyang batang aalagaan.
Gaano ko man ka gustong sundan si Julianne, ayoko ko namang makisawsaw sa pamilya niya gusto ko pa kasi munang mag usap kami at linawin ang tungkol sa aming dalawa kaya hinayaan ko muna siya. Alam kung nangako akong samahan ko siya sa pagharap niya sa mga magulang pero sana ay nasabi ko muna sa kanya ang katutuhanan sa nangyari dati ngunit nahuli na ako. Sana lang ay naayos na niya iyon. Kaya gustong gusto ko na siyang makita, sana lang ay hindi pa huli sa amin ang lahat.
Niyakap ko ang unan niya at ibinalot ang kanyang kumot sa aking katawan.
I miss her so bad.
Nang araw na umalis siya ay agad ko itong hinanap at ang una kong pinuntahan ay si Dwight dahil kaibigan nito ang asawa niya ngunit wala silang alam. Naghihintay din sila ng balita tungkol dito. Bumyahe ako patungong Laguna ngunit walang tao sa kanilang bahay doon ang sabi sa mga kalapit bahay doon ay nasa ospital daw ngunit nang puntahan ko ang ospital doon ay saka naman may emergency operation ang itinawag sa akin. Hindi ko ito na tanggihan dahil si Gamulo iyun, nakatakas. I spent a week of seeking Gamulo at sa wakas ay nahuli rin namin ngunit dead on the spot ito dahil nanlaban. Si Julianne agad ang naisip ko Pagkatapos ng operasyon namin sabay naman nito ang pagpapaalam ni Madeline na dalhin si Chiky sa mga relatives niya sa Cebu. Pumayag naman ako dahil excited naman si Chiky na makilala ang pamilya ng nanay niya.
I asked Amber again about her but I'm too late, nakaalis na ito papuntang America. Para akong nabagsakan ng mundo nang marinig ko iyun mula Kay Amber pero nahimasmasan naman ako ng malamang gagamutin ang kanyang Nanay doon kaya hinayaan ko nalang muna sa pag aakalang hindi ito magtatagal. From time to time ay nagtatanong ako Kay Amber kung kumuntak na ba ito ngunit hindi pa rin daw hanggat sa nahiya na ako sa kaibigan niya.
Pinuntahan ko ang kapatid niya sa Laguna at kinapalan ko talaga ang mukha kong harapin ito para lang makakuha ng balita dito.
"Kailangan si Lian ni nanay at tatay doon kasi hindi ako pwede dahil may farm akong kailangan tutukan... Wag lang mag alala uuwi din sila kapag magaling na si nanay."
Ito ang sabi ni Joshua sa akin.
"Si Julianne, kumusta siya?" Alam kong tunog desperado na ako pero kailangan ko lang malaman ang lagay niya upang mapanatag ako.
"Okay lang si Lian, wala masamang mangyayari sa kanya doon dahil nandoon naman ang Tita namin."
Hindi na ako nangulit pa,sapat na sa akin na malamang maayos ito. I just wish to her mother's fast recovery para makauwi na sila.
Nagising ako sa ingay ng aking cellphone. At nang tingnan ko ay number ito ni Madeline. Napabuga ako ng hangin, ang aga naman o!
"Good morning baby..."
Inaantok kong sabi."Good morning too papa!!"
Maligaya nitong saad."Hmmm"
I said with my sleepy voice and an eyes still close."Papa! Bumangon kana check mo kung umuwi na ba si mama!" Bugnot nitong sabi.
Araw araw nalang talaga niyang kinukumusta kung nakauwi na ba si Julianne. Natawa ako, pareho kaming miss na siyang sobra.
"Opo mahal na prinsesa, maliligo lang si papa ha, babye!"
Sabi ko dito."Papa, malungkot ka pa rin ba?"
Malumanay nitong sabi.I sigh. Hanggat hindi ko pa siya nakikita ulit hindi ako tuluyang sasaya.
"Of course not baby, tumawag ka naman kaya bakit ako malungkot? Hmmm, ikaw masaya ka bay dyan sa mommy mo ha?" Tanong ko.
"Opo papa, ang dami kong cousins na dumating...ang sabi kasi ni mommy may reunion daw kaya nandito sila." Masaya nitong sabi.
"Ganoon? Mabuti naman, kaya ikaw maging friendly ka ha galing pa yan sa mga malalayong lugar."
"Papa! I'm always friends mababait naman po sila, sinasali po nila ako pala sa mga laro nila."
"Very good, sige na ligo muna ako...bye baby, I love you."
"I love you too papa,bye"
And then she hang the call.Bago ko maibalik sa mesa ang cellphone ko ay nakita kong may text doon si Amber.
From: Mrs. Arizona
Ngayon ang uwi nina Julianne from US, gusto mo bang sumama sa pagsundo sa airport? Mamayang hapon ang arrival nila. Just text me if you want.
Lahat ng antok ko ay lumipad kung saan saan.
Sa wakas uuwi din siya!
Ako pa ba ang mawawala sa pagsalubong nito. no way.
,❤5.22.2017
Unedited. Antok na ako.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...